Pik-tyur!

Ang cellphone kong ipinagtanggol noong nakaraang buwan ay tuluyan ng nawala nang mahulog sa bus. Matapos kong kausapin ang cellphone na ito noong gabi at sinabing hindi ko siya gusto dahil sa kulay at hugis niyang ataul ay tila kusang siyang lumayo. Waste thoughts kung manghihinayang pa ako, itinawag ko na lang sa globe upang ireport at ikansel agad. After 20 minutes, cut na ang line. Saka nakiliti ang isip ko nang maisip kong mag-upgrade ng phone. This time, yung may matinong camera na at hindi lang poly. Lintsak, wala naman sigurong masama na mag-upgrade.

Biyernes, may bago na akong phone, kaya naman asahang tataas ang gastos sa kuryente sa lakas ng konsumo sa pagchacharge.

Pagsumpung-sumpungin ang mga kamay

Sabado, Family day ng SVO, hindi ko pinalalampas ang okasyong ito, may ilan kasing kahit anong imbita mo para gumimik, hindi talaga magpapakita maliban na lamang kung SVO family day. Kaya nga ito na lang ang panahong magkakabalitaan kami.

Image066_1Image059_6

Nakakatuwang isipin na kahit ang ilan ay may anak na at ang karamihan ay mukhang may anak sa sobrang laki ng mga tiyan, patuloy pa rin ang pagkilos at paglilingkod sa kani-kanilang paraan.

Syempre, andun pa rin ang mga ngiti!

Image067 Image054

at para ituloy ang kwentuhan,  daan muna sa dating tambayan upang magkumustahan at subukang ibalik ang nakaraan (hmmm). ‘ngalang, ang tapos na ay tapos na at ang lahat ay waring maiiwan sa isang kupas na alaala.(eeewwww!)

Image070Image073

ang hindi maikakaila, bukod sa sabik kami sa kamera ay namiss namin ang isa’t-isa.

Image060Image058 Image056 Image071

kung papipiliin ako ng kantang angkop  para sa araw na ‘to, syempre pipiliin ko PANALANGIN:

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka Makasama ka

Yan ang panalangin ko

di ba Mags? hehehehe

Image013_1

Mas naunawaan ko na ngayon ang kahulugan at pagkasining ng larawan. HIndi ko na kailangang magsulat at maghabi ng kwento, gaya ng mga tula at kwento, masarap bigyang interpretasyon ang mga larawan! Gaya nito:

Naisip mo na ba kung ano ang posibleng ginagawa ni ronald mc donald sa kaliwang kamay n’ya? At nakilala nyo na ba ang kanyang kapatid?

Image081I_love_mcdo

alam nyo ba na katrabaho ko na ngayon ang halimaw sa banga? hindi na siya halimaw at take note, graduate na siya sa banga! may feel niyang maging bulaklak sa vase!

Image153

pero ang totoong halimaw, natagpuan sa starbucks g4!

Image150

gamit ang lohika at syensya ay nahuli ng kamera ang maseselang gawain ng ilang kaopisina. tatawagin natin itong  office scandal.

Image088 Image164

hanggang sa muli!


Advertisements

5 comments on “Pik-tyur!

  1. Wala bang kuha na hindi bangag? Haha… Videoke tayo! Dali! Asarin natin si Ikaw. Bwahahaha… Mwah. (Pag-ipunan ang next project: SONY DSLR AK100. May future ka sa photography. Promise.)

  2. mags pag ako ang tinopak at nagvideoke ewan ko lang kung sino ang maaasar. hahahaha!
    expensive and sony dslr ak100 di ba? kailangan ko atang mag p*ta para makabili nun.

    cels,
    sure sige, hintayin ka namin sa december. 9 months na lang!

  3. $800 lang naman e, barya lang iyan sa iyong unang bahay na mabebenta. (Akin na lang ang sukli! Wag mo na idonate sa charity. Madami naman ako pro-bonong ginagawa e. Wehehe…)

    Oist! Pakilala mo ako dun sa mamang nakasilip sa butas! Haha. Lekat. Toast na ako sa kakawork.

    See you Friday.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s