Lugmok

Bakit nga ba mahirap at paano nga ba magmove-on?

Wala akong aklat na naisulat na tungkol sa pag-ibig o di kaya ay mga payo kung paanong makahahanap at makakawala dito. Hindi ko ito expertise.

Nabahala ako sa reaksyon at mga feedback ng blog entry ko tungkol sa move-on. Maraming natuwa at marami rin ang naantipatikuhan.

Isa lang ang masasabi ko : READ AT YOUR OWN RISK.

Pumasok ka sa teritoryo ko; maaaring hindi lahat ng mababasa mo ay magugustuhan mo, gayundin, maaaring hindi mo ito sasang-ayunan, gayunman, malaya kang ipahayag ang gusto mo. I do not have the monopoly of truth. Opinyon lang ang lahat ng ito… madalas, ang sinusulat ko ay mga bagay na pinaniniwalaan at totoo para sa akin, na pwede namang kasinungalingan para sa’yo.

Gaya ng pagbabasa mo ng blog na ito, madalas ay pumapasok ka sa teritoryo ng iba. Nanatili roon dahil pumukaw ng interes mo o di kaya ay nasisiyahan ka.

Gaya ng Pag-ibig. Masaya, iba ang pakiramdam. Inuugoy ka, kinikiliti ang imahinasyon, inaakit hanggang sa tuluyang magpatangay sa agos nito.

May sarili raw na mundo ang pag-ibig. Dito walang patakaran. Walang rules. Kaya nga di ba, sabi… hahamakin ang lahat makamit ka lamang.

Aminin mong natuto kang magsinungaling. Aminin mong may nasaktan ka; tinalikuran na kaibigan, pinagtakpang katotohanan, sinuway na magulang, inilihim sa kapatid o anak, nilabanang mga kaopisina, pikitmatang tinanggap ang kahinaan niya, nagbingi-bingihan sa tsismis at binalewalang moral – dahil umiibig ka, ‘ika mo nga. Dahil kalayaan ang umibig.

Hanggang sa ang isang masayang mundo sa piling ng mga kaibigan, katrabaho at kapamilya ay napalitan ng isang mas intimate na mundo sa piling niya. Tanging kayo lang ang nagkakaintindihan. Na tingin pa lang ay pangungusap na sa iyo. Na ang buntunghininga niya ay karugtong ng paghinga mo. Na ikaw at siya ay magkaugnay – hanggang sa maging isa kayo.

At unti-unti ay bumuo kayo ng mas maliit na mundo.Unti-unti, ang lihim niya ay lihim mo. Hanggang sa natutuklasan mo na ang kahinaan niya. Naiintindihan mo na ngayon ang salitang individual differences. At sumasayaw ka pa rin sa orkestra ng pag-ibig kaya’t tinutumbasan mo ang individual differences ng mga katagang Love is unconditional.

Hanggang sa tuluyang mapagod ang manunugtog at tumigil ang orkestra. Gigising ka isang umaga na wala na siya o di kaya ay katabi mo siya pero wala na siyang nararamdaman para sa’yo. He’s there but not his presence. Daig pa siya ng mga multo, mararamdaman mo ang presence kahit hindi mo nakikita!

Naaalala mo pa ba yung mga araw na andun siya pero alam mo na naghahanap ng diskarte para sabihin sa’yo na ‘wala na tayo’ Yun bang utang na loob mo pang maramdaman na pinoprovoke ka niyang makipaghiwalay para naman hindi masagasaan ang ego mo. at ikaw naman, holding on pa rin. Na nakakarelate ka na sa linya ng kantang Walang Kapalit – ‘wag mo lang ipagkait, na ikaw ay aking mahalin.

Naranasan mo na ba na sa kahinaan niya ay gawin ka niyang panakipbutas. Yun bang ‘dyan ka lang, wait ka lang, pag hindi kami nagclick, babalik ako sa’yo’

Dahil alam niyang mahal na mahal mo siya. Dahil alam niyang maghihintay ka. Alam niyang tatanggapin mo siya – at kahit hindi niya aminin, he’s capitalizing on the fact that you are under his power. dahil siya ang sentro ng mundo mo. Para sa kanya, wala ka na kasing ibang mapupuntahan. Dahil para sa kanya, tanga ka. At ang tingin niya sa’yo ay default.

