Paramdam ka

Ooopps, dyan ka lang! Kung sakaling mapadaan ka, para sa’yo talaga ‘to. Ang tagal na nating hindi nag-uusap. Ang tagal na nating walang communications. Kahit hi o hello, kahit forwarded text o simpleng smile sa friendster – wala. Busy ba? Medyo busy rin ako. Ang totoo, nakakapagod kaya kahit ako, hindi makatext. Pero kanina,  sa meeting, walang anu-ano, naalala kita. Natulala ako, naisip ko, ang tagal na nga pala nating hindi nagkikita. Malalim ang buntunghininga ko nun, alam ko, may kulang.

Umiikot lang ang buhay ko rito sa trabaho. Mula umaga hanggang gabi. Breakfast lunch and dinner. Tawanan, kwentuhan, pinipilit naming makilala, matanggap at matutunang pakisamahan ang bawat isa. Ganun ata talaga yun. Minsan, ang relationship, pinag-aaralan. Pero iba pa rin siyempre yung emotional investment natin. Hinubog ng alak o minsan tsaa,  ng wendys o kahit cheesebread at kung walang-wala, kwentuhan lang.

Hinahanap ko yung pag-uusap natin. Yung totoong pag-uusap. Yung bang nasasapul yung pagkatao natin. Yun bang sasabihin ko pa lang, naiiyak ka na. Alam mo na ang kwento at alam ko na ang pinaggagalingan mo. Yung tinginan, yung ngisngisan at ang pinakanakakamiss sa lahat, yun bang kahit isang oras o abutin ng dalawang oras na magkasama tayo, kahit wala na tayong pinag-uusapan… kahit tahimik tayo at nakatingin kung saan, nagkakaintindihan yung mga hininga natin. Walang agam-agam.

Hindi ko alam kung kelan ako makahahanap ng araw o tyempo, hindi ko rin sigurado kasi kung bakasyon ka rin sa mga araw na yun, pero sana hindi man kalabisang hingin, magkita tayo ulit sa gitna ng kaabalahan ng mga trabaho, pressure at problema. Sana pwedeng magtime-out. Sana pwede akong sumigaw at sabihing Hep hep hep, ako muna, utang na loob, ngayon lang, katatagpuin lang kita. Pero hindi na ganun kadali ang lahat.

Kumusta ka na? Ano na ang bago sa’yo? Ano na ang kwento ng buhay mo? Ano ng pinagkakaabalahan mo? Bakit hindi ko nakikitang nag-uupdate ka? Sumuko ka na ba? Tinanggap mo na ba yung sistema dyan? May bago ka bang kwento? Anong bagong libro ang nabasa mo? Napanood mo na ba yung bagong Indie film?

Ang totoo, gusto ko lang sabihin na miss na kita.

Advertisements

5 comments on “Paramdam ka

  1. hay naku blue sino cya.. hay… nakamove on at resurek na me.. tapos may ganito ka nanaman blog… medyo nakakalito ito ha? hay… _ _ _ musta ka? wag ka na masad… miss ka din nun

  2. Gusto kong isipin na ako ito. Hindi ko alam kung bakit, pero tama ka. Pero hindi yata ang rason na madami “tayong” ginagawa ang “tamang rason” kung hindi kailangan nating alamin kung bakit hindi tayo makagawa ng “oras”. Sabi ng kumag kong eks boypren (promise kaka-EEEEEEEEEEEEEKs nga siya.) “Kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraa”. Hindi ko din alam kung ano ang nangyari sa atin. Sa simula, busy nga lang din siguro. Pero hindi pa naman tayo “separated” di ba? We need to find time. I am in fact GUILTY. Kanina lang you asked me if I want to come with you on Sunday. And as usual, I said hindi ako puwede. Hindi ako puwede ng buong araw noon – pero nasa UP ako. Sa gabi, gusto mo bang mag”siping”? Hay. Gasgas na ang “I miss you”. Siguro ang dapat ay “I want to see you”. Text ka. Kita tayo ng Linggo ng gabi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s