Ano sa palagay mo?

desaparacidos. kung totoong sundalo ang gumagawa ng gayong uri ng krimen, anong edukasyon ang nakukuha nila upang manguna sa dahas, tanggaping matatamo ang kapayapaan at katiwasayan sa pamamagitan ng paglikha ng karahasan sa itinuturing pa lang nilang banta sa bayan – samakatuwid, ano ang pinagkaiba nila sa kanilang kalaban?

time-out. tatlong linggo na halos mula ng mahold-up ako at hanggang ngayon ay wala pa rin akong id o kahit affidavit of loss para maprocess ang mga documents ko. sapat na ang apat na bote ng beer upang maramdaman ko ang pagod, hindi lang pisikal o mental bagkus ng moral. para saan ba ang pagsusumikap o pagbubuhos ng sakripisyo? ano nga ba ang kapalit ng buong pusong pagtugon sa trabaho kung mararamdaman mo sa isang iglap na hindi ka nasisiyahan?

dilemma 1. kung malalaman mong ang magiging anak mo ay isang bakla subalit sa isang pambihirang pagkakataon ay makapipili ka ng magiging anak, pipiliin mo ang anak na bakla o gagamitin mo ang pagkakataong makapili?

dilemma 2. kung magparamdam ang dating karelasyon ng kasintahan mo na labis niyang minahal, hiwalay na siya sa kanyang asawa ngayon at naramdaman mong ang pagdating niya ay muling pagkalito ng mahal mo subalit pinili ka pa rin niya. may dahilan ba para makaramdam ka ng alinlangan?

misanatomy. kung makahaharap ko ang diyos, imumungkahi ko na ang pagbubuntis ay salitan. matapos ang babae ay lalaki naman ang magdadalang-tao. kung sakaling magkatagpo naman ang lalaki at babae mula sa paghihiwalay, parehong nagampananan ang pagbubuntis at sila’y magtalik, ang mabubuntis ay yaong mas matagal ng nanganak. gayon din, gagawin kong ang ari ng lalaki ay nauubos at tutubo na lamang uli matapos ang nakatakdang bilang ng gamit upang hindi maabuso. o di kaya ay maaari namang tubuan ang babae ng ari na gaya ng lalaki, salitan din?

Advertisements

One comment on “Ano sa palagay mo?

  1. hmm, dilemma 1 -okay lang na may anak akong bading, at least libre ang hair and shampoo ko 😀

    dilemma 2 – alinlangan ba yung ramdam mo o selos ng konti? kung sa akin, ako ang pinili nya, masaya na ako:)

    misanatomy – nakow, e yung isyu nga sa contraceptive walang lalaking bibigay para magpa-vasectormy e, pano pa kaya kung magkaron sila ng bisita every month at mabuntis at manganak 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s