My African Dream

Habang ang lahat ng mga kalaro ko noong bata pa ako ay nangangarap na magpunta sa Amerika, hindi ko alam kung anong meron sa Afrika at simula ata ng magkaisip ako ay gustong-gusto kong magpunta doon. Kaya nga  isinama ko na sa plano ko na makapagvolunteer work sa anumang bansa sa malawak na kontinente nito.

Lalong tumaas ang pagnanasa kong makarating doon ng maging katekista ako. Sa maniwala kayo at sa hindi, naging Volunteer Catechist ako. Mula ng magkaisip ako ay sa simbahan na ako lumaki. Ito na rin ang naging playground ko. Sa Gospel komiks ata ako natutong bumasa at hindi sa A Ba Ka Da o Alpabetong Pilipino na kulay dilaw pa ang pabalat. High School naman ako ng magsimulang magpunta sa kung saan-saang sulok ng baranggay sa Taguig para sa pagbibigay katesismo sa mga bata bago magmisa. Naaalala ko pa na may isang kapilyang yari lang sa mga yerong luma ang pinagdugtong-dugtong at ginawang haligi, mistulang kahon. Sa likod nito ay kulungan ng mga baboy. Minsang tinaas ang Ostiya, natawa ako ng biglang nag-ingay ang mga baboy, sa isip ko, buti pa ang mga baboy, gumagalang at nagdarasal. Maya-maya pa, nang pipila na para tumanggap ng komunyon ay nakawala ang mga biik at nagtakbuhan sa gitna. Putik-putik ang paa ko noon, pero dito ko naranasang mahalin ang buhay ng paglilingkod.

Sa kolehiyo, sa Values Education ako napadpad. Kurso ito – again, sa maniwala ka at sa hindi. Sa subject na community development ako nahilig. Kung saan-saan kaming resettlement, foundation at charitable institution napadpad. Napuyat kami sa paggawa ng module. Nasabi ko sa sarili ko, itutuloy ko ang community work lalo na nang makita ko sa internet ang larawang ito na kuha ni Kevin Carter

wanting a meal

Lahat ng buhok ko na posibleng tumayo ay tila tumayo ng  makita ko’to. Hindi awa bagkus umaapoy na pagnanasa na maging bahagi at makatulong. Gaya ng isang Idealistic na mag-aaral, tila nahawa na ako sa isang pangkaraniwang sakit – ang Messianic Complex. Kung sa bagay, ikaw ba naman ang makakita ng isang batang paslit na inaabangan ng vulture na matumba sa gutom para may makain siya, siyempre kikilos at kikilos ka. Totoong parte tayo ng kalikasan kaso sa food chain, halos tayo ang nasa huli, e sa picture, tayo pa ang lalamunin ng vulture. WTF!

Gaya ng pagkakakwento ko noon sa blue jeans, ito ang kauna-unahan kong entry dito sa wordpress, pagkagraduate sa kolehiyo ay nagvolunteer muna ako sa Remedios Aids Foundation bago magtrabaho. Ang hirap kasing makakuha ng teaching work na Values Ed ang ituturo dahil nga tinanggal sa curriculum ang Values Ed as a separate subject, integrated na ito sa lahat ng subject. Halos mas malaking oras pa ang nakukuha ng mga katekista sa pagtuturo kesa sa mga teachers ng Values. Siyempre, hindi naman ako magtuturo ng katesismo dahil hindi na ako practicing Catholic.

Nag-apply ako sa UN para sa isang Volunteer Work kaso isang sulat ang natanggap ko na kulang daw ako sa edad. 24 kasi ako noon. kailangan daw ay 25. Sumulat din ako sa VSO Bahaginan para magvolunteer kaso ganun din, 24 pa lang ako noon at wala daw match na trabaho.

Nag-aaral na ako noon ng  Community Development sa masteral. Hindi nga lang natapos dahil sa NGO work. Kinailangan kong mapunta sa kung saan-saang sulok ng Pilipinas para naman sa mga katutubo. Parang Volunteer Work na rin sa Africa. Isang kaibigan ang nakilala ko sa trabaho (Melissa Queyquep) at nalaman kong gusto nya ring mag Africa. Yung isa naming Australian Volunteer (Jarrah Dundler), gusto ring magpunta doon. Paglipas ng isang taon, yung Australian volunteer, nasa Red Cross na sa Australia at yung isa ko namang kasama, na nagyayayang mag-apply kami sa VSO ay nasa Africa na ngayon. Hanggang airport lang ako ng NAIA. Hinatid ko lang siya nung isang buwan.

