Cross My Heart

Musta ka na? Kelan nga ba tayo huling nagkita? Ay oo, tama. Hehehe. Nakakahiya. Akalain mong napagdaan ko iyon. Akalain mong nakasurvive ako sa relationship na ‘yon.

Okay na ko ngayon. Tama ka. Naghihilom rin ang sugat. Parang kelan lang iyak ako ng iyak at lahat na ata ng tao sa opisina ay nagsawa na sa mga bitterness ko. ‘Uy, salamat ha… salamat kasi nakinig ka. Kahit alam ko namang wala kang masabi at hindi mo alam kung anong ipapayo mo, nakinig ka pa rin. Pinaramdam mo na sincere ka. Okay na yun.

Labas tayo, my treat.

Para icelebrate siguro ang aking Resurrection.

As in kalbaryo dati – parang stations of the cross. Ang masaklap, kung si Christ ay tatlong beses nadapa, ako naman walang kadala-dala. Pero yun yung masarap, yung araw na ito na totoong masasabi ko sa sarili ko na okay na ako.

Station 1 – Jesus institutes the Eucharist

Halos bumuo ako ng hate movement against my ex-jowa. aba, dito ko rin mas nakilala ang mga kaopisina, kamag-aral, kaibigan at nagpapanggap na kaibigan. Dahil sa pangyayari na yon, ang daming nag open up, nagshare ng kanilang mga experiences sa kani-kanilang ex’es. Imaginin mo na lang, kung lahat ng mga kaibigan ko ay magiging manager ng kumpanya, tiyak walang mapapasukang trabaho ang ex ko dahil sa basang-basang papel niya at paninira niya sa mundo ko.

Station 2 – Jesus prays in Gethsemane

Hindi ako religious pero nakilala ko ang Diyos. Napadalas akong magdasal, natutong magnovena, magrosaryo at kulang na lang ay aralin ang itim na aklat na nasa latin ng lolo ko para ibarang ang walang hiyang yun.

Station 3 – Jesus before the Sanhedrin

Hindi pala lahat naniniwala sa mga kadramahan ko. Marami ang palihim akong hinusgahan. Kasalan ko daw at nagpaloko ako. Dito ko nakilala ang mga tunay na kaibigan. Gumagawa lang daw ako ng kwento. Well ganun talaga, hindi naman lahat ng nakikinig e  maniniwala.

Station 4 – Jesus is scourged and crowned with thorns

Tan*ina talaga, (ay sori po, Lord) ang sakit. Para akong dinudurog. Sa t’wing uuwi ako, sa twing mag-isa ako, sa twing makakakita ako ng magkasintahan, sa twing maririnig ko ang kanta namin, para akong bawang na pinitpit at ginisa! Nagdurugo hindi lang ang puso ko,  kasama na ang utak ko na natutorture at kaluluwa ko na naghuhumiyaw sa iyak. Shitness!

Station 5 – Jesus carries the cross to Calvary

Gusto kong piliting normal ang bawat araw. Gusto kong magtrabaho at kalimutan siya. Pero laging ipinapaalala. Minsan hindi sinasadyang itanong ng ilan kung kumusta na kami, hindi kasi nila alam na hiwalay na kami. O kaya naman, yung iba, relax ka na nga at unti-unting nakakalimot, biglang magsasalita “kumusta ka na, nalimutan mo na ba siya?” at gusto kong sagutin ng “Oo, kanina kaso umepal ka at ipinaalala mo na naman siya, kundi ka ba naman gaga, walang hiya ka, sa halip na makatulong ka e namumuwisit ka pa!” Kaso, alam ko namang concern rin lang siya. Haaay!

Station 6 – Jesus falls under the weight of the cross

Hindi ko na kaya! (hagulgol). Bumagsak ang pagkatao ko,bumagsak ang katawan ko. Pero sa pagkakabagsak na iyon, sa pag-amin na hindi ko kaya, sa pagkakasalampak ko sa sahig, nakahanap ako ng bahagyang kaginhawaan. Kung si Kristo nga, tatlong beses na nadapa, ako pa kaya. I need a break. Hihiga muna ako. Maikli lang, mga 48 years. Good luck kung magising pa ko! At sana bukas, its a wonderful day.

Station 7 – Jesus is helped by Simon of Cyrene

May mga umalalay sa akin, naramdaman ko na may gustong sumaklolo. Isa ka na doon. Kaya nga ako nagpapasalamat. Hindi tayo talagang magkakilala since birth. Katanguan nga lang kita, pero hindi ko inaasahan na handa kang bitbitin ang pinapasan kong krus. Pwede bang lubus-lubusin mo na rin, ikaw na lang ang magpapako para sa akin?

Station 8 – Jesus meets the pious women of Jerusalem

Lekat, kasumpa-sumpa. akala nyo sa akin lang mangyayari ‘to, huh, maghihiwalay din kayo.

Station 9 – Jesus is nailed on the cross

at ang pinakamasakit, ang mabalitaang okay siya, masaya at pinagmamalaki ang loves niya via friendster account, via dalahira at tsismosang mga friendship. kaya goodbye sa friendster at sa lahat ng social network sa internet kasama na ang mga hang-outs na pinupuntahan nila. At ako, naka-hang. Nagdurugo, walang gustong tumingin, walang gustong magtanong. Silence.

