Wala, Tulog!

The Stress of Being Connected.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero habang tumatagal, ang mga bagay na pinili natin para sa ating convenience ay nagdudulot ng kapaguran at discomfort.

Gigising ka sa umaga, ang una mong titingnan ay ang cellphone mo. tama o mali? Para bang may utang na loob ka agad kung may message ka sa inbox o na miss(ed) na call at hindi ka agad nakapagreply. Sa pagkakaalam ko, ginawa ang mobile phone para madali kang macontact pero hindi ito lisyensya na pag may mobilephone ka na ay wala ka ng karapatang hindi magreply.Hindi ba’t para tayong langgam na nabuhusan ng tubig at hindi mapakali kung wala tayong load at may nagtext kahit forwarded. Weird di ba? unti-unti ay nawawalan tayo ng control at nagkakaroon ng bagong kultura – ang textback culture. Yun bang pinag-aaksayahan natin ng piso (kung hindi nakaunlimited) ang magreply ng mga katagang he he. As in piso para ipaalam na napatawa ka. Lintsak, kahit ako nabiktima dito. Kinakailangan nating itext ang lahat ng ating nararamdaman. Kaya nga nagkaroon ng smiley sa text di ba. At maging buntunghininga, tinitext na natin ngayon. nakatanggap ka na rin siguro ng text na nag nakasulat lang ay sigh. OMG! hindi siya word, hindi siya text, isa itong reaksyon o kilos na nirereply na rin natin. tsk tsk tsk. Magpatuloy sa pagbasa

REUNION 2024

Kanina ko pa sila hinihintay. Ang sabi, ngayon daw ang class reunion e’ bakit kaya ang tagal nila? Ang sabi dito sa imbitasyon ay ngayon kami dapat magkikita-kita. Ito talagang Grade 6 – St. Michael. Ang bagal kumilos at ako pa ang pinaghintay. Sabagay, nararanasan ko naman ito araw-araw habang pinaghihintay nila ako sa 4th floor at sila naman ay nagkukumahog lunukin ang kahuli-hulihang pagkaing isusubo sa recess. Matapos mabilad sa araw ay papasok sa klase kong ang dudungis at nagkakalat ng masangsang na amoy; amoy-araw ika nga. Kulob pa man din ang kwarto kaya kahit anong lakas ng electric fan  at aircon ay paikot-ikot lang ang singaw sa klase. Sasabayan pa ng kamag-aral nilang ang hilig magpasabog ng di-magandang amoy. Ito ang tipikal na araw ko sa grade 6.     Nakakaaliw talagang alalahanin ang mga batang ito. Ang pasulyap-sulyap at nakaw na tingin nila sa isa’t-isa.  Si Lawrence na di makatingin pero pag nakatalikod saka tumititig. Si Emy naman kahit matalino ay eto, kilig na kilig pag napag-uusapan si…. Roland…Ronnel   ah Rennel! Tagal na kasi kaya di ko maalala. Si Viana nga pasimple pero sa grade 5 pala nakakaramdam ng pag-ibig. Hehehe, kung alam lang ng mga kaklase nila kung sino ang napupusuan ni Viana. Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanila baka nga naman magalit si Mannix at naku, kaibigan pa yata nya yun….Hmmmm sino nga ba yun? Di ko na rin maalala. Magpatuloy sa pagbasa

Bukal

“Tulungan ko na po kayo” bati ng binata sa isang matandang may bitbit na mga panggatong.”Wag na amang, kaya ko na ito.” Tanggi ng matanda. Mga pitumpu’t-limang taon na ang matanda. Puti na halos ang lahat ng kanyang buhok.

“Tirik na tirik ang araw, anong ginagawa mo rito?” usisa ng matanda.

“Gusto ko pong makita ang bukal, masarap daw po ang tubig sa bukal.” “Naku, sigurado ka ba? Malayo ang bukal at mapanganib sa mga batang tulad mo. Mukhang hindi ka sana’y makipagbuno sa mga mababangis na hayop?” Magpatuloy sa pagbasa

Sakripisyo

Bakit ka nalulungkot, bulaklak?
Naiisip kita dahon, kailangan mo ba talagang patirahin ang higad?
Oo, kailangan niyang mabuhay.
Paano ka, baka ikaw naman ang mamatay. Kakain ka lang niya!
Kailangan kong gawin iyon para mabuhay ka bulaklak
Bakit ako?
Dahil narito ako para tumulong na buhayin ka. Magpatuloy sa pagbasa

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Magpatuloy sa pagbasa