REUNION 2024

Kanina ko pa sila hinihintay. Ang sabi, ngayon daw ang class reunion e’ bakit kaya ang tagal nila? Ang sabi dito sa imbitasyon ay ngayon kami dapat magkikita-kita. Ito talagang Grade 6 – St. Michael. Ang bagal kumilos at ako pa ang pinaghintay. Sabagay, nararanasan ko naman ito araw-araw habang pinaghihintay nila ako sa 4th floor at sila naman ay nagkukumahog lunukin ang kahuli-hulihang pagkaing isusubo sa recess. Matapos mabilad sa araw ay papasok sa klase kong ang dudungis at nagkakalat ng masangsang na amoy; amoy-araw ika nga. Kulob pa man din ang kwarto kaya kahit anong lakas ng electric fan  at aircon ay paikot-ikot lang ang singaw sa klase. Sasabayan pa ng kamag-aral nilang ang hilig magpasabog ng di-magandang amoy. Ito ang tipikal na araw ko sa grade 6.     Nakakaaliw talagang alalahanin ang mga batang ito. Ang pasulyap-sulyap at nakaw na tingin nila sa isa’t-isa.  Si Lawrence na di makatingin pero pag nakatalikod saka tumititig. Si Emy naman kahit matalino ay eto, kilig na kilig pag napag-uusapan si…. Roland…Ronnel   ah Rennel! Tagal na kasi kaya di ko maalala. Si Viana nga pasimple pero sa grade 5 pala nakakaramdam ng pag-ibig. Hehehe, kung alam lang ng mga kaklase nila kung sino ang napupusuan ni Viana. Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanila baka nga naman magalit si Mannix at naku, kaibigan pa yata nya yun….Hmmmm sino nga ba yun? Di ko na rin maalala.

Si Jason kaya kumusta na. Nasa banda pa rin kaya siya. Sana pala ay narinig ko ang banda nila. Tahimik lang kasi na bata ito, laging inaantok. Siguro kung ginawa kong kantahan ang talakayan namin ay baka nangunguna ito sa klase. Ano na kayang itsura ni Chiqui… may bangs na kaya siya? Nakakatawa talaga noong umiyak siya sa sobrang pikon.  E si Parviz kaya nakakabasa pa rin ng utak? Natatandaan ko kasi na hangang-hanga sa kanya si Kim ng mahulaan nito ang password niya. Weird talaga sya!

Speaking of Kim, galing sumayaw non! Parang si Arian sayang lang at pareho silang nagsummer nun. Si Arian talaga, nahulog pa nga yan sa hagdan ng tawagin sa microphone ang pangalan. Si Yuji ang galing din. Nagulat nga ako nang sinubukan niya kung matibay ang semento at hinampas niya ng kanyang baba ang sahig, ayun, tagal naming nagbabantay sa Makati Medical Center.

Madrama rin ang mga kababaihan dito.  Si Miho, Chiqui, Mykee, Krisel, at Princess, nadamay pa nga si Arti. Buti na lang kaya ni Arti na mag-isa. Umabot pa nga sa mga magulang nila ang gulo. Mga bata talaga, o siguro dapat  ang nabigkas ko ay hay, mga magulang talaga!

Nakakatuwa ngang isipin na makalipas ang maraming taon, si Kris ay palakuwento na! Dati tahimik lang yun, ngayun ayun, alaskador na rin. Pero siyempre bestfriend pa rin sila ni Christine. May pag-asa kaya ang dalawang ito na magkatuluyan? Balita ko ay pareho silang binata’t dalaga.

Makakarating kaya si Gabriel? Sa Amerika daw siya nagtatrabaho! Magkamukha pa rin kaya si Jarren at Bendy. Si Jarren na bunso ng klase! Pero sabi nila si Bendy daw ang mas kamukha ko! Pero hindi naman ako ganun kalikot nung bata ako. Si Jonathan kaya, si Jonathan…. Nakakatawang isipin na sobrang buhos ang pagmamahal. Napansin kaya siya ng minamahal niya? Sana ay inuna na lang niya ang pag-aaral… baka pag ginawa niya yun ay ma-impress sa kanya ang babaeng yun. Pero huling balita ko ay si Danna naman daw ang napupusuan nya. Si Jonathan talaga. Batang puso pa rin! Kumusta na rin kaya si Rafael? Tahimik lang to pero malakas ang dating sa mga kaklase. Balita ko naman kay Jan Camille ay may Factory na ng Yoyo. Ibang klase talaga! Computer programmer na pala sina Kevin at Rennel. Yun ang huli kong balita. Sana ay wag silang mag-away baka kasi karatihin ni Rennel si Kevin.

Si James naman na tinatawag nilang chocolate ay sikat na sikat na rin. Nakaimbento pala siya ng black board na automatic na nagbubura. Sabi kasi niya, ang dalas daw kasi siyang mautusan ko na magbura ng pisara.

Si Ralph naman Scientist na rin.  Galing! Siya na nga ang Secretary ng department of Science and Technology.

Pero parang kulang pa rin ang dalawang taon na pagsasama namin noon. Hanggang ngayon, naitatanong ko pa rin sa sarili ko kung bakit pumunta si Krisel sa Amerika? Bakit tahimik lagi si Princess at parang laging may problema? Napakamisteryosa kasi ng batang yun. Bakit kaya umiiyak si Marie sa telepono pag kausap si Viana. Ang grade six, ang daming isyu. Pero nakakamiss. Parang kulang… ah si Mykee! Ang aking munting anghel na nagpanalo sa Alitaptap Storytelling Contest.

Oh, eto na pala sila. Ang tagal nyo ah!. Pinaghintay nyo pa ako. Sino pang kulang?

Maya-maya ay dumating si Mykee Blue.

O, bakit nakadamit ka ng anghel. Costume party ba’to? Reunion lang di ba?

Sinusundo ko na po kayo? Ako po ang magdadala sa inyo sa venue natin.

Papasukin ba tayo sa hotel pag ganyan ang ayos mo?

Oo naman at hindi hotel iyon! Tara na kapit-kapit tayo ng kamay ha gaya ng ginawa natin noong grade 5 pa tayo sa activity natin na tali. Yung binabato natin yung bawat isa tapos ay magsasabi ng mga expectations at commitment sa buong isang taon.

O tara na kapit-kapit na daw tayo.

Nang magkakakapit-kamay na sila ay dahan-dahang umangat ang kanilang paa sa lupa.

Wow, ang ganda pala dito sa itaas!

Ang hangin!

Uy, yun ang bubong ng St. Mary of the Woods School Oh!

Wow! Nasa langit na ba tayo?

Malapit na, at doon tayo magkukwentuhan kung anong nangyari sa ating buhay-buhay dalawampung taon ang nakalipas.

Marso, 2004

Ikaanim na Baitang, Filipino

Para sa Ikatlong Markahang Pagsusulit

Advertisements

4 comments on “REUNION 2024

  1. blue…anim na taon!anim na taon na akng nakakalipas pero hinding hindi ko pa rin nakakaliputan ang unang araw natin sa woods. galing!sarap balik balikan!haayyy!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s