Move on!

alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka.

masakit? kung gayon ay ‘wag mo ng ituloy ang pagbasa.

kung kaya mong tiisin, ituloy natin.

susubukan mong makalimot, ititindig mo ang sarili at sasabihing “magsisimula akong muli!” binura mo na ang number niya. maaaring ang ilang larawan o mga love letters niya ay itinapon mo na rin. ang mga regalo niya, nasa kahon na o di kaya ay naipamigay mo na. sa ganitong paraan, pinapalaya mo ang sarili mo sa mga alaala niya. inaalis mo ang mga naiwan niya. gayunman, may mga alaalang mahirap alisin lalo na kung naiwan ito sa puso mo.

napaso ka ba? pwede kang tumigil, magmura at sabihing siraulo ang nagsulat nito. pero alam kong mas siraulo ka dahil tatapusin mo pa rin ang pagbabasa.

at dahil sa masasayang sandali ninyo, may mga kantang pinili ninyong maging theme song. paano ka ngayon makakaligtas sa radyo o sa mga concert o minsan, sa sasakyan. ilang beses mo na bang naranasan na masaya ka, maayos at ang araw ay tila para sa iyo nang biglang may maririnig kang awit na magpapaalaala sa inyo. pareho pa ba ang nararamdaman mo? ang hatid bang saya ng awit na ito noon ay katumbas ngayon? E’ kung biruin kitang ang awit na ito ay pinili rin nilang maging awit, o mas malala ay gawing theme song sa kasal nila?

paano kung sabihin ko sa’yo na sa nararamdaman mo ngayon ay talo ka. isa kang loser!

handa ka ba kung sakaling magkasalubong kayo? ano ang sasabihin mo? Paano kung magtapat siya sa’yo at sabihing mahal ka pala niya. ikaw pala ang tama para sa kanya. nakabukas ang kanyang mga braso at naghihintay ng yakap. tatanggapin mo ba siya? hindi mo ba iisiping nagbalik siya dahil alam n’yang hindi mo siya matitiis? dahil ang alam niya… siya ang sentro ng buhay mo?

ouch?!! isumpa mo man ako, itutuloy ko pa rin.

wala ng gustong makinig sa’yo. ang kwento ng pag-iibigan niyo ay alam na ng lahat ng kaibigan mo. hindi pa siya naisusulat at nagagawang telenovela o di kaya dulang panradyo ay pinagsawaan na ng mga tao dahil sa paulit-ulit mong kwento. wala ng gustong bumili sa mga sakit na nararamdaman mo. wala ng gustong makinig. dahil wala ng interesado… ikaw na lang ang naiwan diyan, at maging siya, wala ng pakialam sa’yo.

wag kang umiyak. nakanangp*cha! bumenta na ‘yan.

ang pagkakaroon ng minamahal o ng kasintahan ay nagbubunga ng mas malaking barkada, ng kaibigan o ng nakikilala. sa madaling salita, lumalawak ang mundo. e’ bakit pinaliit mo ang mundo mo sa kanya?! paano mong tiniis na mabuhay nang nakasentro sa kanya?

gumalaw-galaw ka muna at baka ka maistroke.

totoong moving on from a relationship is hard. lahat ng reasons meron ka. infact pwede mong isulat ang 1001 reasons kung bakit mo nararamdaman ‘yan. gayunman, hindi mo pa napapapublish yan, may magsusulat na ng 1002 reasons why you need to move on, o kaya naman 1003 reasons kung bakit masayang maging malaya at 1004 reasons kung bakit ka dapat tawaging loser.

alam mong hindi binibilang ang taon at lalong hindi sinusukat ang effort. alam mong pareho kayong naging masaya noon. ano ngayon ang dahilan para magsisi o manghinayang sa mga nakaraang araw?

