hold-up for the nth time

Dahil election week, may liquor ban at dahil dito boring ang mga gimikan. pumunta akong QC (weekend hangout), nag pabody scrub, at tumuloy ako sa bahay ng isang long lost friend na naassign sa mindanao para sa kanyang Development Work – saving the children from armed conflict. Pabalik ako sana sa Payatas para sa SVO LTS, pero nauwi sa kwentuhan at bahaginan ng bago niyang natutunan sa pagtugtog gamit ang instrumento ng mga Yakan (katutubo sa Basilan).

Nakataxi ako pauwi pero naisip kong bumaba sa Ayala para mas tipid. Magbabus na lang ako from Ayala to Bicutan. Sa QC palang naharang na ako ng mga pulis – checkpoint at napagdiskitahan ang bag kong puro wire ng kuryente daw. Nasa loob kasi ang 2 charger, 2 cellphone, USB connector, MP3 at earphone. Nang wala na siyang maitanong ay inurirat naman ang gamot (for muscle pain) at ng mapatunayang hindi to prohibitive drug, pinatuloy na ang taxi. Nangyari rin ‘to last week sa Bicutan naman.

Pagdating sa Bicutan, isang batang lalaki (12 – 15 years old) ang nangbraso sa ulo ko at nagdeklara ng hold up. Wag daw akong gagalaw at marami raw sila – 5. May nakatutok sa likod ko pero hindi naman matalim. ayoko lang lumaban dahil alam kong mas impulsive ang mga bata at walang pakialam. Totoo nga, naramdaman ko na lang ang mga batang nasa likod ko. kinuha ang cellphone sa bulsa, wallet, konting pera at lahat ng masisimot sa bulsa ko. Tapos hinatak ang bag ko. Wala pang isang minutong nakasubsob ang mukha ko sa ibaba ay nagtatakbo na sila sa riles. Maraming tao sa labas. Sinisigawan ako ng matandang babae: sabi niya sumigaw daw ako at humingi ng tulong sa pulis. Namumutla ako – sa galit. Hindi naman ako nakaramdam ng galit sa mga batang ‘yon, nagagalit ako sa mga tao sa paligid na nanonood lang at ginawa akong public entertainment. Lumakad na lang ako pauwi.

Tumawag ako sa 117 matapos na magsink sa akin ang nangyari. 4:10 AM na nang mga oras na iyon. Halos 20 minuto na ang nakaraan. May sumagot naman at may pupunta daw na pulis sa amin. 5:50AM. May barangay tanod sa harap ng bahay at may kasamang 2 pulis. Pumunta sila sa bahay ng hindi alam na Holdup ang incident. Tinawagan lang daw sila at nasa City Hall sila ng Taguig dahil binabantayan nila ang mga ballot boxes. Dapat daw sa Paranaque ako nagreport dahil iyon ang may sakop ng insidente. So kasalanan ko pa na naabala sila. Tsk tsk tsk.

Sa station ng police. Inisa-isa ko ang nangyari at mga gamit na nakuha. Kung pwede sanang sabihin ko na lang ang natira, mas madali. 1 lip balm, 1 globe mrt pass at P200. Hindi biro ang nakuha nila sa ‘kin. Medyo malaking halaga. Pero hindi rin biro ang mga narinig ko. Kapapatay lang sa batang nahuli nila. Ginagawa nila ang lahat para sa kaayusan at kapayapaan nagkataong eleksyon kaya abala sila sa mga prisinto. Ginising nila ang isang bata na nahuli nila. baka daw iyon ang batang nanghold-up sa akin. Isa lang ang namumukhaan ko pero hindi siya. At malabong iyon dahil nung gabi pa nila nahuli yon bago pa ang panghohold up sa’kin. Sa napakaliit na kulungan at sa verbal terrorism na naririnig nila, i dont think magtatanda sila – parusa talaga sa halip na rehabilitasyon. May mga litrato na ipinakita mula sa cellphone pero wala rin sa mga kuhang iyon.

Matapos ang pagkuha ng impormasyon na ibinigay ko. Nagulat ako na isang paragraph lang ang naisulat niya. Hmmmm, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. habang sinusulat kasi niya iyon, nakakunot ang noo niya na parang malalim na nag-iisip. sana kasi ay sa Filipino niya na lang isinulat o kahit ako na lang ang pinasulat niya. Kung hindi ako nagkakamali parang ganito ang nabasa ko, sa first sentence sinabi niya lang na the incident happened aroung 3:35 am – Bicutan Market. sa 2nd sentence, the robber attacked the victim and took all his belongings at 3rd they fled away. tsk tsk tsk. Ako naman. Nagsign. Isa pang tsk tsk tsk.

Hindi niya muna magagamit ang cellphone dahil naka security lock. Isa pa ay nakaline kaya nacut agad. so kailangan niyang ibenta at ipareset. Swerte niya dahil may kasama na ‘tong charger.

Hindi niya rin magagamit ang credit card. Max-out yun. Sabi ng customer service, papalitan na lang nila ang card. Nung tinanong nila ako kung may kailangan pa ako, sabi ko baka may therapist sila. Tumawa lang siya.

Blocked na rin ang ATM ko. Di rin niya maeencash ang petty cash check na nakapangalan sa’kin kahit natangay niya ang ID ko. naabisuhan ko na rin ang bank.

Nakapagrequest na rin ako ng replacement ng SM advantage at Laking National. Sa susunod na araw na lang ang Mercury Drug card ko.

Problema ko na lang na magpagawa ng bagong SSS card. Magloloan pa naman ako.

Di na rin makukumpleto ang scrap book ko dahil natangay ang PNU, UP at company ID ko. Mapipilitan tuloy akong magpakuha ng bagong picture para sa ID.

Sayang ang bag. Nasira ang strap e kapapagawa ko pa lang sa Mr. Quickie nung saturday. Sana ay hiningi niya ng maayos.

may laman pa ang evian mineral water spray moisturizer at perfume ko. siguro… yun talaga ang magagamit nila.

—-

Discoveries:

1. nadiskubre ko lang na wala palang smart center sa Glorietta. Ayala nga pala may-ari nito.

2. na kahit kilala ka ng cashier ng netopia dahil gabi-gabi kang nagbablog at nagchachat, pag naiwala mo ang ID mo ay di ka na member! Duh!

3. na ikaw na ang nawalan… ikaw pa ang may kasalanan! Akalain mong ilan sa mga taong nakausap ko ay ako pa ang sinisisi sa nangyari, na parang kilalang-kilala ako sa paghuhusga sa akin at pagtawag na tarantado at tanga ako. na kung anu-ano daw kasi ang ginagawa ko sa buhay ko.

4. na anuman ang mangyari… may maggie, teacher olive at melissa na makikinig sa’yo. salamat!

5. na ang police report ay hindi agad makukuha. after a day pa. pero kailangan mo munang tumawag kung nagawa na nila.

6. na kahit malinaw mo ng sinabi na hinold-up ka at natangay ang wallet mo at bag mo… hihingan ka pa rin ng ID sa police station.

7. na ayon sa smart madali naman mareplace ang ang sim basta may police report at ID!

Mula sa police station pabalik sa bahay, iniisip ko kung paano nga ba malulunasan ang problemang ito; kung paanong ang mga bata ay mailalayo o hindi magiging kasangkapan sa krimen, saka ko naalala na eleksyon nga pala… at wala akong magagawa sa ngayon dahil hindi ako rehistrado.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s