Sumpa ng Pag-ibig

Namumukhaan mo ba ako?

hawakan mo itong pisngi,

sukatin mo yaring labi.

ako ito.

‘Wag mong lagpasan ng tingin,

alalahanin mo ang sandaling kita’y kapiling.

Pakiramdaman itong init ng yakap,

san ka nanggaling?

Hinanap kita, maniwala ka

sariwa pa ang sugat sa ‘king alaala

kung paanong nagising ka isang umaga’t

kinalimutan ang magagandang sandali,

nilimot ang mga pangako ng walang hanggan.

Hindi ba’t sinabi mong tayo’y nakatadhana,

hiningi natin sa Maykapal na basbasan itong pag-ibig.

Nakatitig ka sa aking mata,

sinabi mong natatanaw mo ang walang hanggan.

Hindi tamang iwan mo ako sa kawalan.

Naririnig mo ba?

Sumumpa tayo sa isa’t-isa,

naririto ako, nag-aabang, nagbabalik, naghihintay,

pansinin mo, alalahanin mo ang titig ko, ang pangako mo

ipikit mo ang iyong mata, pakinggan ang mga katagang binitawan mo,

mga katagang bumuhay sa akin.

Mahal kita. Ikaw ang buhay ko.

Gayunman, kung sakaling makaalala at di na manariwa ang dating samahan,

tapatin ako’t palayain.

Muling ibulong sa hangin at kalasin

sabihing ako’y di na iyo’t wala ng pagtingin.

Nang sa gayo’y mahanap ko ang daan patungo sa akin

at matantong ang walang hangga’y nagwawakas

sa oras na putulin mo ang landas.

Advertisements

8 comments on “Sumpa ng Pag-ibig

  1. Isang bagay ang natutunan ko. Na hindi dahil nangako, ibig sabihin tutuparin. Hindi dahil sinabi na “Mahal kita. Ikaw ang buhay ko.”, ibig sabihin ay totoo. Minsan, kung sino pa ang nagsambit ng mga katagang yun, yun pa ang loloko sayo at sasaktan ka ng bonggang-bongga.

  2. ang hirap umasa at mabuhay sa isang pangako. may nagpangako din sa akin, hanggang ngayon sa di malaman na kadahilanan, umaasa pa rin ako na isang araw, babalik siya sa akin at tutparin ang pangako niya!

  3. alam mo minsan kasi yung pag ibig na para sa isang tao ay hindi para pang habang buhay. minsan e isang paraan lang yon para magkahanap ng mas bagay at para talaga sa iyo. meron akong inibig na ngayon ay iniibig ko pa rin… pero mahal ko si kengkoy ha. yun nga lang, ibang pagmamahal ang para dun sa isa at okay lang sa akin na hindi naging kami kasi yung time we spent together was enough for me — matatawag na best times of my younger life 😀

  4. Pingback: Walang Hanggang Pag-ibig « hibang

  5. Galing…….. Love enables you to put your deepest feelings and fears in the palm of you partner’s hand, knowing they will be handled with care….

  6. bakit nga ba napakasarap maniwala sa mga pangako? ilang taon na ang lumipas mula ng marinig ko ang pangako ng taong hindi ko akalain na magbibigay sakin ng sobrang sakit at kalungkutan! Ang pangako nya… Cheating me was one thing he would never do!!! Nasaan sya ngayon? ewan ko! basta ang tanging alam ko ay hanggang ngayon, my heart is still shattered and my mind is still filled with sorrow!

    blue : thats sad. im sure makakamove on ka rin 😦 on moving on, pwede mong basahin ‘to : https://bernardumali.wordpress.com/2007/08/11/move-on/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s