Magalit ka na sa akin, sabihin mong hinusgahan na naman kita, na wala akong karapatang sabihin ang mga iyan, so bakit ganyan ka magreact? Apektado ka?

Hindi ba mas katangahan yung alam mong ginagawa kang tanga pero wala kang magawa.

Isang sekreto ng buhay ang natutunan ko.

Kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko. Kaya kong makuha ang lahat na naisin ko. May kapangyarihan ako. Pero ang kakayahang ito ay may hangganan. Hindi nito makukuha o makokontrol ang iba. Dahil hangganan ng kapangyarihang ito ang will ng tao. Katumbas nito, hindi ako makokontrol ng ibang tao. Dahil makapangyarihan ang will ko. Ako ang masusunod – ayon sa kalooban ko. Hindi sa kalooban o gusto ng iba.

Totoong minsan ay mahina ang will ko – o yung will power na tinatawag. Pero agad kong sinasabi na walang sinuman ang magpapasunod sa’kin. Dahil buhay ko ‘to.

Sa nakaraang relasyon mo, nasa ilalim ka pa ba ng kapangyarihan niya o narealize mo ng makapangyarihan ka at kaya mong tumayo, mabuhay at magpatuloy?

Alam ko ang sasabihin mo, mahirap magmove on dahil hindi mo rin siya kontrolado kung kelan siya magpaparamdam. Minsan, babalik siya ng hindi ka pa handang sabihin sa kanya na tantanan ka na niya.

Ang pinagmulan at bunga ng pag-ibig ay kabutihan. Kung hindi na nakabubuti sa’yo ang sitwasyong iyan, subukang mong pag-isipan kung pag-ibig pa nga iyan.

Baka awa o panghihinayang? Hindi masamang dumistansya lalo na kung nakasisira na ang relasyon o kung nasisiraan na siya ng bait at sumasablay ang katinuan.

Talagang may taong hindi alam ang gusto. Babalik at babalik sa’yo. Magpaparamdam pero hindi mo alam kung bakit. Kung namimiss ka lang ba? Kung naghahanap ng mahihingahaan o minsan, naghahanap lang ng kasex. At ikaw, mag-ooffer ng time, sasabihin mo sa sarili mo na makikinig ako hindi bilang kasintahan kundi bilang kaibigan, hanggang sa magising kang lugmok na naman sa piling niya. Sa ibang kama, sa ibang kwarto o minsan, sa sarili mong bakuran. Well, sinong may kasalanan? Sino bang nagpatuloy?

Ituring mong sakit iyon. Yun bang katok ng katok pero hindi papasok, magpaparamdam pero hindi magpapakita. Yun bang nakikiramdam lang. Check lang nya kung okay ka pang balikan base sa reaksyon mo.

Nalugmok ka nang minsan. Hindi mo kasalanan kung hindi siya makaahon. Pero kasalanan mo kung hindi ka makaahon dahil ikaw at hindi siya ang may kontrol sa buhay mo. May will power ka. Subukan mong ihampas sa ulo niya at baka gumana. O baka naman kailangan mong masaktan para magising. Sabihin mo lang at dadagukan kita.

Tingnan mo rin, baka ikaw na lang ang nagkukulong sa sarili mo. the truth is, he or she has no power over you.

Siya nga pala, happy Independence Day sakaling maisipan mong lumaya at magmove-on! Kung hindi naman… my condolences. May you find peace at the bottom of hell under his / her spell.

