Walang Hanggang Pag-ibig

(ikatlong bahagi)

Forgive me father for i have sinned.

What are your sins,

I only have one, that is when i fell in love with a man

what made you say that it is a sin, falling in love is not a sin…

He’s now a priest and I still love him.

Nagising ako, sayang at nagising ako. Alam ko si Tess yun. Naaalala niya pa rin siguro ako.

Siguro naman nakapag-asawa na siya. Im sure nakatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya.

Makapananghalian ay isang sulat ang dumating. Sulat kamay ito ni Tess.

Sumpa ng Pag-ibig
Namumukhaan mo ba ako?hawakan mo itong pisngi,
sukatin mo yaring labi.ako ito.

‘Wag mong lagpasan ng tingin,

alalahanin mo ang sandaling kita’y kapiling.

Pakiramdaman itong init ng yakap,

san ka nanggaling?

Hinanap kita, maniwala ka

sariwa pa ang sugat sa ‘king alaala

kung paanong nagising ka isang umaga’t

kinalimutan ang magagandang sandali,

nilimot ang mga pangako ng walang hanggan.

Hindi ba’t sinabi mong tayo’y nakatadhana,

hiningi natin sa Maykapal na basbasan itong pag-ibig.

Nakatitig ka sa aking mata,

sinabi mong natatanaw mo ang walang hanggan.

Hindi tamang iwan mo ako sa kawalan.

Naririnig mo ba?

Sumumpa tayo sa isa’t-isa,

naririto ako, nag-aabang, nagbabalik, naghihintay,

pansinin mo, alalahanin mo ang titig ko, ang pangako mo

ipikit mo ang iyong mata, pakinggan ang mga katagang binitawan mo,

mga katagang bumuhay sa akin.

Mahal kita. Ikaw ang buhay ko.

Gayunman, kung sakaling makaalala at di na manariwa ang dating samahan,

tapatin ako’t palayain.

Muling ibulong sa hangin at kalasin

sabihing ako’y di na iyo’t wala ng pagtingin.

Nang sa gayo’y mahanap ko ang daan patungo sa akin

at matantong ang walang hangga’y nagwawakas

sa oras na putulin mo ang landas.

Laking pagtataka at pagkabahala. Sinundan niya ang address na pinanggalingan ng sulat.

Paanong ang sulat na ito ay nagmula sa isang simbahan. Walang ni anong bahay maliban sa simbahan. Address ito ng isang lumang simbahan.

Imposible. Nagmadre kaya siya?

Nanalangin siya, taimtim at nagtirik ng kandila. Lumapit siya sa altar at doon tumitig ng matagal. Pilit niyang inuunawa ang sa isip niya’y tila kababalaghan. Patungo na sana sa opisina ng simbahan nang sa tabi ng simbahan ay matanaw niya ang isang lapida …

Maritess A. Gomez

Pagkakataon ba o sadyang katotohanan? Hindi ito magandang biro.

Pinagmasdan niyang maigi ang lapida at doo’y nakatitik ang kaarawan ng kanyang dating nobya.

Wala na si Tess. Patay na si Tess.

Subalit kanino nagmula ang sulat? Ano ang kinamatay niya?

Litong-lito siya ng mga oras na iyon at lalong ikinamutla niya ng mapansin ang petsa ng kamatayan – dalawang Linggo buhat nang sila’y maghiwalay.

Oh God! hindi pwede …

Humahagulgol siya habang pilit pinapagpag ang lapida. Tila may mensahe pa siyang nais mabasa. Subalit sadyang mga titik lamang ng pangalan at petsa ang nakaukit. Isang misteryo ang naiwan sa kanya na nais niyang agad malaman gaya ng misteryo na kanyang iniwan kay Tess mahabang taon na ang nakalilipas.

Advertisements

6 comments on “Walang Hanggang Pag-ibig

  1. so this is the tula na pinagkalat mo last last week… hay… so bad.. pero di talaga ko makapaniwala na di naisip ni leo yun.. di cya pwedeng maging pari… bakit di nya sinabi kay tess.. its his fault karmahin sya… ano ba naman yung sabihin na lang nya na magpapari siya diba? hello!!!! hirap sa ibang mga lalaki they always assume na ok lang mambitin… kasi maiintindihan naman nya… hay naku…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s