love letter

sa mga oras na tahimik ka, hindi na ko nagtataka. kilala na kita. alam kong may tumatakbo na namang ideya sa isip mo. mga materyales na patok sa mga mambabasa. mahusay ka talagang writer. maraming nagsasabi niyan – hindi lang ako.

d’yan mo nga ako nadale – sa mga sulat mo. yung mga love letters na sagot mo sa sulat ko noon, hanggang ngayon ay nakatago pa rin. ang sarap ulit-uliting basahin. para bang bumabalik yung pakiramdam.

hindi ba sa mga cards na binebenta mo tayo nagkakilala. tama! naaalala mo ba nung thespi’s night. nasa isang table kayo at nagdedesign ng mga personalized cards para sa fund raising nyo. bumili ako ng isa.

anong ocassion? tanong mo

for someone very special. medyo mushy pero yun ang sinabi ko mismo sa’yo.

i’m sure special sya, hindi ka naman magbibigay ng card kung hindi special di ba? ibig kong sabihin, anong ocassion, para alam ko kung anong message ang ilalagay ko. sarcastic mong sagot

pang love letter sana. para sa liligawan ko. sagot ko naman na di natinag sa kasungitan mo. Ginawa mo naman ang card.

bigla akong naging makata, walang anu-ano’y naitugma ang salita

ang silid ay nagmistulang hardin, habang ang kisame’y napuno ng bitwin

at naglipana ang mga paru-paro humahalimuyak rin ang iyong bango…

inaasam kong mapukol ng pansin kahit ngiting malambing,

‘wag sanang ipagkait ang sandaling mahagip ng tingin

pagkat aanhin ang paru-paro ni ang bulaklak

o yaring mga bitwin kung walang pag-aalayan?

aanhin ang tula kung di mapupuna?

aanhin ang pagkakataon kung aaksayahin ang panahon

naniniwala ka ba sa nakatakda? kundi’y likhain natin ang tadhana

sa isang mahiwagang salita… dalawang buhay ay magtutugma

hatid ko’y makapangyarihang Mahal Kita.

natawa ako at nainsulto ka. agad mong binawa ang card. kung ayaw mo, ikaw na lang ang gumawa.

pasyensya na, nabigla lang ako. pero maganda ang card. seryoso ako. iniisip ko lang na sana magustuhan ng pagbibigyan ko.

at natanggap mo nga nung hapon ang card na nilikha mo. pasyensya na ha kung ikaw pa ang nagsulat ng loveletter ko para sa’yo. hindi talaga ako marunong mag express ng sarili ko. laging sablay ‘ika mo nga. nakokornihan ako sa mga salita. pero di ba, masaya ka naman sa t’wing magkasama tayo? di ba sabi mo pa nga, magaling ako sa mga surprises. sa mga gifts and package tour for two na lagi kong binibigay sa’yo. ganun ko iniexpress ang sarili ko at ikaw – ang lahat ng saloobin mo, isinusulat mo. klik nga tayo di ba? at mas lalo tayong naging klik nung sinimulan kong gawing kanta ang ilan sa mga tula mo.

tayo pa nga ang nagpauso ng personal na exchange of vows nung kasal natin. tayo rin ang nagsulat ng theme song natin. ang lahat sa’tin ay personal. ang mga insights and feelings natin, pinapalabas natin sa ibang paraan.

pero ang ultimate na expression natin ay ang honeymoon natin. mas matimyas ang mga salita, mas makahulugan ang mga tingin, ang lambing, ang bawat dampi… at nalikha natin si Makata – ang kaisa-isa nating anak. ang pinakaespesyal na expression ng ating pagkatao.

ang bilis ng panahon, malaki na si Makata at may sarili ng pamilya. naaalala mo pa ba nung muli tayong kinasal nung 25th wedding anniversary natin. si Makata ang umawit ng theme song na sinulat mo at nilapatan ko ng tunog. tayo na ata ang pinakamasayang mag-asawa. at ang lahat ay dahil sa love letter na ginawa mo.

kaya nga ako sumulat sa’yo. hindi ko man mapantayan ang lalim ng iyong mga salita, hindi mo naman ako mauunahan sa mga sorpresa. kaya nga mamaya pagkagising mo, tiyak na matutuwa ka sa sulat kong ito. magkikita tayo muli sa dambana upang muling marinig ang ating theme song. ang personal nating exchange of vows, ang walang kupas na mga salitang nagsalitan, ang mga sulat na nagtugma sa ating dalawa. hihintayin kita mamaya. Happy Golden anniversary!

