Lost and Found

IM LOST. mga ilang araw rin akong walang identity. as in walang id. at sa kung anong kadahilanan ay tila naipit ako sa mundong nakatali sa mga alituntunin nilang kahit sila ay hindi nila maintindihan. sinubukan kong mag apply ng line ng telepono pero hinihingan ako ng 2 id kahit may affidavit of loss na ako. nag apply rin ako sa prc at ganun din – 2 id ang kailangan. sa sss din. anak ng tokwa. kung lahat sila ay hindi makaintindi na nahold up nga ako at nakuha lahat.. as in lahat…. wala akong id na maipapagawa. kinailangan ko pang gamitan ng charm at harm para payagan akong magrenew at magpagawa ng bago.

sss – makati.

bago pa mag alas siyete ng umaga, habang basang-basa ng ulan ay nasa sss makati na ako. ipinatong ko na ang e6 form at sa kamalas-malasan, nang ako na ang ieevaluate ay tumayo na sila paalis sa kanilang mesa de gobyerno dahil flag ceremony nila. at pagbalik, mukhang hindi ata nagustuhan ang sermon ng director ay nakakunot na ang noo. kaya nang ako na ang tinawag ay ibinuhos sa mukha ko ang galit niya sa mundo. bakit wala kang id? 2 id ang kailangan! ipapanalo ko sana ang oral argument dahil sa affidavit of loss na dala ko, police clearance, nbi at birth certificate (na magpapatunay na hello?, ako to, kung bakit mas pinapaniwalaan nyo ang papel kesa sa akin) ay nahanapan pa ako ng butas ng mapansing di pa ako bayad. sa susunod bago ka pumunta dito ay basahin mo muna ang instruction para hindi ka nakakaabala! sh*t! ako pa ang ipapalamon sa madlang tao na gutom na gutom at naghahabol sa kani-kanilang mga opisina. pagkabayad at pagkaabot sa kanya ay plano pa akong harangin ng guardiya at nais pa ata akong pabalikin sa unang pila. lintsak kung kokontra pa siya ay bubulyawan ko silang dalawa at paghahampasin ko ang mga labi nila saka kikiskisin ng siling labuyo. buti na lang at napansin nilang kaya ko rin silang pandilatan.

mula prc habang naglalakad papuntang recto.

nakakamanghang dito – sa daang ito binubuo ang isang tao. dito ka magkakapangalan. dito maaari mong ilimbag at palitan ang pangalan mong nakuha ng magulang mo sa paborito nilang artista, sa pinagsama nilang pangalan, sa kanilang mga ex, sa santo, sa halaman at kung saan-saan. dito muli kang mabibinyagan at makakakuha ng katibayan na kabilang ka sa kahit anong sektang gusto mo. kahit sekta ni kris aquino. makakatapos ka ng pag-aaral kahit wala kang pangmatrikula, may mga research at thesis, pwede mo ring bigyan ng recognition ang sarili mo. lahat ng diploma ng paaralan na sa panaginip mo lang nais pasukin. maliban na lang sa harvard. may medalya, tropeo at kahit anong plake. magkakaroon ka rin ng ari-arian. kahit ekta-ektaryang lupa makukuha mo, hindi mo na kinakailangang maging license broker. at makararating ka sa ibang bansa bitbit ang instant passport. sa dulo nito,nagkrus ang daan ng avenida at recto. hindi ko alam kung saan nga pala ako sasakay, sa lrt o mrt. magdidyip o magtataxi. wala pa rin akong bitbit na id. natigilan ako.

