Wala, Tulog!

The Stress of Being Connected.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero habang tumatagal, ang mga bagay na pinili natin para sa ating convenience ay nagdudulot ng kapaguran at discomfort.

Gigising ka sa umaga, ang una mong titingnan ay ang cellphone mo. tama o mali? Para bang may utang na loob ka agad kung may message ka sa inbox o na miss(ed) na call at hindi ka agad nakapagreply. Sa pagkakaalam ko, ginawa ang mobile phone para madali kang macontact pero hindi ito lisyensya na pag may mobilephone ka na ay wala ka ng karapatang hindi magreply.Hindi ba’t para tayong langgam na nabuhusan ng tubig at hindi mapakali kung wala tayong load at may nagtext kahit forwarded. Weird di ba? unti-unti ay nawawalan tayo ng control at nagkakaroon ng bagong kultura – ang textback culture. Yun bang pinag-aaksayahan natin ng piso (kung hindi nakaunlimited) ang magreply ng mga katagang he he. As in piso para ipaalam na napatawa ka. Lintsak, kahit ako nabiktima dito. Kinakailangan nating itext ang lahat ng ating nararamdaman. Kaya nga nagkaroon ng smiley sa text di ba. At maging buntunghininga, tinitext na natin ngayon. nakatanggap ka na rin siguro ng text na nag nakasulat lang ay sigh. OMG! hindi siya word, hindi siya text, isa itong reaksyon o kilos na nirereply na rin natin. tsk tsk tsk.

Gayundin, sa opisina, kapag business concerns, noon sinasabi natin na kailangang may dokumento bilang katibayan. Dati hinahanap natin ang minutes. E ngayon pag pumalya ka, sasabihin sa’yo, bakit hindi mo nagawa, hindi ba’t tinext kita!

Shetness, may nakulong na ba na ang evidence A ay text at ang evidence B ay forwarded message? Hindi ako magtataka na sa susunod ay magiging policy na rin at maisasaad sa lahat ng corporate manual na ang hindi magreply sa text o misscall ay subject for dismissal. Kaya ka nga may communication allowance di ba? Hanggang sa tanggapin na ring katibayan ang misscall at text sa hukuman!
Modesty aside, tatlo ang cellphone ko at lahat ay nakalinya (Globe, Smart at Sun). Last year kasi, tatlong beses ako naholdup at pakiramdam ko ay nabubuwisit na sa akin ang mga nasa directory ko sa twing magtetext ako ng : please save my new number. Sa halip na makisimpatya sila sa karanasang iyon ay itetext back ako ng, ano ba hindi ka mapakali sa pagbabago ng number, 6 na ang number mo dito sa phone book ko. Dapat pala, ang text ko, ungas, naholdup ako, salamat sa awa, pakisave ang bago kong number at pakibura ang luma, not unless gusto mong makipagtextmate sa isang holdaper! Kaya nga, mawalan man ako ng phone, ngayon mababalik ang number ko ng hindi na kinakailangan ng affidavit of loss, police clearance, PUK at kung anu-ano pa. Sa sobrang ka OC-han ko, lahat ng last 4 digit ko – BLUE (2583). Astig! (astig na victim!)

Simula ng bilhin ko ang mga cellphone na yan, kanina ko lang nadiscover na ang isa kong phone ay pwedeng palitan ng ringing tone. Akala ko kasi, ang isang corporate phone na ganun kalaki ay sadyang dinisenyo na maging simple. Kagabi ko rin nadiscover na pwede pa lang burahin ang inbox nito gamit ang arrow + down key. In short, marami pa lang magagawa ang phone na ito at hindi pantawag lang. O siguro, madali kasi akong madala sa mga advertisement, akala ko, kailangan ko ang feature na yun, hindi pala.
Nalate ako kanina sa gimik dahil hindi ko alam kung bibitbitin ko ang phone na ‘yun. Hindi kasya sa bulsa. So, tinext ko muna lahat ng posibleng magtext para sa ibang number sila magtext. isa pang OMG! Ngayon naman ay inuunahan ko ng ipaalam sa kanila na hindi nila ako makocontact. Wala na akong freedom! Totoo nga ata ang sinasabi ng New York based Freedom House na hindi na tayo masyadong malaya kaya binaba ang ating freedom rating.

Hinto, saglit lang. Hindi naman ako ang sentro ng mundo, hindi rin ako ang nagpapasweldo sa mga tao, at hindi ako Diyos na daingan, e bakit nga ba ako nagpapatali sa tatlong service provider na ‘to?

Sana may no texting day. Sana marealize ng tao, na totoong mahusay tayong makipagkapwa-tao, mahusay tayong makiramay pero hindi dapat hinahaluan at ginagamit ang kulturang ito para kumita ang malalaking kompanya.

Dati, walang bayad ang text, free lang ‘to sa pagpapalinya ng cellphone. Ngayon, may bayad na. Dati may dropcall, ngayon utang na loob pa natin ito sa mga promo kada segundo. Kung gusto mong makatipid, dun kasa better network better value,’nga lang, magtyaga kang maconnect at intindihan ang kausap sa kabilang line. Para kang laging nagdedecode ng message. Sa simply amazing na may power to lead naman,ubos ang barya mo. Subukan mong magsubscribe sa mga alert, daig pa si pacman sa pagkain ng load. At yung isa, abot mo ang mundo, malayo talaga ang nararating. kahit saan pwede; mrt, mall, club, bangko at marami pang iba, yun nga lang goodluck sa dami ng pin na kailangan mong tandaan.

Isang araw na walang cellphone, isang araw na walang commercial ng mga artistang nagtatakbuhan, nagsasayawan, at naghihiyawan. Isang araw na walang print ad sa dyaryo at billboard. Isang araw na magkikita tayo, mag-uusap at personal na mag a update. Tahimik di ba? Yun ang komunikasyon, yung nagkakaintindihan. Hindi yung dinidikta.

Hanggang sa pag-uwi ko, pagbukas ng cellphone na iniwan ng apat na oras, may 14 na mensahe. 12 dun forwarded at dalawa lang ang personal. 1 lang actualy, twice nyang nasend. Sabi niya, Its ok, just tex me wen ur redi. – hindi nangangailangan ng reply. Buti naman!

Isang text message ang natanggap ko kanina habang sinusulat ko ‘to, tanong niya. Hindi ka nagparamdam, san ka?

Advertisements

One comment on “Wala, Tulog!

  1. mabute naman at nagparamdam ka, hahaha… ako ang cell phone ko parating tulog. ewan ko nga kung bakit may cell phone ba ako e ako lang naman tumatawag at nag te-text sa sarili ko; minsan nga busy pa, waahhhh 😀 tuwang tuwa akó kapag tumutunog yon, kahit na forwarded lang: kaso mo kahit nga fowarded walaaaa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s