Ang Sarap ng Buhay!

Hindi aapaw ang batis sa buhos ng rumaragasang talon sapagkat nakaabang ang sinapupunan ng dagat na magsisilang ng mga butil ng hamog; paakyat pababa, hahalik sa pisngi ng langit at kakawalang mga ulan.

Anupat ang dampi ng ulan ang paalala ng isang magandang buhay.

Pinagdurugtong nito ang lupa at kalawakan. Inaabot nito ang hangganan ng imahinasyon. Waring hinuhugasan nito ang maruming isip at nililinis ang kaluluwa ng sinumang madampian at makadama.

—-

Sangandaan ng buhay. Pareho ba ang lasa ng buhay alinmang landas ang piliin? Alin sa daang ito ang daan patungo sa iyo? Kung susubukan kong sabihin, makikinig ka ba?

Ilang sangandaan pa ang haharapin. Kasama ba kita sa mga susunod na nagkrus na landas… o may posibilidad man lang bang magkrus ang ating landas?

Sa langit ko natanaw ang mga ibong tinatahak ang kanilang landas, kumaway ka’t tawagin ang mga ibon nang sa gayo’y maging sila ang aking gabay, susundan ko ang direksyon nila patungo sa iyo.

Sa anong dahilan at ang binabagtas na buhay ay di na mailapat ayon sa plano? Nakita kita, tiningnan at muling pinagmasdan. Paanong sa iyong mukha natanaw ang aking tadhana? Nasasabik akong makita ang sariling magkauhay. Paano ko nagawang tanggihan ang ganyang buhay? Paano ko muling hihingin ang pagkakataong magkalapit tayo at habambuhay na magbahaginan?

May tiyak na sandali na ang tadhana ay lalapit sa tao – lilikha ng kasaysayan. Kung paanong ang munting kabibe’y mapukulan ng tingin mula sa malawak na buhangin sa dalampasigan, darating ang pagkakataong ang kabibe’y mapupulot at  ipupukol upang makaisa ng malawak na dagat.

Kilala kita. Sukat ko ang iyong galaw. Alam ko kung nasa likod kita o di kaya ay parating pa lang. Alam ko kung nasasaktan ka, may inililihim, maligalig o sadya lang na masaya. Alam ko kung naglalambing ka.

Hindi man pag-aralan, hindi man mag-usap, ang bawat kaluluwa ay nakakikilala ng mga bagay na gusto nila. Nagkatagpo ang ating mga kaluluwa. Sila ang nag-uusap.

Sadyang mas totoo sila kaysa sa atin. Mas kaya nilang ipakita, iparanas at ipagtapat ang kani-kanilang nararamdaman.

Mahal kita.

Advertisements

8 comments on “Ang Sarap ng Buhay!

  1. blue.. blue…blue… di ko maexplain masaya na sad ung gawa mo….pero isa lang po masasabi ko.. isa kang HENYO… im so proud of you.. your such a… na touch talaga ko.. matagal na ako di nakaiyak after ng move on mo, your creations can really build different emotions.. and for me lagy mo ako napapaluha promise… after the move on thing, i should look forward saying these words “HAAAAAY ang SARAP ng BUHAY!!!!!!!”

  2. Bernard Umali!!!! Pinaiyak mo ko. Imbes na nagaaral ako ng Corporate eh naiyak pa ako!!!!

    Tama ang pinagusapan natin. Ang interpretasyon ng huli mong blog ay depende sa sitwasyong kinalalagyan ng isang tao. Palibhasa’t lugmok pa ako, naiyak ako. Nalungkot. Na kahit ang kaluluwa niya ay hindi maintindihan ng kaluluwa ko.

    Alam mo, sunud snunod yang mga blogs mo eh. Una, LUGMOK. Tapos, MOVE ON. Tapos, ANG SARAP NG BUHAY. Kailan kaya ako makakawala sa pagkalungmok?????

  3. kaibigan,…
    naging lalong mababaw ang luha ko ng mabasa ko at maisapuso ang mga nabasa kong nilathala mo…
    marami kang napapasaya sa mga gnawa mo.salamat…natouched ako sa mga nilalaman ng mga kumposisyon mo!

    blue : natutuwa ako at nasiyahan ka sa mga nailathala ko rito. nakakataba ng puso.

  4. Gosh kuya… almost a year nung last ko binasa ang blog na ito at now binabasa ko ulit…

    Maybe iba ang sitwasyon ko now kaysa nung una ko cya nabasa, pero may kirot na nabibigay ang mga salita… bakit ganun? hmmmm…

    kahapon lang sobrang depress ako sa mga nangyayari at gusto ko na bumitaw.. kung dati luha ang naidulot ng likha mo… ngayon ay pag-asa ang nabibigay nya sa akin.

    salamat po

    blue :dahil sukob! sukob ang kasal ng mga ex mo. Akalain mong magpapakasal ang mga ex mo ngayong taon! Anong nangyari? lols

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s