27-27-2007. 27 na ako sa june 27, 2007. what a coincidence. bihira lang ‘to kaya big deal sa’kin. dahil wala na akong pupuntahan kundi pagdagdag pa ng edad, naisip ko na walang dahilan para magkipkip ng nararamdaman at magpakabait. for a change, naisip kong kailangan kong ilabas ang aking naiisip… kahit pa may makakasamaan ako ng loob o kahit away ang kahahantungan nito. marami kasing mga pagkakataon ang napapalampas dahil sa kabutihan na minsan ay naiisip kong isang katangahan.

blowin’ in the wind. hindi ko alam kung kanino ko narinig, pero ang pagkakaalam ko ang pag-ihip sa kandila sa cake ay sukatan noong araw kung gaano na kalakas ang sanggol o bata. ang lakas ng bata ay mula sa bahaging malapit sa kanilang pusod. malapit sa pinagmumulan ng hangin. tumingala ako at sinubukang hipan ang araw subalit hindi siya namatay. kulang pa ako sa lakas. kanina, sinubukan ko ulit, sa tingin ko ay sapat lang upang maitaboy ang ulap at maharangan ang araw. ilang pagsasanay pa siguro.

PANDEMIC – corporate disease. kung may bagong salta; hindi ako agad natutuwa. bagong pagkilala at pakikitungo. umalis siya marahil bitbit ang pagkabigo o maaari rin namang umalis siya na puno na at may dalang pangako. sa opisina, madalas ang dating at alis ng mga tao. nakakalungkot na marami sa kanila ang may bitbit na pagbabago. dala ang sinasabi nilang best practices. ang nakakalungkot, malalang sakit ang walang humpay na pangongopya sa pinanggalingan nila na labis na nakakainsulto. ang copy-paste disease ay isang chronic disease na gumagapang at bumubulok sa pagkatao. nasisira hindi lang ang imahen ng kanyang pinagmulan o pinagtapusan bagkus ang kanya mismong kredibilidad. malalang sakit din ang respect me syndrome. sakit ng mga kulang sa pansin at hindi kinilala sa kani-kanilang pinagmulan. mga taong ipagkakalandakan ang kanilang posisyon upang kilalanin. kung bakit hinahayaan ang ganitong pamiminsala, hindi ko alam. kung bakit hindi mahinuha na ang mga suliraning umusbong mula sa loob ay nangangailangan ng mga solusyon o lunas na magmumula rin sa loob. na ang kahulugan ng bench marking ay hindi pangongopya sa halip ay paglagpas pa sa nakasanayan at naitakdang pamantayan. hindi ko alam kung bakit napakahirap matutunan ang paglikha. ang proseso ng pagsusuri at paglalapat ng lunas. tatlo-bentesingkong utak katumbas ng pagkilala, posisyon at respeto.

ang along nililikha ng malalakas na hampas ng hangin ay bihirang makapinsala, subalit ang along nililikha ng pagyanig ng lupa ay siyang lumalamon at sumasalanta sa maraming buhay.

batid ko namang hindi magtatagal, huhupa at manlulumo sa kahihiyan ang gayong asal subalit ang panahong tinumbasan ng salapi ay hindi dapat pag-aksayahan ng oras.

IM FOUND. i love qc. sa may mga simpleng buhay, simpleng pangarap, simpleng pagkakaibigan at simpleng kaligayahan… ito ang tambayan. kahit nakatsinelas o nakatshirt lang, o kahit barya lang ang laman ng bulsa.. may mahahanap at mahahanap na pagtatambayan. higit sa lahat – no pretensions.

Advertisements

4 comments on “Lost and Found

  1. pucha pare, belated hapi birthday, sabay pala taung ipinanganak, nauna lang ako ng ‘sang taon.

    at kung pagtutugma-tugmain ang linya ng bituin sa ating gulong ng palad, talaga sigurong minalas taung ma-holdap sa mga panahong ‘to. sheet.

    by the way, in sync din ung topic natin. tungkol naman sa ‘names’ ang aking pnagpistahan sa blogpost.

  2. Wow Pare!!! relate na relate naman ako. Dumadaan din ako ngaun sa pinagdaanan mong kalbaryo sa buhay dahil sa mga letseng holdaper na yan. Mga isang linngo na rin akong walang identity. Feeling ko tuloy “just my luck” ang nangyayari sa kin ngaun. Kung mahahalikan ko lang ba ulit ung malas na humalik sa akin…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s