good friday in black jacket

magaan naman
talaga ang pakiramdam ko nang araw na’to. nakatanggap pa ako ng text
galing kay melis na merong liveaids monologue sa UP.  wala naman akong
lakad nang gabing yun kaya nagconfirm ako. akala ko, concert, wala
akong ideya kung ano ito. mahirap kumuha ng taxi mula qc ave papuntang
UP kaya tinext ko si melis na malelate ako. 7 pm kasi ang usapan namin.
7:15 na nang mga oras na yon. nasa circle din siya nang sabihin kong
nagjeep na lang ako kaya naman nagpahintay na lang ako sa jollibee
philcoa dahil nakataxi siya. naglowbat si melis. sa simula, may
kaunting agam-agam kung paano ako kokontakin dahil limang minuto na ay
wala pa ako. buti na lang at dumating ako bago pa siya mainip.

mga masscom student and alumni pala ng UP. interesante lalo na ang
iskrip. habang pinapanood ko ang monologue, hindi ko pinapatakas ang
paghahabi ng mga salita, kung paanong nagiging masining ang mga
salitang balbal. masasabi kong mahusay ang  samaskom.

sa kalagitnaan ng tawanan, natauhan na lang akong kasali na ako sa
produksyon. isa na sa mga pinagtatawanan. pinaakyat ako sa stage ni
baby baby – lady lady cojuangkers na RS francisco sa totoong buhay. ang
segment ay ang annual philippine tattler social and charity ball.

to make the longest 5 minutes of my life short, humarap ako sa
napakaraming tao habang iniisa-isa ang pwedeng malait sa akin. Ang
unang naurirat ay ang ngipin kong kailangan ng braces at ang polo ko na
sm exclusive!  sa lakas ng spotlight, hindi ko maaninag ang mga tao at
tanging tawanan lang ang naririnig ko. hindi naman ako napikon. alam ko
namang katuwaan lang ‘to. ako ang napaakyat dahil sa nakakaloko kong
black jacket.  marahil sa suot ko kaya ako napaakyat. inakala niyang
sosyal ako sa black jacket na to.

matapos iyon, kumain muna kami sa conspiracy bago umuwi.

inakala kong tapos na ang araw na iyon nang maholdup naman ako sa
bus. wala namang nakuha maliban sa pera at pabango. pilit inaagaw ang
cellphone ko pero hindi ko binigay. hindi rin niya napansing habang
inaagaw niya ang isa kong cellphone ay pinapatay ko naman ang isa ko
pang cellphone upang kung may message man na darating ay hindi ito
tutunog. nang wala ng maisip na hingin ay ang black jacket ko naman ang
pilit kinukuha. pero naramdaman kong kahit papaano ay hindi naman sanay
ang holdper na to at mukhang baguhan kaya tumanggi ulit akong ibigay.
pera lang at pabango.

tinawagan ko agad si melis. sinalaysay ko ang nangyari. laking gulat
ko ng matanggap ko sa cellphone ko ang isang message galing sa isa ko
pang cellphone.

“first i was dying to finish highschool and start college. and
then  i was dying to finish college and start working. and then i was
dying to marry and have chldren. and then i was dying for my children
to grow old enough for school so i could return to work. and then i was
dying to retire. and now, i am dying… and suddenly i realize i forgot
to LIVE.”

pinadala ko ang message na to sa cell ko 2 weeks ago. nagtataka lang
ako kung bakit nasend ulit ngayon. at isa pa sa pinagtataka ko ay kung
bakit nakabukas na ang cell ko na pinatay ko kanina. sinubukan kong
tingnan ang sent folder dahil iniisip kong baka naresend ulit ang
message pero wala naman sa sent folder. hindi ko na pinilit alamin ang
sagot kung paanong nasend ulit ito. ang inaalam ko ngayon ay kung ano
ang kahulugan nito sa akin.

trauma ang inabot ko kahapon pero kanina paggising ko, parang wala
lang. pera lang at pabango ang nawala – hindi ako. maliit lang iyon.
malaki naman ang aral na kapalit.

ps.

sa apat na taong gamit ko ang black jacket, hindi ko maisip kung ang black jacket ba ang may sumpa o si lady-lady!

Advertisements

3 comments on “good friday in black jacket

  1. sa tingin ko ang black jacket ang may sumpa, na-sense agad ng holdaper kya nman di k n ipinagpilitang kunin mula sa iyo! buti n lng kamo bguhan pa ang loko. ingat ka lagi ha!

  2. sa tingin ko ang black jacket ang may sumpa, na-sense agad ng holdaper kya nman di n ipinagpilitang kunin mula sa iyo! buti n lng kamo bguhan pa ang loko. ingat ka lagi ha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s