Last Will and Testament / Death Wish

Sa paghahalungkat ng mga gamit, di sinasadyang nakita ko ang isang activity paper noong nasa college ako. Isa itong epitaph. Nakasaad doon na mamamatay ako sa mismong kaarawan ko, taong 2015. Halos sampung taon mula ngayon. In short.. may taning na pala ang buhay ko… at dahil may sampung taon na lang ang itatagal ko, naisip kong gumawa na ng death wish / last will testament… yahoo!

1. Ayoko ng kristianong libing. Ayoko ng krus sa aking puntod. Naniniwala ako na ang krus ay tanda ng kamatayan at ako ay walang kamatayan.

2. Dahil wala akong kamatayan, ayoko ng tanda ng kamatayan. Gusto kong macremate at isaboy ang aking abo sa lawa ng laguna papuntang Talim Island. Iyon ang paborito kong pinupuntahan.

3. Para mas clear at detalyado, ganito ang gagawin… magrenta lang ng kabaong, kahit anong kulay basta ‘wag puti, kung may itim mas ok. ‘Wag ding blue, OA na ‘yan. Maari akong iburol pansamantala na nakakabaong at saka icremate ‘pag dadalhin na sa lawa ng Laguna. Kung mapilit naman ang mga kamag-anak ko na ilibing ako, (dahil di nila matake ang cremation) ayokong nakakahon. Gusto kong kainin ng lupa. Mas nais kong mabilis na makipagniig sa aking pinagmulan nang mapakinabangan pa ang aking katawan. Para rin namang may maiwan akong livelihood, bilhin na lang ang kabaong pagkatapos ay parentahan.

4. Utang na loob, wala naman sanang magsusugal. Unang-una dahil konsepto ito ng mga poor (hehehe). Okay lang na may inuman basta walang maglalasing dahil kapag nalasing ka na, magpapakita ako sa’yo, babangon ako-kaluluwa’t katawan para ihatid ka sa bahay mo! Leche, lamay ko ito kaya ‘wag kang gumawa ng eksena… kung naiinggit ka… mamatay ka muna!

5. Wala akong yaman na iiwan… ay mali, mayaman ako sa alaala. In fact, puno na ang kwarto ko ng sandamakmak na pictures, picture frames, resibo, scrap book, certificates (hindi naman ako mayabang, di ba? Isama na ang mga plake, medals at trophies) at kung anu-ano pa, well, mas gusto kong nasa isang kwarto lang sila. Sa kwarto kong mukha daw planetarium sa sobrang dilim at dami ng bitwing nakadikit sa kisame.

6. Magbe-burn ako ng cd ng mga kantang gusto kong patugtugin sa lamay ko. Ayoko namang kantahan ng Hiram sa Diyos at Hindi kita Malilimutan (maliban na lang kung si Basil Valdez ang kakanta-live!). Kung magdadatingan naman ang mga katukayo ng nanay ko sa simbahan- awatin nyo pag nagplanong kumanta. Gusto kong maalala ako ng mga kapitbahay na nag-iisang sintunadong malakas ang loob mambulabog sa pagkanta kahit alas 3 ng madaling araw. Kung hindi naman ako makapagburn, may mga songs na nasa cd na at nasa pc sa bahay; ang file name ng folder ay mp3 o kaya sounds, lahat yun patugtugin nyo, ‘wag ng mamili – kasama na ang Manila, Smooth, Adia, Kiss, you made me live again, not a girl not yet a woman, love will keep us alive etc saya siguro ng lamay di ba?

7. Paborito ko ang Ode to Joy ni Ludwig Van Beethoven at Lupang Hinirang. Kung isasaboy man ang abo ko sa lawa o ihahagis na ang katawan ko sa lupa, ito ang dalawang musikang nais kong pumailanlang. Pero ‘wag ng ilagay ang kanang kamay sa dibdib.

8. Sa mga pinagkakautangan kong bangko, don’t worry mababayaran ko ‘yan bago ako matigok. P3k na lang naman ang utang ko sa credit card (sa wakas) at yung isa na malaki ang pinagkakautangan ko, okay lang dahil extension lang ako at ate ko naman ang pinarurusahan ko sa pagbabayad.

9. Mayroon akong mimimaintain na 5 blogs, 11 emails ( 1 hotmail, 1 teacher.com, 1 gmail, 8 yahoo), 1 yahoogroups, 5 friendster, 1 hi5, 1 ringo, 1 sms.ac, 1 myspace, 1 yahoo 360, 1 tickle.com, 1 filipinofriendfinder, 1 QUIA, 1 cjb account, 1 chikka at 2 messenger; sino sa inyo willing magmaintain o magcontinue? Promise madali lang ang password. Ngayon siguro alam nyo na kung bakit tumagal ang modules ko at laging last visit ko sa friendster e within 24 hours!

10. Mayroon din akong 1 atm na 65 cents na lang ang laman at 2 credit card na temporary cancelled na, willing rin akong ibigay ang password. Walangyain natin ang mga bangko bago man lang ako matigok. BTW natutunan ko lang na ang mga password ay dapat pangmatagalan, kaya ata minalas ang mga bank account ko e dahil may kinalaman sa taong mahal ko ang password kaya ayun napurnada rin. Hmp, ang hirap pa namang magbago ng PIN code! Buti na lang sa email madali.