—-

Lugmok facts

The stupid cupid philosophy:

  1. Totoong may sariling diskarte ang puso. Pero isipin mo rin na ang utak, puso, bituka, magkakaiba man ay nasa iisang katawan. Hindi mo pwedeng sisihin ang puso o ang utak o ang bituka. Wala silang karapatang kumilos ng taliwas sa gusto mo. Pasalamat ka, dahil kung meron, malamang nauna na silang nagpatiwakal dahil sa sobrang kakornihan at kababawan ng pinoproblema mo. Huwag mo ring hintayin na lumabas ang bituka mo at pilipitin ang leeg mo.
  2. Kung niloko ka lang, hindi ka pa pwedeng ituring na tanga. Pero nung alam mo nang niloloko ka at wala kang ginawa, ginawa mong tanga ang sarili mo.
  3. kung hahayaan mo ang sarili mo na malugmok dyan at makita mo siyang nakamove-on na, tiyak iiyak ka sa sakit. Kaya unahan mo na siya.
  4. kung nagpaparamdam siya at nagpapaawa effect, busan mo siya ng malamig na tubig at sabihing you’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat. Bumenta na ang kadramahan niya. Saka mo sundutin ng I never said that I love you!
  5. Bawas-bawasan mo ang panonood ng mga dramarama at mga telenovela. Masyado ka ng maemote sa buhay.
  6. ‘Wag mo ng masyadong ikunukuwento sa madla ang kasawian ng pag-ibig mo. karamihan sa mga interesadong makinig e naghahanap lang ng bagong mapag-uusapan. Hindi ibig sabihin na tumatango sila e nakikisimpatya sila. Piliin mo lang ang mga kaibigan o kamag-anak na pagkukuwentuhan mo, yung siguradong tutulong para makamove-on ka. Pero kung celebrity ka, okay lang na maging public entertainment ang buhay mo, dagdag kita ‘yan.
  7. kung may natatapos, happy ending man o hindi… may magsisimula. Isulat mo sa final credit ng pelikula ng buhay mo ang pangalan niya bilang bahagi ng nakaraan. Sa ilalim ng pangalan niya ay ilagay mo ang mga katagang Rest in Peace. Ang mga relasyong tinapos na ay huwag mo ng buhayin. Magsimula ka na ulit ng panibago. Ito ang best gift sa atin, ang makapagsimula. Palatandaan lang na tapos na at may pagkakataon ka ng isulat o likhain ang bagong kabanata ng buhay mo.

Advertisements

15 comments on “Lugmok

  1. alam mo yun naisulat mo ay sobrang totoo kanina lang nangyari sa akin na tipong nagparamdam after 10 mos. tpos after one month of chatting ulit dahil nasa US na sya aba tama ba nmn na dedma na ako kanina for the reason na ayaw nya akong kausap at ayaw nya mag pa view sa webcam….hay, naku Goodbye nalang sa kanya and May he rest in PEACE….

  2. Pingback: Link Trip #4 « Letters From The Soul

  3. Pingback: the ring « Letters From The Soul

  4. naku!!! nakalimutan ko…..

    nagbisaya ako…..

    may mga nagkahawig din sa akin ang mga pangyayaring isinaad mo,,,, hahahaiii……
    ang tanga ko talaga,,,,

    i was thankful taalaga at binasa ko yun,,, kasi,, biglang nabagok ang ulo ko na ganun pala ako??????

  5. Pingback: Chasing Reality » the ring

  6. ang galing astig ka po..
    sana mabasa nga yan ng mga taong ipinagkakamali na ang ang PAG-IBIG sa katangahan. Nakakalungkot. Reality bites yan.

    blue :minsan naman totoong pag-ibig yun, kaso eventually nauuwi na sa ganun. kanya-kanya talaga yan. masokista karamihan sa umiibig hehehe

  7. hayzz minsan pala khit n anung kabaitan ang ipakita mu kahit n ganu mu xa alagaan wala p rin sa kanya nd nya p rin makikita un.. kc HINDI IKAW ANG MAHAL NYA… waaaaaahhh 😦

    blue : kc HINDI IKAW ANG MAHAL NYA, exactly, atleast alam mo ang sagot kaso hindi kayang unawain ng puso mo. sad. tsk. tsk. tsk.

  8. nice! Actually po talaga lahat ng yan totoong nangyayare saken yan hanggang ngayon. naramdaman ko po lahat ng yan. kakabasa ko lang po ngayon! sige nga po paki dagukan ako,baka sakali sayo matauhan na ko:( tnx po

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s