maaaring lahat ng mura ay naipukol mo na sa kanya. kung nakamamatay ang mga masasakit na salitang iyan, o ang galit na nararamdaman mo ay maaaring nailibing na siya. alam mong hindi maibabalik ng mga iyan ang relasyon ninyo. alam mong hindi mo siya mapipilit at alam mong hindi mo kontrolado ang buhay niya. marami kang alam pero ang totoo, merong kang hindi alam. alam mo ba na kontrolado niya ang buhay mo? alam mo ba na ginagawa ka niyang tanga hanggang ngayon? sa nangyari sa’yo, alam mo ba na maraming masasayang araw ang pinapalampas mo. alam mo rin ba na hindi mo kailanman mapapalitan ang minahal mong ‘yan, di mo mahahanap at di darating ang para sa’yo? dahil hindi mo alam na may taong handang gumalang sa nararamdaman mo, handa kang tanggapin, handa kang ingatan, handang magsakripisyo at mahalin ka ng labis kaysa sa pagmamahal mo? alam mo bang maaaring nariyan na siya kaso ay hindi makapasok sa buhay mo dahil sarado pa, dahil abala ka pa sa tumarantado sa’yo.

o sabihin man nating ang mga iyon ay walang kasiguruhan, ang totoo ay hindi mo alam na ang paghihiwalay ninyo ay mas makabubuti sa’yo.

kelan ka huling humigop ng kape o ng tsaa kasama ng mga kaibigan mo? kelan ka huling nagjogging? kelan ka huling nagbakasyon. kelan ka huling tumingala sa langit at pagmasdan ang paglipad ng malalayang ibon at paggalaw ng ulap. kelan mo huling nasulyapan ang paglubog ng araw at unti-unti pag ningas ng kalawakan sa paglabas ng mga bitwin.

kelan ka huling lumabas kasama ng mga mahal mo sa buhay? kelan mo huling nakabonding ang kapatid, kaibigan o magulang mo? kelan ka huling naglinis ng kwarto? kelan ka huling nagsulat sa diary, kelan ka huling nagbasa at nakatapos ng libro?

marami ka ng napapalampas. kanino mo gustong marinig ang salitang move-on? sa kanya? masarap maramdaman na kontrolado mo ang buhay mo. masarap makitang muli kang nakatayo, in-control, at nagagawa mo ang gusto mo. masarap maging malaya.

Advertisements

44 comments on “Move on!

  1. putang ina!!!!!!! hindi mo alam ang nararamdaman ko… talagang masakit mahirap putang ina…. pero salamat na rin sa mga isinulat mo… shocks.. habang inaamin ko na super affected ako ajan ka sa tabi ko, pinagdidiinan mo na loser ako.. HAYOP capital LLLLLLL as in LEO or pwede rin na loseeer
    … i know i have to move on.. totoo lahat ng mga sinasabi mo.. walang mintis exacto.. sapul na sapul… punyeta salamat sa pagpapaalala ng mga namiss ko sa buhay for 5 years ng kasama ko cya.. pero di ko pinagsisihan un lahat.. kahit na may iba cya ok lang ako… masakit pero maniwala ka happy ako for him.. problema ko na lang talaga ito.. at sa isang sinabi mo na if ever magkita kami at makikipagbalik siya di ko pa din talaga kayang sagutin, unti unti nakaya ko at naeenjoy ko na ang buhay single.. i have my work na kahit puro reklamo ay alam ko na masaya ako.. i have my family at konting friends… haaaay… ganyan ata talaga di pwedeng perfect lahat… di na buhay kung perfect at walang mali or lungkot kasi patay ang tawag dun… sa lahat ng apektado sa naisulat mabihay tayo.. sa ngayon lets just leave our life to the fullest.. live every present moment well….

  2. OMG!!! You are such!! Grabeh ka, sana man lang nkiramdam ka duhbah habang sinusulat mo toh!!! Waaaahhhhhhh, lugmok ba ang tawag dito???? Potah ka talaga, your such a good writer..Turuan mo naman akong maging mean oh… Well, ive learn from this blog.. Word for the day… MOVE ON!!! LEKAT!!!