11. Sandamakmak din ang mga stories, poems at essays ko na nagkalat sa mga computers sa bahay. Wala pa akong print copy at cd copy ng mga iyon, ang ilan ay nakaupload na sa isang email ko at sa mga blogs. Kung iisa-isahin nyo ang mga file, karamihan sa mga iyon ay may password, kaya humanap na lang kayo ng hacker para magbukas nun.

12. Usong-uso sa amin ang paniniwala na may paru-parong nagpapakita sa lamay kapag may namatay. Para mapatotohanan nating nagmetamorphosis na ako, mag-abang kayo ng paru-parong kulay blue! ‘Pag nakita nyo yon, sabay-sabay kayong kumanta ng Spread your wings and prepare to fly For you have become a butterfly hehehehe

13. Walang nakaitim sa lamay o sa libing. Ang magsuot ng itim… syang susunod!

14. Gusto ko maraming kulay pero utang na loob, magsuot lang ng damit na angkop sa iyong kulay, kung komportable ka sa kulay na suot mo, ako kasama na ang maaarte kong kaibigan ay hindi.

15. Hindi ako particuliar sa bulaklak. Basta maraming Waling-waling, okay na.

16. Nasa self-conviction nyo na ang pag-iyak… idididikta ko pa ba ‘to? Kung hindi ka naman naiiyak, ‘wag ng mag emote.

17. Ayoko ng may pusang umaaligid sa lamay ko. Please, I hate cats!

18. Gusto kong umuulan sa libing ko, bahagya lang, tipong ambon lang… yung tipong pang senti mood… ‘wag nyo namang itaon na may bagyo at nag pa flash flood na… wala ng makipaglilibing nyan o di kaya baka naman itaob kayo ng bangka sa gitna ng lawa ng Laguna, isisi nyo pa sa kaprichuhan ko ang death nyo… multuhin nyo pa ako. Kung paano nyo pauulanin e hindi ko na alam.

19. Sa lahat ng kamag-anak ko: pwedeng maligo sa lamay ko! Isama na ang pwedeng pagwawalis, pwedeng umiyak, pwedeng patakan ng luha ang pansamantalang kabaong ko, walang sisiw sa ibabaw (baka may birdflu hehehe), pwedeng magsuklay at kumain.

20. ‘wag nyong lagyan ng malaking picture ko sa tabi ng kabaong o ng urn ang lamay, alam naman ng mga dadalaw kung sino ang patay di ba? Mahihirapan pa akong maghanap ng picture… di ko trip ang gradpic ko at dahil sa scar ko sa kanang mukha e nahihirapan akong magproject sa kamera para humanap ng magandang anggulo. Wala naman sigurong dadalaw na di ko kakilala at makikikape lang. Dahil lahat silang nakikikape at gatecrasher sa patay ay mga kaibigan ko rin.

21. Bawal akong kuhaan ng picture. Ayoko ng stolen shot, baka hindi makuha ang tamang anggulo!

22. Sa paglilibing, siguraduhing maayos ang daloy para walang stampede.

23. Magtipid sa kuryente, wag ng maglagay ng sandamakmak na ilaw. Baka matunaw ang mukha ko.

24. Ayoko ng make-up!, Lip balm lang.

25. Ayoko ng nakasapatos at medyas at lalong ayoko ng nakabarong. Makabayan ako pero pls, makati yun. Ok na sa akin ang white t-shirt ng island souvenir na may tatak ng Manila at ang lumang maong ko na penshoppe.

26. Ayoko sana ng may nagyoyosi kaso baka wala ng dumalaw kaya sige na nga, smoke moderately.

27. Bawal maghain ng pansit… parang kang nakakaloko nyan.

28. Dahil mga katoliko ang mga kamag-anak ko, siguradong dadalhin nila ako sa simbahan at papabendisyunan (wala naman akong magagawa at di ako makatatanggi), maliban na lamang kung hindi ako tanggapin ng simbahan dahil nagsuicide ako (dahil 35 na e di pa ako namamatay) o magpatattoo sa noo ng non-practicing catholic. Kapag nasa simbahan na, ayoko ng may choir, pag-iisipan ko pa kung sino ang kakanta basta walang choir maliban na lang kung PNU Chorale yan.

29. Kung mimisahan ako ng pari, ‘wag si Fr. Robert Reyes dahil baka takbuhan ako habang nagmimisa. Isa sa mga kakilala ko lang na pari ang magmimisa sa akin… strictly bosconian.

30. Sa eulogy… bawal ang plastik. Sabihin ang totoo di na naman ako makagaganti.

31. Gusto kong idaan sa PNU, 2nd home ko na ‘yun.

32. Kung pwedeng gawin ang misa sa paco park, mas astig, di man ako ikinasal doon at least kahit misa sa patay e nakahabol.

33. ‘Pag dinala ako sa lawa ng Laguna, istrikto dapat ang bilang ng sasakay sa bangka at baka magmistulang Pagoda Tragedy.

34. Kung maghahagis ng bulaklak sa tubig, siguraduhing walang alambre o kaya tinik ng bulaklak, baka makapatay pa kayo ng mga tilapia, madefeat pa ang purpose na makatulong sa mga isda.

35. Sa mga may anak at pamangkin, ‘wag nyo akong gawing katatakutan sa mga bata because im a friendly ghost!

—–

mula sa aking friendster blog, february 16, 2006 : http://bernardumali.blogs.friendster.com/blues_blog/2006/02/last_will_and_t.html

Advertisements

2 comments on “Last Will and Testament / Death Wish

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s