Kung sakaling may Diyos

alam kong harapin ang kamatayan, subalit wala akong sagot kung paano ko haharapin ang maylalang sakaling matanto kong sa isang bahagi ng buhay ay naroroon siya.

na siya ang may likha ng lahat at bahagi ako ng lahat.

na kung ang mga nagawa ko o ni iniisip pa lamang ay may kaukulang paghusga, at mapatunayang nagkasala higit pa sa inaasahang dami o bigat para sa isang taong dapat tumanaw ng kadakilaan,

wala akong magagawa.

Kung sakaling may Diyos…

marahil, wala na nga akong karapatang humingi ng pagkakataon o dumulog ng awa.

hindi ko rin naman gagawin iyon.

hindi dahil sa pagmamalaki.

maaaring sa natitirang sandali, magpapasalamat ako…

sa kalayaan.

sa mga panahong hinayaan niya akong mabuhay,

magamit ang sandali sa paraang nais ko.

sa kalayaan kong subukin ang lahat at linangin ang isip upang gawin ang pinakatama – pinakamabuti – pinakanararapat ayon sa sarili kong pagpapasya.

maikli man ang sandali, hindi man madugtungan, anuman ang maging pasya…

walang tanging makapagsasabi kung naisakatuparan ko ang mga bagay na dapat kong gawin maliban sa sarili ko.

at masasabi kong nagamit ko ang espasyo at ang sandali sa paraang nais ko.

pagkat ang tangi kong maipagmamalaki – ako, at hindi ibang tao ang naging arkitekto ng buhay ko.

Ako ang buhay.

Advertisements

One comment on “Kung sakaling may Diyos

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s