Sakripisyo

Bakit ka nalulungkot, bulaklak?
Naiisip kita dahon, kailangan mo ba talagang patirahin ang higad?
Oo, kailangan niyang mabuhay.
Paano ka, baka ikaw naman ang mamatay. Kakain ka lang niya!
Kailangan kong gawin iyon para mabuhay ka bulaklak
Bakit ako?
Dahil narito ako para tumulong na buhayin ka.
Pero dahon, may sarili kang buhay, pwede mong piliin na paalisin ang higad.
Pag ginawa ko iyon, hindi siya magiging paru-paro. Hindi ka dadami bulaklak.
Hindi ba’t ikaw ang gumagawa sa akin?
Ako at kasama doon si higad, pero kailangan niya munang maging paru-paro.
Hindi yata tamang gamitin ka niya, sa akin na lamang siya tumira.
Hindi maari iyon nasa akin ang sangkap para maging paru-paro siya.
Nalulungkot ako, bakit ako pa ang dahilan, itigil muna ang paggawa sa akin.
Alam kong mahalaga ako sa iyo, magkaibigan tayo kaya mo naiisip iyan.
Kaya nga ako na lamang ang magsasakripisyo, itigil mo na ang paggawa sa akin
Lahat tayo ay nagsasakripisyo. Kailangan ka rin naming para dumami tayo.
Pero bakit ang higad, puro pasarap.
Hindi, mahirap ang magkulong ng mahabang araw para maging paru-paro.
Anong hirap sa pagtatago?
Hindi niya maipagtatanggol ang kanyang sarili sa loob ng bahay niya.
At sino ang nagtatanggol sa kanya, ang paru-paro?
Tayo, buong tiwala siyang makikitira sa ating tangkay. At mahirap iyon.
Pag paru-paro na siya ay iiwan niya na tayo matapos sipsipin ang nektar ko?
Ginagawa niya iyon upang ipasa ang polen sa iba.
Para ano?
Para maging buto at pag nahulog sa lupa ay tutubo muli at magiging tayo.
Gusto mo bang maging bulaklak? Payag akong isakripisyo ang katayuan ko.
Ang pagbibigay mo ng nektar ay isang sakripisyo. Iyon ang bahagi mo.
Bakit mas madali ang ginagawa ko?
Madali rin lang ang ginagawa ko, ni tangkay at ni ugat.
Bakit mo nasabi iyon?
Dahil iisa lang naman tayo. Iba-iba nga lang ng gawain.
Anong iisa? Hindi ba’t magkakaiba tayo?
Iisa tayong halaman.
Halaman din ba si higad at si paru-paro?
Hindi, pero bahagi sila ng ating buhay
Para?
Para lumago tayo ay magkaroon ng bulaklak, kailangan ka namin bulaklak.
Ibig sabihin ay bahagi rin tayo ng buhay ng mga higad?!
Oo, para dumami tayo at dumami sila. Para may makain ang iba pang nilalang.

Marso, 2004

Ikaapat na Baitang, Filipino

Para sa Ikatlong Markahang Pagsusulit

Advertisements

8 comments on “Sakripisyo

  1. LoL
    Lalake nga c lola basyang
    si Severino Reyes
    baka Lola basyang natawag sa kanya
    kasi naman
    lola kadalasan nag bibigay ng kwento
    (opinion)

  2. LOL….nice!… very educational…! a very nice way to educate our young kids about the how eco-system works ……at least a part of it.!….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s