My Vital Statistics

Sabi sa hula, ang 2008 daw ay magiging masagana lalo na sa akin. Yahoo! Hindi ko na kailangan ng maraming lucky charm dahil charming naman daw ako este lucky naman daw talaga ang year na’to – isa pang yahoo! Dahil year of the rat, magiging malikot ang pag-iisip at laging abala, gagalaw ang taon na ito gamit siyempre ang diskarte… gaya ng mga daga.

Mukhang may katotohanan ang year of the rat. Dalawang ebidensya. Una rito ay apat na ang dagang nakikita ko kanina sa daan at sa labas ng bahay. As in OMG, kung pwede nga lang sana silang gawing pet! At isa pang ebidensya, hilong-hilo na ako sa dami ng trabaho. Halos hindi ako makahinga. Unang buwan pa lang, ay subsob na sa desk para habulin ang mga sunod-sunod na requirements.

Ang dahilan… ang dami kong backlog!

Gayunman, okay na rin atleast may ginagawa.

Nagiging impatient lang ako dahil sa maliliit pero nakapapraning na bagay na kasalan ko rin naman.

Ang bagal bumukas ng computer at mga phone ko. Kasi naman :

globe phone : 2,240

smart phone : 1,378

suncell : 61

messages na hindi ko nabura. Hindi pa kasama dito ang mga messages sa sent folder.

Sa office email, 51 messages pa at sa yahoo : 1136 messages na hindi ko pa nababasa dahil lekat, puro blog update, friendster invitation, at kung anu-ano pang social network… hindi ata nila alam na introvert ako! Gayunman, salamat sa Cebu Pacific at habang nagpapabook ako kanina sa kanilang hotline ay nakapagbura ako ng more than 500 messages sa tagal kong naka-hang sa telepono! Mabuhay po kayo! In short 600+ na lang ang buburahin ko, buti na lang at tatawag ako ulit bukas para ipakancel ang isang return ticket!

Kinailangan kong takbuhin ang parksquare para bumili ng external drive. last 150 mb na lang ang laptop na’to, kaya bago pa ‘to magcrash kasama na ang utak ko, nangutang muna ako sa tindahan. Salamat sa HSBC.

Bagong taon na bagong taon, naubos ang bonus at nagkautang pa. Kaya nga naisip ko, bakit hindi ako maging entrepreneur sa taong ito. Tama!

Magtatayo ako ng sari-sari store. Maliit na puhunan pero may kita!

At ang una kong ibebenta ay ang aking ikalawang starbucks 2008 planner!

Syanga pala, binuksan ko na ang aking tindahan :

www.sarisaristore.wordpress.com

O siya, tawad na!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s