  3. hi bernard! kelan ka pa naging writer? well, i just want to tell you that you really deserve a complement about what you have featured on your blog… it’s very realistic… I have learned from it… Matamaan na ang matamaan di ba!? he! he! keep up the good work! hindi na uso ngayon ang mgpakamartir… never confine ourselves from a foolish person who caused us poignant experiences… the best thing we could do is to move on… we should get back on our feet again when we failed in a relationship… anyway, CONGRATULATIONS!!! ^_^

  4. Hoy dan, magtutuos tayo!!! shocks how dare you!!! magsama kayo ni blue… ok fine i swear i think para sa akin talaga ung blog nya.. ganyan cya ka MEAN, pareho kayong mean machine… wag nyo na ipangalandakan sa mundo.. kayong dalawa pwede nyo naman ako sabihan ng LOOOOSSSSEEERR sa harap ko but not sa buong world. i swear i hate you…. shocks.. OBVIOS ba agad na akin to? BLUE sumagot ka!!! ako ba talaga ung pinapatamaan mo? tatamaan kayo sa akin.. magsusulat dn ako…

  5. hi kuya blue! ang galing ng artik mu ha…can relate..
    sobrang hirap ng mukhang tanga lalo na kung sobtang mahal mo ung tao..pero ganyan tlaga ang life, we need to move on.

  6. Korek ka, Blue! Move on! The best revenge is to move on. Hindi ba’t mas masakit sa gumago sayo ang ipakita sa kanya na OK ka at kaya mong mabuhay ng wala siya? Pustahan babalik yan kapag nakita niyang kaya mo pala. At ang maganda eh di mo na siya tatanggapin dahil talaga namang nakapag move on ka na. Kaya para sa mga lugmok: MOVE ON!!!!!!!

  7. waaaaaaaaah! nasanggi mo ang feelings ko. syetness talaga. buti naman at napadaan ako dito. wish ko lang na kayang gawin yung mga dapat na gawin para maka-move-on haha! hindi pa naman kasi ako sure na WALA na nga talaga siya. siyempre wishing pa rin ako na bumalik na siya. 1 month pa lang naman kaming hindi nagkikita kasi maxado nang malayo ang bahay nila.

    WAAAAAAAAAH! gusto ko na magmove-on pero nahihirapan ako PRAMIS!

  8. Alam mo minsan madali ang magpayo pero kung ikaw ang nasa katayuan ng pinagpapayuhan mo, maiintindihan mo kung bakit nila ginagago sarili nila. May mga taong sadyang mahina and need time to heal their wounds.
    I was like them before, pero sa paulit ulit na eksena, naging manhid na ako. sanay na. kulang nalang bigyan ako ng Doctorate diploma para sa kursong KASAWIAN.

    “The greatest irony of love is letting go when you need to hold on and holding on when you need to let go.”

    I like your post…

  9. blue, kahit minumura kita.. salamt sa blog mo… dahil nalaman ko n di ako nag iisa.. hay…. galing mo talaga sumulat… pero warning baka maging mitsa yan ng buhay mo…

  10. “the greatest battle ever fought by anyone is the battle of LOVE that cannot be yours. No matter how strong your shield is or how sharp your sword, the bleeding cannot be prevented and the hurt will never be concealed. For the wound of the body can be healed but the wound of the heart will forever leave a scar that will remind you of a battle never won…”

    -forwarded txt msg-

    all you really have to do is to MOVE ON…

    haaay papabern….i’m speechless…

  11. ang sakit mo namang magsalita!! pakiramdam ko parang parusa tong entry mo… sana hindi kona lang to nabasa… sa entry mong ito natumbok mo lahat ng nasa loob ko… ang sakit sakit… sana isang araw mawala na ang sakit… 😦 gusto ko ng maging masaya ulit…. kahit na wala sya….