Station 10 – Jesus promises Heaven to the repentant thief

Sa ganitong scene, wala ka ng magagawa kundi magpakabuti. nalalagutan ka na ng hininga, duguan ka na, alangan namang makipagsabong ka pa. Kabutihan ang mamumutawi sa aking bibig, tan* ina nila, magsama sila… joke. Sana ay maging maligaya sila. At sana, maalala nila na habang nagkukurutan, naglalampungan, at nagpapalitan sila ng mga sweet nothings, eto ako, naka-hang, nalalagutan ng hininga.

Station 11 – Jesus entrusts Mary and John to each other

Ang huling habilin, ate sayo na lang ang undies na ‘yan. bestfriend, kunin mo na ang mga picture frame, gardener: gawing pataba ang mga bulaklak na pinatuyo. At ako, magwiwithdraw. Baka maunahan pa ako sa joint account namin. Dito man lang, makabawi. Shopping galore.

Station 12 – Jesus dies on the cross

At sa pagbibiro ng tadhana, nakasalubong ko sila. Holding hands, pasway sway, ginawang luneta ang kahabaan ng ayala, bulungan. At napansin ako, at naging conscious – Shitness! umaakyat ang dugo ko. kumukulo-kumukulo. Ang mga Hitad! – (blaaaag! agaw-malay)

Station 13 – Jesus is laid in the tomb

Nasaan ako?

“Hinimatay ka! Ang bigat mo pala. MMDA pa ang  nagdala sa iyo dito sa gilid kasi nakahandusay ka sa gutter, tara na, kanina ka pa pinagkukumpulan ng mga tao, nakakahiya”.

Ang walanghiya, tumakbo daw at nahihiyang masama sa newsreport na sila ang dahilan nang makatraffic sa Ayala. Kaya ang press release, hinimatay sa gutom dahil sa South Beach Diet.

Station 14 – Jesus rises from the dead

Sa kahihiyang iyon, narealize ko na no where to go but move on. Hindi lang siya ang tao sa mundo. Yun totoo, masaya ako. Kung sakaling magkita kami, alam kong makatitingin ako sa mata niya, at sincere na kukumustahin ko siya. Natanggap ko na na wala siya at masaya ako kung masaya man siya ngayon. Nung nawala siya, akala ko may nawala sa akin, pero ang totoo, may nadagdag pa nga – mga aral, karanasan at mga kaibigan.

Uy, salamat ha – resurrected na ako, promise.

Advertisements

16 comments on “Cross My Heart

  1. again and again,npaka galing mo tlaga..nakakatuwa sya at talagang pang resbak bah.hehehe.di pa ako nkarating sa stage na yan pro aasahan kong malapit na malapit na..thanks sa mga pag-mulat mr. author.

  2. Lekat ka badush!!! ressurected na rin ako eh…hahahahahaha..mag sama-sama talaga silang lahat.. haaayyy… after 48 years nag level-up na ko noh ayokong forever eh level 1 lang ako samantalang sila to the nth level!!! keep up the good work dyosa, you are such talaga!!!!!

  3. bughaw bughaw bughaw… galing galing… ayan sige tingin ko naman eh nakakasabay ako sa mga likha mo.. mukang papunta na me jan sa level na yan… buti si lian naka level up na.. maghintay kayong dalawa… i will resurek cross my heart… heart & soul… as in…

  4. ang galing mo po talaga.. yung mga nakaraang sinulat mo na sobrang natamaan ako at nagising… ang laking tulong! minsan kailangan masaktan at dapat marealize na sobra na… at kapag nasa realidad ka na ulit… dun pa lang magsisimulang maka-moveon… buti naman at resurrected ka na.. at salamat ulit sa paglatag ng masasakit na salita at katotohanan.. at dahil dun na-resurrect din ako.. Goodluck po sayo and Godbless! 😉

  5. Hay nako, Kuya. Promise. Darating din ako diyan. Wala na nga siya pero di pa din tanggap ng sistema ko na wala siya. At pag dumating ako sa ika-14th station, magcecelebrate tayo. Magpapakain ako. At hindi lang monay na may keso.

  6. Ang ganda ng blogs mo. Humor w/ lotsa sense. Keep it up. Ü

    blue : tenks. bihira lang siyang may humor. madalas marumor lol mga lovelife ng kaopisina at kaibigan documented… detalyado hehehe.

  7. Shocks.. Sapul ako dun ah.. Shit prang gsto kng umiyak.. hehe! Masakit tlgah pg totoo, pero i learn alot poh dito sa blog moh.. My friend just share this to me.. Feeling koh ksi right now im in the stage of suffering..still cant forget my past.. huhu! Thank u for this one!

    blue : hehehe makakabangon ka rin. kanya-kanyang panahon lang yan. sana lang mabilis ang pagrecover mo.

  8. (bloghopper lang)

    ouch- nakarelate ako ah..parang ako lng ah…andali sabhin mgmove on…. ‘t take lot of time.

    blue : uy, ikaw naman talaga yung tinutukoy ko. hehehe salamat sa pagbisita

  9. haha the best yung kakamustahin ka kung nakalimutan mo na siya! haha “oo, kanina kaso umepal ka at ipinaalala mo na naman siya.” haha gnyan dn ang nsa isip ko puno pa ng mura. haha nice piece.laugh trip. haha 🙂

    blue : hi packsheet, nice nick, oo may mga taong sa halip na makatulong, nakakaperwisyo pa. Parang linya lang ng nanay ko sa’kin. wehehehe.

  10. Pingback: asternoelyn_’s Blog | cross my heart

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s