anong ulam?

simula ng matuto akong maglakwatsa, este pumasok mag-isa, mamasyal at sa kasalukuyan ay magtrabaho, ito na nga yata ang bati ko sa tuwing uuwi – anong ulam? sigurado akong hindi ako nag-iisa. kung nagsasalita ang kaldero o kung biglang aapoy ang kalan, siguro ay magsasalita ito ng anong akala mo sa’min katulong na tagapagluto at maghahain sa t’wing uuwi ka? Buti na lang at hindi sila nagsasalita. Ang pinagtataka ko lang, nagsasalita naman ang nanay at tatay ko, pero hindi ko narinig sa kanila ‘yun. laging may sagot o kung wala namang ulam ay magsasabing bumili ka na lang dahil naubusan o hindi nakapagsaing dahil ikaw na lang naman ang kakain, baka sumobra at mapanis lang. hindi naman nila ako sinagot na “bakit nag-abot ka ba?” o kaya “anong akala mo dito, restaurant?”

gayundin, kung nagsasalita siguro ang kwarto ko, baka nanita na rin ito ” hay naku, eto na ang boarder namin!”

ilan nga kaya kaming ganito. na ang tahanan ay uwian at kainan. nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang mga reunion at lunch-out ng pamilya. masaya rin pala. nauupdate ang buhay ng isa’t-isa. kasama nito, ang mga bagay na biglang maaalala. na si ano ay mortal mong kaaway, na siya ay ang pinakapasaway, na ang dating tahimik ay dumadaldal na, na ang takot mag-asawa ay may anak na, na ilang ulit kaming nagpukulan, na ang kaaway niya noon ay kakwentuhan niya ngayon, na lahat kami ay tapos na sa pag-aaral!

walong (8) magkakapatid na may iba’t-ibang interes at ugali. walong indibidwal na pinagsama sa iisang bahay sa patnubay ng mga magulang na hindi nakatapos ng pag-aaral. 10 taong magkakarugtong ang buhay. hindi pinili pero pinilit makasundo, madalas pinag-iisipang bakit nga ba sila ang naging kamag-anak ko, bakit hindi ko na lang naging kapatid ang kaibigan ko? ang ilan ay may pamilya na at ngayon nga ay sinusubukang magkatagpo sa ilang okasyon. at ang walo ay may kanya-kanya ng tinatahak. lumalabas sa bahay at bumubukod upang simulan ang kanilang tahanan. at ang dalawang mag-asawa, anuman ang kanilang nararamdaman o iniisip… tiyak ay may kasiyahan. hindi man nakatapos ay nakapagtapos ng walo. at maaaring ilang sandali ay piliing umuwi sa kanilang kinalakihan o sa itinakdang panahon ay tuluyan ng umuwi sa kanilang mga magulang.

masaya rin palang minsan ay lumabas, magkita-kita, mananghalian at magtanong kung anong ulam?

Advertisements

4 comments on “anong ulam?

  1. i can relate to this..so much.. minsan mararamdam mo na lang ang kakaibang saya whenever you eat together ng sabay sabay lalo na kung ang mga anak ay may sarili nang buhay. Oh well minsan we really take forgranted ang mga ganitong occassion, di naman kami marami 3 lang na magkakapatid pero iba talaga pag may sarili na kayong buhay at magkakahiwalay. iba rin ang saya ng mga magulang na kahit di sinasabi ramdam mo excited sila at masaya tuwing tinatanung ka ng “ank uwi ka ba?” at ang sagot mo”opo”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s