Lawin

Matayog ang lipad ng mga lawin. Doon sa himpapawid ay buong lakas nilang sinusuong ang mga ulap. Aakalain mong may kalabang sinusugod. Ganito ang kanilang pangkaraniwang buhay. Kahit mataas ang lipad ay tanaw na tanaw nila ang kalupaan. Ang munting kilos sa ibaba ay agad nilang napapansin. Madali silang nakahahanap ng pagkain. Subalit hindi sa lahat ng panahon ay naghahanap sila ng pagkain. Ang mga ibong ito ay tila mga bantay sa kalawakan. Ang mga kagubatang maninipis na o di kaya ay nakalbo na ay kanilang tinatamnan. Mula sa ibaba ay tumutuka sila ng mga prutas. Ang mga buto nito ay kagat-kagat nila at saka binibitawan sa tapat ng mga lupang bakante, o kaya naman sa gitna ng mga kagubatang unti-unting napapabayaan ng tao.

Bumibilis ang kanilang lipad kung sila ay nakaayos . Matatanaw ang kanilang pa – V na ayos. Subalit hindi sa lahat ng oras ay sila ang magkakasama. Kung sakaling makahanap na ng madadapuan ang isang ibon ay humihiwalay na ito. Ang kulang sa pangkat ay agad namang napapalitan ng ibang ibon. Madali sa kanila ang pagpapalit sapagkat likas sa kanila ang makisama sa ibang ibon kahit hindi pa nila ito nakikilala. Ang mga ibon ay patuloy na lilipad na tila nais ikutin ang buong daigdig at sa kanilang pag-ikot ay hindi na mabilang ang dami ng mga ibong kanilang nakasama sa paglalakbay sa himpapawid.

—-

Marso, 2004

Ikatlong Baitang, Filipino

Para sa Ikatlong Markahang Pagsusulit

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s