Hindi ko rin maisip kung bakit hindi ako nagtuloy o kung bakit hindi ako ulit nag-apply. Hindi pa nga siguro ako handa. Siguro pag 30 na ako. 3 years from now.  Naisip ko nga, dalawang taon lang naman yun. Ang totoo, napepressure ako, parang kailangan kong gumawa ng makabuluhang bagay sa buhay ko sa loob ng dalawang taon para magkaroon ako ng dahilan kung bakit ako naririto.

Sabi ko sa classmate ko, mag-iinvest muna ako. Siguro mahaba-habang volunteer work na rin ang ginawa ko sa buhay ko kaya etong sandali na ito ay para naman sa akin. Kailangan ko ring mag-ipon. Minsang nakonsyensya ay tinext ko ang kaibigan kong si Mags, para kasing unti-unti ay nawawala na ata ang volunteer thing sa loob ko at concentrated na ako masyado sa corporate-sales life. Ang reply nya, “e yung point na u have volunteer work doesnt make it balanzd?” Lalo atang naging komplikado at nagsanga ng maisip kong may mga sandali naman na gumagawa kami ng volunteer work kaso siyempre, taliwas sa mas epektibong pamamaraan, puro kami dole-out. Para tuloy sa halip na makatulong ay nakakasama pa kami.

Siguro nga hindi ko muna dapat minamaliit ang munting gawaing ito para hindi sumama ang loob ko. Masyado naman kasing busy para gumawa ng module, sincere naman ang motive at maraming gustong magbahagi. Hinay-hinay ulit.

Naisip ko lang, ang Afrika, naririto rin naman. May mga Afrika sa paligid, kailangan lang bigyang pansin. Baka nga masyado akong tumitingin sa malayo at malaking hamon. Unahin ko muna ang personal kong Africa – ang aking bulsa. Saka ang mga Afrika ng sarili kong bansa habang hindi pa buo ang loob kong tuparin ang aking African Dream!

Advertisements

6 comments on “My African Dream

  1. oh my… nakita ko na naman ang pic ng batang yan na may vulture sa likod… nakita ko to dati sa isang blog… then ilang gabi kong napanaginipan ang batang yan… paulit ulit… kaya pinost ko rin sa blog ko at ginawan ng entry… at ngayon ayan na naman… waaaa… sana di ko to mapanaginipan ulit.. patulog pa lang ako ngayon.. hahayy..

  2. hi bernard, alam mo ang galing mong magsulat, mga simpleng salita pero tumatama sa mga bumabasa, gusto ko style mo, bigay ka naman tip, bago pa lang ako dito sa wordpress, pero naligaw ako sa bolgs mo, ang gaganda ng mga entry nasasalamin di lang sa yong personal na buhay. pag may oras dalawin mo naman ang blogs ko, then comment ka pano ko pa improve yung mga entries ko. salamat

    kamotengulalo

  3. kakalungkot ano 😦 if i remember right, the photographer committed suicide afterwards, tama ba ako? eniway, i admire your decision to stay in our country. we need more people like you…

  4. Kamusta? naghahanap ako ng site para sa volunteer teachers nang maligaw ako sa blogs mo. I taught at St.Jerome Emiliani Institute for 2 years.Nagresign ako last year.Ang sabi ko sa madre,”hahanapin ko ang sarili ko sa corporate world”. Di ako nag-enjoy sa Corporate world,parang may kulang.Gusto ng volunteer job, bago ako bumalik sa teaching. Anu ba ang dapat ko paghandaan sa volunteer work? Having read your blog,I want to get pieces of advice from you.

    By the way , I added you on my friendster!

    Thanks! Godspeed

  5. Sa titulo pa lang at sa mga unang pangungusap, alam ko na ang patutunguhan ng post mo….marahil ay dahil tulad mo ako ay nangarap ding maglingkod sa Africa.

    Alam kong sa ngayon ay hindi ko na matutupad ang pangarap na iyon. Subalit patuloy ko pa ring pinagniningas ang pagnanais na maglingkod, hindi man para sa Africa kundi para sa mga batang kapos sa ating bayan.

    Good luck and God bless!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s