Para kay Potpot,


Pasyensya ka na kung mag-isa ka na namang naglalaro. Wala pang nakukuhang yaya ang mommy mo o ewan ko nga kung may plano pang kumuha ng yaya yun. Mahirap ang buhay ngayon, malilipat na naman sila ng project at medyo bababa ang sweldo nila. Pansamantala, kami muna ang titingin sa’yo. Ang tita mo medyo busy sa pag-aaral, mahirap naman talaga ang ECE. At saka, andito sya para mag-aral, hindi para mag-alaga sa’yo. Mahirap na at baka isipin ng mga pinsan ko sa Bulakan ay inaalipin namin siya dito. Kaya nga sa twing aalagaan ka nya, ‘wag ka ng masyadong makulit. Buti nga at inaalagaan ka pa nya kahit na ginigising mo twing madaling araw, inaapakan, kinakagat at pag hindi nagising ay kinukuha mo ang cellphone nya sa ilalim ng kanyang unan at saka mo inihahagis, maswerte kung hindi sya tamaan. Malas kung bumukol at paghinalaan kami ng mga magulang nya na minamaltrato sya. Hindi naman sila maniniwala na kahit 1 taon at kalahati ka pa lang ay masyado ng mabigat ang mga kamay mo. Hindi naman nananakit sa Barney di ba? Kanino mo natutunan ‘yan.
Syanga pala, hindi talaga purple ang kulay ng dinosaur. Siguro bading ang creator ni barney kaya pinili nyang kulay ang violet. Wala ring Dinosaur na nagsasalita. Si Barney, Baby Bop At BJ ay mga tao rin, este mga mascot lang, may mga tao yun sa loob. Hindi totoong nabubuhay sila kasama natin… ang totoo ay nauna silang mabuhay kesa sa’tin. Dead na sila nung nag-exist tayo.

‘Wag kang iiyak pag hindi mo agad nakukuha ang isang bagay. Ganyan talaga, konting pasensya. Unang-una, hindi ka namin naiintindihan. Hindi ko alam kung bulol ka lang talaga dahil nga may fold ka sa dila o dahil lang sa dami mong salitang napapakinggan. Sana marealize mo na Tagalog ang ginagamit namin, English ang kay Barney at Hapon naman ang salita ng paborito mong pinapanood twing alas tres ng madaling araw. Hindi ko masakyan ang sinasabi nila kaya ‘wag kang magtaka pag hindi ako nakikitawa sa inyo. Wala namang nakakatawa sa mga sayaw ng mga batang iyon. Nakakainis pa nga lalo na ang production design. Noong nagsabog ang Diyos ng kulay ay kinuha nila lahat. Hindi ako nagtataka kung bakit pati buhok nila ay iba-iba ang kulay.

Dahan-dahan din sa pag-inom ng gatas. Kumain ka na kasi ng kanin. Bawal din ang masyadong maraming toyo sa kanin. Pagkain lang yun ng mahihirap. Hindi ka naman naghihirap e, kami lang. Hindi pwede yung kada oras ay magpapatimpla ka ng gatas. Baka naman sinasadya mong uminom ng uminom para maubos ang gatas mo at makakuha na naman tayo ng free vcd ng Barney sa Enfagrow. Mas mahal ang 1.8kg ng gatas kesa sa barney vcd, kung gusto mo ng bagong vcd, o sya bibili tayo ng pirated- trenta pesos lang at may barok translation pa sa ibaba.

Kung buhay pa kasi ang palabas na Batibot, e di sana yun na lang ang pinapanood mo. Mas maganda yun. Doon ko nakilala ang pamilya ismid. Doon din ako natutong bumilang, magbasa, magkandirit, magtiwala sa manghuhula dahil kay manang bola. Mas magaganda ang kanta nila. Mas mahusay magkwento si kuya Bodie at ate Sheila.

Hindi ka namin mailabas sa kalsada. Ayoko ng humabol sa’yo. Nakakapagod. At di ko trip ang trip mong maghabol ng mga batang lalaki. Alam kong wala kang tatay. Pero utang na loob, mamili ka naman ng hahabulin. Okay lang maging pihikan.

Amerikano ang tatay mo. Native American-Mexican. Hindi siya napatay ng Tsunami tulad ng sinasabi ng lola mo.  Nasa Amerika ata siya, may sarili na siyang buhay gaya ng  moomy mo dito.
Tigilan mo na rin ang pagkain ng papel. Ang papel, binabasa at hindi kinakain. Hindi ka tatalino sa ginagawa mo. Baka maempacho ka.

