PBB Season 2 – Big 4 sa Big Dome

minsan lang ‘to para maiba ang putahe.

Kahit na hindi ako bumuboto… gusto kong makapasok sa Big 4 ang mga sumusunod:

1. Mickey

dahil may leadership, hindi takot macriticize.

2. Bruce

stereotyping pero sige aaminin ko na kahit nakita o nabuko ang pagkatao niya… mabuti pa rin ang imahen niya sa kamera. tipikal na lalaking madaling patawarin. madali atang tanggapin at pagbigyan ng tao ang mga katulad niya… siguro dahil mas matimbang ang kwento ng buhay at mga kapamilya niya.

3. Bea

para sa’kin, hindi siya player. natural. siguro hindi masyadong exciting ang buhay niya kaya walang masyadong spice maliban na lang sa alitan nila ni maricris. sa paghandle niya sa sarili niya sa mga panahong ‘yon, napabilib niya ko.

4. Gee-ann

– hindi naman kasi sukatan ang kahirapan para manalo. maaaring mayaman si gee-ann (mayaman nga ba siya?- di ako sure dito), gayunman, pinipilit niyang makisama. naniniwala ako na sincere siya.

hindi ko pinili ang mga sumusunod dahil

1. Bodie

masyado siyang safe. sa tingin ko, natatakot ang mga kasama niya na ivote out siya dahil hindi nila alam ang temperature sa labas ng bahay – kung may effect ba sa tao ang pagiging celebrity ng kanyang ama.

2. Nel

mukha naman siyang mabait at nangangailangan pero sa tingin ko, kulang ang pagpapakatotoo niya. well, choice niya yun at baka mali ako ng iniisip, nakukulangan lang ako sa sana’y spice o added story sa PBB. sa bagay, hindi mo kinakailangan ilabas ang lahat para mapansin… wala naman talagang pangakong naghihintay sa labas ng bahay ni kuya.

3. Wendy

favorite ko si Wendy pero dahil lumabas na siya minsan, sa tingin ko ay dapat igalang ang naging hatol ng bayan noon. mukha namang may career na siya pag labas niya kaya hindi nakapanghihinayang na magamit niya ang prize para sa pamilya niya.

Advertisements

One comment on “PBB Season 2 – Big 4 sa Big Dome

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s