Bulong

(unang bahagi)

Kilala kita. Sinusubaybayan ko ang kwento ng buhay mo. Magaan ang loob ko sa’yo. Sa isang tingin pa lang, alam kong down to earth ka. Hanga ako sa’yo dahil matatag ka. Kaya mong ihandle lahat. Napaka-cool mo.

May ilang kwento ng buhay natin na halos magkapareho. Sana tulad mo ‘ko, may sagot sa lahat ng problema.

Ilang beses na kong nagtangkang lapitan ka. Kaso nauunahaan ako ng kaba, baka kasi hindi tayo magkawavelength. Mukha kang matalino, natatakot akong matameme at hindi ko mahandle ang conversation. Simple lang kasi ako. Hindi sintalino mo.

Pero kung lalapit kaya ako, tatanggapin mo ako?

Matutulungan mo kaya ako sa mga problema ko – sa pinagdaan ko.

O baka naman alam mo na ang kwento ko – baka nabalitaan mo na. Nakakahiya pero hindi maganda. Lahat naman siguro tayo, may kanya-kanyang kwentong itinatago. Mga ikinukubling lihim.

Pero ngayon, handa na ako. Gusto ko sanang ibahagi sa’yo ang aking nakaraan. Alam ko namang maiintindihan mo ako. Sana lang ‘wag mo akong layuan. Sana samahan mo ako sa oras ng kalungkutan. Iyon ang kailangan ko ngayon. Karamay, kasama, mga kaibigang makakaintindi at taong tulad mo na tutulong sa akin.

Nasaktan ako. Sobrang nasaktan at nabigo – may kinalaman ito sa pag-ibig. Tulungan mo akong mahanap ang sarili. Payuhan mo naman ako. Tulungan mo akong maibalik ang kasiyahan, makita ang liwanag at malayo sa lumbay.

Nakamamatay ang kalungkutan.

Tandang tanda ko pa, naglalakad kami noon, katatapos lang manood ng sine. Malamig pero mas pinalamig pa nang kanyang katahimikan. Ayoko sanang basagin ang katahimikang iyon dahil natatakot ako sa kung ano ang maririnig ko sa kanya. Bago magpaalam, narinig ko rin ang kinakatakutan ko.

Wala na kami dahil may iba na siya. Taon ang binilang namin. Kasal na nga lang daw ang kulang. Napakasweet niya. Perfect partner. Gusto kong tumanda kasama siya. Hindi matatapos ang araw nang hindi kami nag-uusap o nagpapalitan ng i love you. Buo na ang aming mga pangarap at kahit ang plano sa kasal ay minsang napag-usapan na namin.

Kailangan nating maghiwalay. I’m sorry.

Yun lang. Yung lang ang sinabi niya. Hindi siya nagkalakas ng loob na sabihin ang dahilan. Umiiyak ako. Iniwan niya akong parang bata. HIndi ko alam kung ano ang nagawa ko para saktan niya ako ng ganun. Naglakad s’yang papalayo nang hindi lumilingon sa akin. At tinapos niya ang lahat sa isang text – sorry, i lost the feelings. I lost the love.

Ganun lang yun. Hindi ko alam kung panong gumising siya isang umaga na wala ng nararamdaman. Ang bilis niyang binalewala yung mga pangako niya, yung mga pangarap namin. Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa mga kaibigan, magulang at sa lahat ng nakakakilala sa akin kung bakit kami naghiwalay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang araw akong nagkulong sa kwarto, umiiyak. Madilim ang paligid. Naging madilim ang mundo. Sila Mama at Papa, natatakot na nun. Humahagulgol si Mama nang makapasok sa kwarto.Hindi lang ako ang nasaktan. Maraming nasaktan at maraming umiyak. Ni hindi siya bumalik o nagpaliwanag kahit kila Mama. Wala syang kwenta.

Tulungan mo akong makaganti sa kanya. Tulungan mo akong saktan siya.

Samahan mo ako.

Ayoko na ng labis na kalungkutan.

Madilim ang paligid ko. Gusto kong makita ang liwanag.

Parang awa mo na, ipaghiganti mo ako.

Narito lang ako, kasama mo.

Alam kong naririnig mo ako,

nararamdaman mo ako

Dito sa likod mo.

lumingon ka.

Parang awa mo na,

tulungan mo ako.

Saklolo.

Advertisements

11 comments on “Bulong

  1. Wow! ulit… Sobrang nakaka-magnet ang mga kwento mo lam mo ba yun? Nakaka-adik! Kahit na may dapat akong gawin sa trabaho basta nabuksan ko na site mo mamaya na lang ako magwo-work hehe… Ang ganda ng mga kwento, pwede ng gawing libro.

  2. narinig ko bulong mo… alam mo, minsan hindi mo talaga maintindihan ang puso e. yung akala mo na hindi mo na pwedeng mararanasan ang ganong ligaya sa piling ng isang tao, kaya dun ka na lang magsumiksik sa kanya… pero minsan, nagbabago ang ihip ng hangin. nakakatakot na maglakad ulit mag isa dahil ilang taon kang may kasama.. pero alam mo kapag sinimulan mong unang hakbang, dun mo malalaman na may mas magandang buhay na darating sa yo. ako ilang beses na ring nabigo, ilang beses naring nagbigo — pero until now, lahat nung mga naging ka relasyon ko, naging kaibigan ko. kasi naging maligaya ako sa kanila; i chose to keep the good rather than think of what ifs and the bad 😀 am glad napatawa kita dun sa aking radyo interview.

  3. oh my gosh.. soo sad… Move on na po.. Kaya mo yan! Mahirap gumanti, mas nakakabigat a pakiramdam.. Akala ko noong una kapag nakaganti ako, mapapanatag na yung loob ko, pero hindi pala.. Kaya mo yan!

  4. Kung di ka na nya mahal at nagawa nyang mag mahal ng iba, bakit ikaw hindi? hayaan mong si God nalang ang mag husga. Tip ko sau para maka move on, build a career path for a better future. Yung mga nakarelasyon ko dati, na nasaktan sa paghihiwalay namin, ngayon praktikal na sila, samarte, maganda ang status sa buhay at successful. Just try it… It’s not too late.

  5. kuya this is so sad.. where mo nakukuha ang ganitong emotions? and that girl, sayang sya.. madami pa mga bagay na ngahihintay sa kanya.. sana naman she gave herself a chance.. i know that it is hard pero minsan kailangan lang talaga ng tibay ng loob, napunta na ako sa ganitong situasyon, di alam kung anu ang dahilan at biglang kailangan putulin ang naging relasyon… kailangan mawala ang lahat na ginawang plano.. na biglang nawala ang love.. shetness… buti na lang may isang tao na nagsulat ng move on… sa blog at sunodsunod pa talaga.. hay.. so sadness.. pero i think ok na din yung ganun… sana nabasa ni tess ung move on na blog ng kilala kong trainer

  6. ewan n nga ba… hindi ko alam kung anu talaga ang love? can it be seen in the way of being a practical because it is just an excitement?? or this cab be seen the way that you know how to think of the future?

    blue : actually hindi ko rin alam hehehe

  7. hi sir!
    Ako po ay isang guro sa high school. Nais ko po sanang gamitin ang blog niyo na “bulong” para sa talakayan namin sa Filipino. Kung maaari po ay hihingi po sana ako ng kopya dahil malapit ang tema ng inyong blog sa kabanatang aming tatalakayin sa Florante at Laura 😉 Maraming Salamat!

    blue : sure no problem.basta pang academic ok lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s