ulan, ulan, sa aking bunbunan

gaya ng palaka na masayang lumulundag at kumukokak sa pagpatak ng ulan, heto ako… maligalig at nais damhin ang lamig ng bawat patak sa aking balat. kokak!

isang taon na rin akong nagtatrabaho ( na naman). Bihira na makatagal ako sa trabaho, ibig sabihin, masaya ako sa ginagawa ko. Yun nga ang nakapagtataka doon, paano akong nasisiyahan sa isang trabaho na

1. hindi ko kurso

2. hindi NGO work, so walang kinalaman sa pakikipamuhay at pakikipagbayanihan

3. sa makati lang ang office at walang pagkakataon na makalabas ng manila (walang out of town – walang adventure)

4. isang taon na akong training assistant kahit trabaho ng trainer ang ginagawa ko. in short trainer sa umaga, training assistant sa gabi o sa weekends. Simple lang, inaassist ko ang sarili ko dahil walang ibang gumagawa nun para sa akin. ika nga, set-up ng laptop, sound system, LCD, punas ng mukha, harap sa audience… GOOD MORNING!

5. aside sa pagiging training assistant, kailangan ding maging recruitment assistant. mag-interview sa applicant at makidalamhati sa hirap ng buhay nila. tsk tsk tsk. dito ako talo. madali akong macarried away. sa bagay nag eenjoy din naman ako.

Question :Are you a walk-in or a referral applicant ?

Answer: sumakay po ako ng dyip

Question : What’s your highly recommended project?

Answer : hi… hi… hi-rise?

Question: So, anong project ang inooffer mo?

Answer: project?

yup project. revalida na ‘to, mag act ka na agent at isipin mo na ako yung client. kailangan mo akong maconvince na bumili ng property mo.

Bili na po kayo ng condo. murang mura lang!

grrrr&%#*%!!!

Question : anong theme ng project na yan?

Answer : theme?

yup, theme.

theme… theme unity po!

Question : Why will I hire you?

Answer : ako na lang po ang bumubuhay sa sarili ko. hiwalay po ang parents ko. may asawang iba ang mom ko, may iba na rin ang dad ko, nakatira lang ako sa lola ko…. kahit ganun po, alam ko na hindi ako dapat maapektuhan, kaya nga pinipilit kong tumayo sa sarili kong paa kahit hindi nila ako sinusuportahan.

Ah okay, pang maalaala pala ang buhay mo.

Hindi naman po, hindi ko na nga iniisip yun, hindi ako nagpapaapekto, alam kong may tama akong disposisyon sa buhay. kaya ko pong tumayo sa sarili kong paa, ayoko pong kinakaawaan ako… blah blah blah

Sa thursday ang training, punta ka na lang 8:30 AM

Tanggap po ba ako

(malamang, matapos mo kong dramahan, kunsyensya ko na lang, dito ko na lang magagamit ang pagiging Values Ed major ko) – Oo.

6. May overtime pay…. ‘nga lang, nag ka extra nga ako for my maintenance, 3 times na naman ako nahohold-up this year… so ‘wag na lang.

7. licensed broker naman ako, so pwede na rin akong magsales. mas mataas pa ang commission. advantage pa kilala ko ang projects namin.

hindi ko alam ang sagot. comfort zone nga ba? hindi naman ako comfortable pag financial freedom ang pag-uusapan. tsk. tsk. tsk.

sa bagay. kung di ka naman bothered, bakit ka maghahanap ng reasons para mabother.

—–

speaking of training…

ang daming training programs ngayon, ang daming nagkaconduct at ang daming nagpapatrain. ang totoo… maraming nakikinabang sa training. lalo na pag copy… paste… copy… paste… copy… paste

—–

birthday ko na naman, hindi pa rin matutuloy ang dream ko na mcdonalds birthday party. (buntunghiningi)

—–

hindi ko kinakahiya, kinakatakot o ni kinakabahan sa edad ko – 27 na ko. wala naman talagang pressure, hindi ko naman kailangan i kumpara ang sarili ko sa iba. baka mafraustrate lang ako. hindi man ngayong taon na ‘to, may mga wildest dream din ako na alam ko namang posible. gusto ko sanang makapag scuba diving sa tubataha (wag ngpansinin ang spelling, ayoko ng i-tsek kay google dahil tuloy-tuloy ang takbo ng isip ko ngayon), gusto ko ring magkaroon ng 1 house and lot, at 2 condo units, 1 coaster, 1 chedeng, 1 farm (2nd home and tilapia farm), makanood ng broadway shows o kahit concert ng the corrs sa Europe. materialistic – i know. wala na ang volunteer work sa africa na inaasam-asam ko. nakamamatay nga yata ang buhay sa syudad.

—–

noong nakaraang taon, nabanggit ko ang mga tungkol sa tuyong dahon: (chopseuy- June 27 entry)

maraming tuyong dahon ang nakikita ko, mayroon ding mga tangkay na hutok na hutok ngunit alam kong malutong, gayundin ay maraming makukunat at maaaring paglambitinan; marami sa mga dahon ay may sakit, tila unting sandali pa’y bibitiw na sa sanga at patatangay sa hangin. Maging pakinabang man sila sa lupa o madurog sa tigatik ng ulan, hangad kong makita nila ang magagandang sandali ng kanilang buhay, alaalang nakakapit pa sila sa sanga, nagkakandili sa mga higad at nagkukubli sa mga inakay, kabatian ng paru-paro at nagpupugay sa dakilang araw. Huwag sana nilang mahawa ang mga dahong nagsisimula pa lang na magkauhay at bumati sa liwanag ng kanilang buhay. Hangad ko ang luntiang buhay sa bawat isa sa kabila ng pabagu-bagong panahon; sa gitna ng katiwasayan at sungit ng kalikasan.

sa bawat araw na mistulang dahong nalalagas. humaharap ako sa mas malaking suliranin, mas malaking responsibilidad, mas mapanganib na buhay. hindi na biro ang bawat desisyong bubuuin, ang nilalakaran ko’y waring mga daang may patibong na nakatago. wala na akong dahilan, wala na akong karapatang magsabi na hindi ko alam. patungo na ako sa panahon ng tagsibol, pamumulaklak…

dinadalaw ako ng mga panaginip nitong mga nakaraang araw. nakakatakot… yung iba, nangyayari… yung iba, mangyayari pa lang. kung pwede ko lang sanang paspasan ang panahon para mapabilis ang lahat pero kailangang pagdaanan ang lahat.

—–

sakalaing magising ako isang araw at humarap sa tanggulan; mabigo sa ikalawang pagkakataon, ang lahat maipapaliwanag ng aking mga pinaniwalaan. walang sinuman ang nasiyahang masaktan subalit may ilang kaligayaha’y makapanakit.. hindi ko alam kung bakit.

—-

music playing:

Someday we’ll know
If love can move a mountain
Someday we’ll know
Why the sky is blue
Someday we’ll know
Why I was meant for you

Para kay Popi, Para sa akin, Para sa lahat ng nabibighani sa buhay!

At Para sa lahat ng masayang nagtatampisaw sa t’wing bumubuhos ang ulan!


Advertisements

2 comments on “ulan, ulan, sa aking bunbunan

  1. hapi birtday pare. ha ha! ang kulit din naman ng posts mo. nagbubuntung hininga pero comedy. natawa ako dun sa holdup 3x a year. naholdap nako minsan. parang papuntang ganyan din ang magiging litanya ko. oo nga naman, aanhin mo ang extra pay, kung huldap uli.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s