EDSA

Ang nagkrus at sanga-sangang daan
larawan ng magkakaiba-ibang paraan
sa pagkakamit ng matiwasay na kinabukasan
nang magkakasalungat sa lipunan;
ng mahirap at mayaman
ng may dunong at mangmang
ng makakaliwa’t makakanan
ng may pananampalataya’t atistang makakalayaan
ay tagpuan ng mga kaluluwang pagal,
nag-aalab at uhaw sa katotohanan
minsan pa’y naging bukluran ng mga naghuhumiyaw
na mga Pilipinong sinalanta ng katiwalian
panlalait at kawalang katarungan
kumikilala sa kadakilaan ng Maylalang
at pinakinggan ang daing ng taumbayan…
minsang pang napatunayan, minsan pang naparangalan,
ang pweresa ng kapayapaan laban sa kabalintunaan

Hindi na ako naghahangad ng panibagong minsan pa
ngunit kung may nagbabadya,
sa EDSA, tayo’y muling magkikita.

Advertisements

13 comments on “EDSA

  1. Pingback: People Power « hibang

  2. Sanay muling sisikat ang araw na puno ng kasiyahan at pagkakaisa ng mga tao sa buong mundo… Sanay wla ng gulo at at iba pang nakakasama sa Ginawa ng ating maykapal na si Jesus.. ang Mundo….. Sanay ang lahat na ito’y matutupad balang araw…

    Blue : Amen 🙂 Maraming beses na nating naipakita ang kakayahan nating mapili ang kapayapaan upang tugunan ang mga krisis pangpolitikal ng bansa, sana lang ay kasunod nito, matutunan nating pahalagahan ang sakripisyong iyon at gumawa ng konkretong hakbang tungo sa pagbabago. At syempre, sa tulong ng Diyos 🙂

  3. pasensya n po kau ah..kinopya q po ung tulang iyan.. ial2gay q po sa project ko n pinamagatang DEMOKRASYA.. sinama q po iyan dhil nkaantig sa puso q ang tula..

    sna ay mkagawa p kau ng gnyang klaseng tula na may pagnanasang ibangon ang kalayaan n mramig PILIPINO..

    salamat po..^o^

    blue: maraming salamat din. sana ay nakatulong sa iyong pag-aaral.

  4. makata!

    “Hindi na ako naghahangad ng panibagong minsan pa
    ngunit kung may nagbabadya,
    sa EDSA, tayo’y muling magkikita.”

    this is the last resort also i can think of!

    blue: oh well pwede naman nating isigaw ang ating paniniwala sa blog 😉

  5. hindi na significant ngayon ang EDSA o ang Ayala o ang QC Circle.

    hindi na rin kasi malaman kung sino ba talaga sa mga lider na ito ang naghahangad ng totoong pagbabago para sa bayan.

    blue: hmmm, sabi nga may edsa people power fatigue na ang tao, pero hindi sana mawala ang pagsulong ng pagbabago o paninindigan sa anumang paraan o istratehiya. Hindi ang kilos protesta ang isyu, ang tingin ko ang totoong isyu ay ang lantarang paglapastangan sa ating karapatan, sa mga mamamayan.

    Sa blogosphere… may Edsa, dito natin isulong ang ating adhikain. sa paraang alam natin, sanay tayo at mas epektibo para sa atin.

  6. Pwede bang malaman ang ilang bagay na tungkol sa’yo? kahit kunti lang. pati ang mga ideya mo tungkol sa mapayapang paraan ng pagkamit ng kalayaan at sa kapayapaan? gagamittin ko lang sa Project ko sana kasi ang Tulang EDSA sa Report ko this week? Nakakaantig kasi ng damdamin at nakaka-inspire. Akma rin ito sa Peace Education Report Ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s