  12. Pingback: parang fungi… pabalik balik lang!! « Letters From The Soul

  13. ur such a good writer as in sapul kung sapul ang tatamaan pero what u have written is absolutely correct and obviously pinagdaanan mo na….isa ako sa mga tinamaan mahirap tlaga mag move on lalu na kung long engagement ang naging relasyon as in sobrang guguho ang mundo mo….pero alam ko nmn na time will come na makakatagpo ko rin ang taong mamahalin ako ng totoo…

  14. Pingback: Link Trip #4 « Letters From The Soul

  15. hay……… na ko ang drama nio namn!…. piro tama kau.. pro tanong ko lang bakit pag nassaktan ka kay langan mo pang mag karon ng kasalanan?…. kc nan dyan na ang pag mu2ra dba bad un?!….. ako kc hndi lang mura ang sinbi ko… alam nio ba ang sinbi ko? ang sinabi ko sana mamatay kana… ohhhh…… para may kapihan kami…..pro ako ng malaman ko na may iba ang bf ko ay pinabayaan ko nalang xia.. kasi saba ko sa kannya na kng san xia masaya so2portahan ko xia… eh! ayaw ko naman na sabhan nia ako na sinabi ko un tapos kakainin ko lang….

  16. grabe ang sakit talaga…tagos na tagos…ginago at ginamit nya ako…bakit ganun sya pera lang ang habol nya sakin..ang sama sama nya talaga…pero salamat sayo dahil nagising ako sa katotohanaN…ayoko na….salamat talaga…

  17. gago talaga xa …akala mo worth xa para iyakan ko???no way…ano xa sinuswerte…maka2rma din xa…shit ang sama nya talaga kung alam nyo lang ganda talaga nitong article mo…nata2uhan ang mga taong katulad ko…gago xa..thnx talaga ang dami kong narealize…dis is my add kung gusto nyo akong iadd..sweetie_sarah12@yahoo.com

  18. huli man ako pero timing narin at sawi ako ngaun..okey xa nakapukaw ng damdamin..i can’t say i will move on,but im really working on it ryt now..thanks sa pampagising..

  19. Pingback:   parang fungi… pabalik balik lang!! — lettersfromthesoul.com

  20. hi…magandang araw sayo po..bilib ako sa mga isinulat mo.ang galing at ang ganda ng pagka-gawa…lalong lalo na yong move-on,tang ina na tamaan ako do’n.hehe.gawa ka naman ng tungkol sa “koll off” o yong pansamantalang hiwalayan.hehe.thanks..

  21. awwe..
    grabe nmn toh..!!
    tumtgos ah..
    awtz tLga..
    hay..!!
    grbe..ang gLing mgptama ng sumuLat nito..
    bt kah gnean..!!
    ahahha..
    tnx..nreaLyz qoh na tLagang its tym to move on.!!

    ^_^

  22. Pingback: Chasing Reality » parang fungi… pabalik balik lang!!

  23. huhuhuhuhu!!
    ang galing perfect!!
    now i know wat is move on!!
    salamat ha!!
    nauntog ako sa katotohanan!!
    wahahahaha!!
    do u really expirience that!!
    sad to know!!…..
    sakin din eh!!
    huhuhuhuhuh…

    blue : marami ngang nauntog at sana nagising sa entry na’to. kung naexperience ko? hmmm, ndi. naexperience ng iba, kaso rinding rindi ako sa mga kwento kaya ayan ang resulta.

  24. hahaha.. galing ah.. i somewhat realte to this blog.. anywei, my point ka nga. pero d un ganun kabilis gawin.. basta mag focus lang sa iba, and im sure maka2limot ka din agad.

    blue : uy, bkit ka namannakarelate. share naman hehehe.

