Tinig

(ikalawang bahagi)

Noong bata ako, iniisip ko lagi kung ano nga ba ang gusto ko. Nakakapressure. Para bang worth 1 million pesos ang sagot sa tanong ng magulang mo : Anak, ano bang gusto mo paglaki mo? Naaalala ko pa ang mga itsura nila, lahat ng bisita ni Papa nakaabang.

Gusto k… gusto ko pong maging pari.

Natahimik lahat.

Mali ba ang sinabi ko? Sinabi ko lang ang nararamdaman ko. Noong araw na yun kasi, nakausap ko si Fr. Carreon. Sabi niya, para daw ako sa simbahan dahil mabait ako. Noong sinabi niya yun, ewan ko ba – nasiyahan ako. Parang gumaan ang loob ko.

Kumpadre, akala ko may magmamana ng kamanyakan mo. E wala palang magpapatuloy ng lahi mo. Ngayon pa lang, tapos na ang political ambition mo.

Congressman si Papa. Nang mga oras na iyon, namula siya, hinila niya ako sa isang sulok at kinausap ng masinsinan, hindi ko pa noon naiintindihan pero sinabi niya, burahin ko raw sa isip ko ang simbahan. Isipin ko raw ang makapaglingkod sa bayan. Sumunod daw ako sa yapak niya. Mas matutuwa raw sa akin ang Diyos.

Iyon ang una at huling sandali ng mga pangarap ko. Agad rin itong nabura nang ako ay mag-aral. Noong kolehiyo, kumuha ako ng public ad sa UP.

Gaya ni Papa, pinagsikapan kong makapaglingkod sa bayan. Masasabi kong mabuti akong politician. Lagi nga akong number 1 mula sa SK hanggang sa maging Konsehal. Alam nang lahat na ako ang susunod sa yapak ng Papa ko. Ako ang susunod na magiging Gobernador ng aming lalawigan.

Bukod sa pulitika, si Tess ang naging mundo ko. Dito ko na siya nakilala sa UP. Mahinhin, matalino at maalaga. Sa kanya ko nakikita ang buhay ko. Pakiramdam ko, magkarugtong ang aming buhay, naunawaan ang salitang tadhana. Suportado niya ako palagi, hindi lang siya, maging ang buong pamilya niya. Naramdaman ko sa piling niya ang pagkakaroon ng ikalawang pamilya.

Magkasama kami palagi; sinisiguro namin sa isa’t-isa na sa lahat ng masasayang sandali ng aming buhay ay magkapiling kami; gaya ng kasal ng kuya niya, noong millennium countdown at maging sa mga makasaysayang pagdaan ng mga cometa – lagi kaming nasa observatory – nakahiga sa damuhan, nakatingala, magkahawak kamay na bubulong at hihiling sa langit. Sa gayon, para naming pinagtitibay ang aming tadhana. Iginuguhit namin sa mga constellation ang aming pag-ibig.

Ginising niya ko isang umaga, magsimba daw kami. Buuin daw namin ang simbang gabi.

Kahit pupungay-pungay ang mata ay sinamahan ko siya. Masaya pala.Para kaming nasa langit! Ang mga choir, parang mga anghel na nag-aawitan. Ang lahat ay may kanya-kanyang petisyon habang sinasalubong ang Pasko.

Wala naman talaga akong wish. Ang sa akin lang ay maranasang matapos ang buong simbang gabi kapiling ang aking mahal.

Pasko noon, palitan ng regalo, tila bumalik sa pagkabata ang lahat. Hindi namin malilimutan ang sandaling iyon ng sumama si Mama at Papa papunta kila Tess. Para na raw kaming isang pamilya.

Nang gabing iyon, nasa balkonahe kami ni Tess. Mahigpit na magkayap habang binabalot ng simoy ng pasko.

Umuwi ako sa probinsiya. Doon ko kinakailangang salubungin ang bagong taon kasama ng mga kababayan ko. Naging taunang pagdiriwang na sa bayan naman ang street party. Wala si Tess, nasa bahay nila sa Quezon City. Umakyat ako sa kwarto ko nang gabing iyon. Habang nagpuputukan sa labas, tumanaw ako sa bintana at tinangay ang aking diwa ng makukulay na mga fireworks. Bumalik ako sa pagkabata. Masaya – dapat masaya ang pakiramdam, pero may kung anong kumurot sa puso ko.

Hindi muna ako umuwi sa amin. May hinanap ako. Hinanap ko ang pinagmulan ng kalungkutang iyon. Sakay ng aking motor ay tinungo ko ang dati naming tahanan malayo sa Poblacion. Napansin kong nakapinid ang lumang-lumang pinto ng aming simbahan. May kung anong humahatak sa akin, bahagyang nakapinid ang simbahan, dahan-dahan ko itong itinulak at lumagitgit ang pinto nito na nagmistulang musika sa aking tenga. Sa pagbubukas ng pintong iyo’y tila may binuksan sa aking pagkatao. Kumawala sa aking alaala ang mga panahong nasa simbahan ako – kakwentuhan si Fr. Carreon.

Binalik-balikan ko ang simbahang iyon. Naging lihim na playground ang simbahan. Masaya ako sa t’wing daraan dito. Hanggang sa dumako ako sa isang mabigat na pasya.

Nagbabalik-loob ako sa Diyos. Hindi ako nagkukubli subalit kailangan kong iwan ang lahat. Kailangan kong ituloy ang para sa aki’y isang tawag – isang bokasyon.

Nanginginig akong nakahiga sa harap ng altar habang bumabalik sa aking isip kung paano akong tumakas sa bahay nang hindi nalalaman ng aking mga magulang kung saan ako naroroon, kung paano kong kinalimutan ang pulitika at kung paano kong inilihim kay Tess ang pagpasok sa seminaryo. Masakit, gaya ng pagpako kay Kristo, habang nakatirapa ay ramdam ko ang sakit na iniwan ko kay Tess, nang iwan ko siya ng walang paliwanag, ramdam ko ang pagbaon ng pako sa aking pulso ng muling manariwa sa isip ko kung paano ko nagawang itext si Tess na wala na akong nararamdaman at hindi ko na siya mahal. Mapagmahal si Tess, alam kong mapagparaya ang kanyang pag-ibig, umaasa akong mauunawaan niya ang aking pasya.

Advertisements

3 comments on “Tinig

  1. sad naman.. Naalala ko lang nung nangarap din ako dati na magmadre.. wahh hindi na natupad and hindi na yata matutupad yon.. Well, may ibang plan sakin si god, yun nga kanya-kanyang tawag lang yan.ganda ng entry mo Idol!

  2. una bulong tapos tinig… magaling magaling ka.. sana sigaw naman or alingawngaw… hay kuya sana man lang nagka gf na lang siya.. di ko gets bakit ayaw nya sabihin kay tess na mas pinili nya ang pagpapari? sa bagay nasa huli ang pag sisisi… hay father…

  3. I am feeling d same way now…
    Bata pa lang ako nuon, lagi ko ginagawang belo yung twalya namin sa ulo ko…hindi rin payag mga magulang ko, lagi ko na lang nuon iniisip, pagkatapos ko pagsilbihan ang mga magulang ko, Dyos naman ang pagsisilbihan ko…hnde naman ako madasaling tao, wala nga akong saulong dasal.. pero lagi ko hinahanap hanap yung pangarap ko na magmadre.. pakiramdam ko,ikatatahimik ng kalooban ko kapag natupad ko yon…

    blue : hi luna. nice name and nice email address.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s