‘Wag mong ugaliing buksan ang aircon. Mahal ang kuryente natin. Mag-electric fan ka na lang. ‘Wag kang masanay sa kakapindot ng remote control ng tv, vcd, aircon at tv. Baka magkacancer ka sa daliri. Matuto kang mag ehersisyo. Hindi lahat makukuha sa instant.

Kami lang ang may karapatang magcoke. Hindi maganda na inaagaw at inuubos mo ang coke ng mommy mo. Gatas lang ang dapat sa’yo. Mahal na rin ang coke ngayon. Hindi naman namin inaagaw ang gatas mo di ba?
Maligo ka naman araw-araw. Lintsak ang lagkit lagi ng buhok mo. Hindi ipinapaligo ang gatas. Alam mo ba na after 6 years pa ata nung magamit namin ang shower. Ngayon lang yan pinagawa ulit para sa iyo.
Ang player ay hindi laruan. ‘Wag mong buksan ng buksan ang drive ng computer at vcd, baka masira. Ang nilalagay don ay cd o vcd, nakarecord dun ang pinapanood mo. ‘Wag mong ilagay ang stuff toy mong si barney dahil hindi siya magkakasya dun at hindi sya lilitaw sa monitor.

Bata ka pa rin para maglaba ng damit. Ang maruruming damit ng tita mo at mommy mo sa laundry basket ay mga labahan. Nililinis yun gamit ang tubig at sabon. Huwag mo ng kuskusin at amuyin dahil hindi lilinis iyon ng walang tubig at sabon. Bata ka pa rin para isuot ang mga blouse ng mommy mo. Sa totoo lang, kapag sinusuot mo iyon, sa halip na naitatanong ko kung bakit mo iyon sinusuot ay mas naitatanong ko kung paanong naisusuot iyon ng mama mo. Kasyang-kasya sa’yo.

Matuto kang sumipsip sa lolo mo. Sya ang bumibili ng paborito mong ubas. Huwag mong pinapalayas sa kwarto. Bad yun.

Maaga kang matutulog palagi. Maaga hindi umaga. Aba, Alas singko y medya na at tumitalaok na ang manok e hindi ka pa natutulog. Tapos pag natulog ka naman ay alas kwatro ka na ng hapon gumigisin. Alam kong may lahi kang Amerikana, pero nasa Pilipinas ka, wag kang tumulad sa timezone nila. Sa bagay, paano ka matutulog kung lahat kami ganun din ang oras ng tulog. O sya, nakalusot ka dito.

O pano, hanggang dito na lang. Manood ka na lang muna. Marami pa akong isusulat sa blog. Kung nagugutom ka, kunin mo lang ang milk container sa ibabaw ng tokador. At ibalibag mo uli sa akin. Sanay na ako. Marunong ka na namang gumamit ng remote control kaya ikaw na bahala sa panonoorin mo. Sya nga pala, may bago akong nadiskubre, twing hapon sa NHK ay may programang pambata, makulay rin naman at sa gabi, sa halip na manood ka at makikanta sa mga theme song ng telenobela ay manood ka na lang sa knowledge ch. May epol/apol na palabas. Mag eenjoy ka kay kuya bodgie na ngayon ay nag iingles na. Ciao!

Advertisements

7 comments on “Para kay Potpot,

  1. Pingback: Para kay Potpot na mahilig ng magtanong (part 2) « hibang

  2. HAHAHA astig to!! irerefer ko sa isang kaibigan kasi mahilig yung anak niya kay barney. LOL

    salamat sa pagbahagi nito.

    blue: sure. actually nag schooling na sya kaya mga totoong barney na ang kasama nya. hehehe

  3. Kakaiba yang si Pot-pot, dami mong nai-describe, makulit talaga siguro yang si Pot-pot.

    NOTE: Pot-pot rin ang tawag sa akin noong bata pa ako, kasi lagi akong pumo-pot-pot (jebs). Pero hindi ako kakulit tulad ni Pot-pot dati, behave lang ako.

    Bakit nga pala tinawag na Pot-pot si Pot-pot? Dahil pot-pot ba siya ng pot-pot? Tarajing pot-pot?

    ^_^

    blue : hmmmbakit nga ba? basta potpot lang ang tinawag sa kanya ng mum niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s