Lighthouse

Naging busy ako kaya matagal ding nabakante ang espasyo ng blog ko. Siguro, may mangilan-ngilang sumisilip at nagtataka kung bakit hindi ako nakakapag-update, ang sagot – wala lang. ‘Yun ang mas pamatay – wala lang.

Hindi sa tinatamad, nagkataon lang talaga na gustuhin ko mang magsulat, nawawalan ako ng drive, parang kulang, parang pag pinilit ko – hilaw. Marami sanang magagandang karanasan kaso kapag isusulat ko na, pagod na ako at wala na akong gana.

Pauwi kanina, bilog ang buwan.

Ito ang paskong walang Christmas tree. Tulad ng pagbablog, wala ako sa mood. Sa cartoon network kanina, hindi makalipad si Santa dahil wala ang Spirit ng Christmas. Kahit wala ang Christmas Tree, ramdam ko naman ang pasko. Sa loob ko – at peace ako. Masaya ako.

Tumingala nga ako at sa imahinasyon ko, lumilipad ang sleigh ni Santa, naririnig ko ang kanyang tawa, Ho- Ho- Ho!

At lumilipad ako sa kasiyahan. Kung paanong ang taong ito ay taon ng kapaskuhan. Kung paanong pinagtugma na ang pagpapakumbaba ay nagsisilang ng Hari. At muling isilang hanggang sa makilala ang Hari.

Kahun-kahong regalo ang binuksan ko. Mga sorpresa. May ilang magaganda at may ilang nagpasalubong ng kilay ko, hindi ko maunawaan kung bakit may ganung sorpresa, pero sa huli, naunawaan ko rin. Unti-unti ay nilalasap ko ang tamis ng mga regalong mapakla sa simula.

Kasama ng warm chamomile with honey, nilasap ko ang pasko habang tinutukuran ng gahiganteng malaregalong kahon ng gusali ng Rustan at mala-Christmas Tree na
Pacific Plaza habang iniilawan ito ng maningas na buwan.

Habang naglalakad pauwi, tinatanglawan ako ng gahiganteng parol.

Advertisements

One comment on “Lighthouse

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s