Advertisements

18 comments on “love letter

  1. ang ganda!!!ako kya me mkikita pang mr ryt???? how i wish king dumating man xa abutin kmi ng golden anniv.

    blue : ay lets keep our fingers cross. hehehe harinawa. balitaan mo ako pag nakita mo na siya pero sana pag nakita mo ang mr ryt at umabot kayo ng golden anniv, dead na ko, tagal pa nun eh. hehehe

  2. sa love letter kong nakit ay maganda rin na bibilieve ban ako sayonapakagaling gumawa pero sana tama ako kung mali ano totoo mali ba o tama kasi parang lalaki ka
    alam parang talaga basahin ung love leter na may binibigay sakin tapos itatago mo para pag lumaki kana na dimo alaala bashain alalangalang mo na tama ba ako

    i wish to love letter na kami i love to u

    blue : ay sandali, parang kailangan kong magdecode. hindi ko ata magets ang comment mo.

  3. haha 😉 grabe so nice.. touched talaga ako.. hehe
    honestly, na cocornyhan aq sa mga luv letter pero, as wat i’ve read grabe todo kilig tlaga ako.. i was planning to give a letter to my bf.. isn’t corney? hehe 😉 la lang.. na hihiya lang ako.

    blue : hindi naman. ituloy mo lang. mas sincere kasi pag letter di ba? Pagtanda nyo, maganda rin balik-balikan ang mga letters nyo.

  4. Hmm..masarap gumawa ng love letter..gusto ko nga ung tipong umabot na sa batok ang ngiti ng pinagbibigyan ko. Pero teka…asan na kaya ung mga ginawa kong cards at love letters? Tsk! buo pa kaya??

    blue : hehehe ako laging abot tenga ang ngiti kahit walang nababasang love letter… marinig ko lang ang salitang love. hehehe mushy.

  5. ang cute..
    hays! naalala ku si Mr. Clean ku ah..
    kaso..
    nibusted ku na..
    dapat nga kaya akong manghinayang?
    haaaayyy!
    kakamish kasi kaKORNIhan nya.. pewo sweet..

    blue : no regrets 😉 ganun tlga, yung korni, yun ang sweet.

  6. grabeh!!! kung totoo man ang love letter mo saludo aq sau.. sana may makilala din aqng 2lad mong magmahal

    blue : literature lang. bunga ng malikot kong imahinasyon 😉

  7. ..wish q talaga bigyan aq ng love letter ng bf q…
    ..hehehe..sarap kayang maging corny minsan…
    ..an ganda ng likot ng imahinasyon mo ha?!…

    blue : salamat. makakareceive ka rin nun wait mo lang, or maunaka na kaya magbigay, baka sakaling magreply sya hehehe

  8. yan ang hanap kong love story.. corny pero TAGOS.. hahhah.. lahat naman ng nagmamahal corny e diba? e kaw blue, naging corny ka na rin ba nung nagmahal ka? o corny ka ngayon kasi nagmamahal k? hehehe

    kaiLan nya kya ako mapapansin? kahit ata ma-miss di yata pumasok sa utak nung taong yun e.

    blue : uy, sino kaya ang taong yun. pangalanan mo nga. lol

  9. mr. writer can i make a request again….

    can you write a story na ang genre ay tragedy..
    ung namatay ang bida pero love story din.

    wala pa man din… ngayon pa lang tanggapin mo ang aking pasasalamat.. THANK YOU BLUE!

    blue : wow hanep. sige subukan ko. sad ata yun.

  10. uuuy… nkaka inspire naman yn love story nyo..lolo.. hehehe.. sna bigyan din ako ng bf ko ng ganyan khit di ganyan ka ganda bzta bigyan nya ko ng letter ksi 4 years na kami and 4 yrs ko narin hinihintay na bigyan nya ako..

    kasi lagi nalng ako ung nagbibgay sa kanya

    blue : hahaha. ano namna ang binibigay nya sa’yo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s