  25. Pingback: asternoelyn_’s Blog | move on!(yhe only answer to forget him!)

  26. hay…..parang kausap kita kanina,,pasalamat parin na kahit marami kaming tanga may handang magsulat ng kasaysayan namin para mamulat …
    tinmaan ako!!sakit nga e!!pero ayon,di padin magbabago malamnang manantili ako sa lumiliit kong mundo…
    at gaya ng dati kinokontrol niya parin ako..

    balang araw pag handa na ako ibabalita ko pa saiyo..
    ganda ng gawa mo…

    blue : sobrang ouch na ba? sige balitaan mo ko pag may development.

  27. Pingback: Ganun Talaga « hibang

  28. this is the reality. I do believe that time really helps a person to move on, and of course the people around you that truly love and care for you (family and friends). Its been 2 months since the break-up, i thought at first i won’t able to do it but the Lord is good and i believe that everything will be ok…Currently, i am a better person without him. I just count it to my experience…I’ve learned a lot from your post…kahit late ko na nabasa…c u soon.

    blue : uy nawala ata ako sa circle at hindi ako naupdate sa lovelife mo hehehe. atleast nakamove on ka na, siya ba naka move on na? hehehe

  29. really…..natamaan yata akuh doon…hahay,,,,kailan kuh pa kaya xa makakalimutan………nakakainis kasi…..halos every line ng sinulat mu totoo…..but thanks…………dahil dito,,,nabuksan yung isip kuh sa katotohanan……….

    still love him….sinabi kuh pa sa aking sarili na move on kaya lang hindi xa sumusunud….i look stupid wen i text him every day kahit may new gf na xa……kahit ang sweet nila….nagbubulagbulagan pa rin akuh……corny but,,,,i cant forget him …….lageh kuh kasing naaalala iyung mga memories sa past…..at sana hindi kuh xa sinaktan nung nasa sa akin pa xa…….shit….

    ang dami ngang nagpapa heer up sa akin at maraming tumutulong upang kalimutan kuh xa….kahit iyong crush kuh peru d kuh pa rin magawang kalimutan xa…

    gustu kuh nga xang tanungin bakit ganun lang iun kadali para sa kanya…..kasi parang ginamit nya lang akuh noon tapus ngayun,,,,may bago na xa……..

    i’m such a looser wen it cums to love…akala kuh totoo iyun lahat ng sinabi nya kaya lang nagmamahal nalang pala akuh ng laman ng alaala……..

    i hopeinaalagaan xa ng mabuti ngayun kasi if may chance lang na babalik xa…tatanggapin kuh xa ng buong buo….

    but,,,i really dont know….cguru….nakalimutan na nya akuh…..cguru mahal na nya yung bago nya…….so messgae to you,,,,i’ll let you go….. =( though i still need you to fill the pieces of my heart

  30. wow! nice entry! lahat naman nice eh

    hmmm gusto kong i congratulate ikaw at ako hihi

    ikaw dahil sa mga sinulat ay napakaganda at ako…

    kasi hindi na ako tinatamaan yihiii

    i finally moved on ….

    pero tama ka sa mga sinulat mo… 😉

  31. haayyy…super nakarelate naman po ako dito sa mga sinabi mo…
    super sakit talaga pero ito kasi ang totoo..
    at ang tama na magmove on para di tawaging looser…
    kasi sarili ko lang pinapahirapan ko samantalang sya masaya sa piling ng mahal nya…

    kaka-inspire din ito to realised na di pa end ng mundo…at di lang sa kanya dapat umikot ang mundo ko..maging pocitive ako at isiping isa lng syang masamang panaginip…mahirap man pero dapat magising sa katotohan na yeah, its time to MOVE ON……

  32. marami ka ng napapalampas. kanino mo gustong marinig ang salitang move-on? sa kanya? masarap maramdaman na kontrolado mo ang buhay mo. masarap makitang muli kang nakatayo, in-control, at nagagawa mo ang gusto mo. masarap maging malaya.

    sarap sa pakiramdam kapag naka pag move on ka na..wahaha

  33. Pingback: Si Karla, Ang Babaeng Walang Ego « HIBANG {tagni-tagning ideya}

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s