gintonic

Bilib ka sa mga marunong maggitara kaya naman pinakialaman ko ang gitara ng kuya ko, pero hindi pala ganun kadali, bukod sa kalyo, sigurado akong may mahal ka ng iba sakaling magkatono ang bawat paghimay ko sa kwerdas. Hindi sapat ang hangarin kong alayan ka ng kanta, syempre, hahanapin mo pa rin ang boses niya.

Mahilig ka ring magluto kaya naman bumili ako libro na Kusina at iba pa, kaso naihain ko na ang adobo ng malaman kong pasta pala ang gusto mo.

Nabalitaan ko ring paborito mo si Francis Magalona, koleidoscope nga ang paulit-ulit mong pinakikinggan sa ipod mo di ba? Kaya nga bumili ako agad ng ticket sa isang Youth Jam Concert na kasama si Francis M. Magpeperform siya dun. May kamahalan din naman ang tiket na binili ko, P1200 isa. 2 yun. Isa para sa’yo at isa para sa’kin. Naiisip ko na ngang mahahawakan ko na rin ang kamay mo habang nakataas ang ating mga kamay sa pagkanta ng chorus… every color and every hue is represented by me and you, kaso tinawanan mo lang ako pagkaabot ng tiket. Active ka pala sa church at isa ka sa nag organize ng concert kaya di mo na kailangan ng tiket. In fact, sabi mo pa nga, ikaw ang mag aasikaso sa kanya sa backstage.

Mahilig ka rin sa chocolates, kaya binilhan kita ng chocolate, naapreciate mo naman. Nakita kong kinagatan mo ang chocolate. Ayoko ngang maniwala sa mga kaibigan mong black chocolate na galing lang sa belgium at switzerland ang kinakain mo.

Ako yung secret admirer mo na nagpapadala sa’yo ng roses last month, 1 dozen yun. Lahat red roses. Sana nagustuhan mo rin. Siyanga pala, nabasa ko kasi ang friendster mo at namention mo sa blog na 1 dozen ng red roses ang binigay sa’yo ng crush mo nung valentines day. Kaso nabalitaan mo rin 2 weeks ago na nakabuntis pala siya. Di ko alam na bad memories na pala sayo yun kaya naman nagpadala ako ulit ng mga bulaklak. This time, bouquet na. Makabawi lang sana. Timing naman na namatay ang tita mo kahapon lang. Nakita ko nga na nilagay mo sa tabi ng ataul nya.

Sablay talaga.

Pero isang araw, habang nagbibisikleta ako, bumuhos ang ulan. Mabilis akong nagpidal, solo ko ang daan ng makita kitang nagmamadaling maglakad. Ikaw yun. Huminto ako sa tabi mo. Basang basa ako… lalo ka na. Pumapatak ang tubig mula sa buhok mo hanggang sa gumuhit sa mukha mo. Nagkangitian tayo, nagkalakas ako ng loob na magsalita, inalok kitang umangkas na lang sa akin at hindi ka tumanggi Balewala ang ulan. Sa gitna ng daan, iniisip kong nasa karwahe tayo at ihahatid kita sa ating tahanan. Habang bumubuhos nag ulan, tila napapakinggan ko ang awiting kaleidoscope na acoustic version, kinakanta ni Francis Magalona. Sintamis ng chocolate ang bawat sandali. Ang mga patak ng ulan ay parang mga talulot ng rosas na bumubuhos at inilalatag sa ating dinaraanan. Lumiko tayo sa kanto, malapit sa inyo. Nasa gate ang dad mo. Nakakunot habang pinagmamasdan tayong papalapit. Tuyo na ang kalsada. Tirik ang araw pero basa pa rin tayong dalawa.

sa mga nakaraan buwan, may mga pangyayaring nais ko mang isulat ay hindi maaari.  nais kong maging maingat sa pagkakataong ito. ngayon lang. kapag ginanahan ako, asahan mo, iisa-isahin ko ang detalye. gayunman, patuloy pa rin ang pagsusulat ko ng mga kathang-isip na may bahid rin naman ng katotohanan. Sa mga nais dumalaw, maaari nyo akong mabisita sa aking blog:

www.bernardumali.wordpress.com

hanggang sa muli!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s