halik

Simpleng aral ang tinuro sa akin, ang halik sa kamay, tanda raw ng paggalang. Kapag sa noo, pagkalinga naman. Kung sa pisngi, magkapalagayang-loob na kayo, sa madaling salita, itinuturing mo na siyang hindi iba. Pero ang halik sa labi, hindi daw maaaring kung kani-kanino lang. Dapat ay para sa mahal mo lang.

Habang nagbibinata, iniisip ko na makapangyarihan ang halik. Sagrado ito. Nakikilala nito ang wagas na pag-ibig. Gaya ng kwento, ang palaka ay nagiging prinsipe kung wagas ang pag-iibigan. Ito kahulugan ng halik sa labi.

Totoo nga, makapangyarihan ang halik.

Ang totoo, hindi ko nasunod ang mga magulang ko. Nakailang relasyon na rin naman ako, sigurong hindi ka maniniwala kung sasabihin kong hindi pa ko nakakahalik sa labi. Actually, lahat sila, may mga sovenir na halik mula sa akin.

Nakilala ko ang halik sa una kong kasintahan. Nakakatakot, nakakakaba. Yun bang nagkakahiyaan pa kayo. Gusto ko siyang halikan, nakatitig ako sa mata niya, pagkatapos ay sumusulyap sa labi niya, pagkatapos ay titingin ulit sa mata niya na para bang nagpapaalam. Magkaklase kami. Nakatambay kami noon sa bahay nila para sa isang project – at siyanga! Nabuo ang aming project – ang una kong halik.

Naging kami matapos ang halik na iyon. Matamis nga ang unang halik. Nagkahiyaan kami, para bang binuhusan siya ng malamig na tubig pagkatapos noon. Pero nung niyakap ko na siya, nawala ang lamig at nakaramdam siya ng kaginhawan. Para bang sinasabi nitong tama ang ginawa namin.

Nasundan pa ang halik na iyon. Hanggang sa ng magkahiwalay kami, halik rin ang tumapos nito. Isang halik ng pamamaalam. Halik na nagsasabing okay lang kami, na sport lang. Walang bitterness. Pero sa mga salita lang yun. Pagkatapos nun, humagulgol ako sa iyak.

Ta*ginang halik yan. Nakakapraning.

Pagkatapos noon, hindi na big deal ang halik sa akin. Lahat na ata ng klase ng halik nagawa ko. Totoo, may lasa ang bawat halik. Nakikilala mo ang isang tao kung paano siya humalik. Nalalaman mo kung ano ang iniisip niya, kung ano ang nararamdaman niya. Hindi man aminin pero sasabihin nito kung ano ang nasa puso niya.

May halik na malambing. Masaya yun, yun bang ipinaparamdam niya kung gaano ka niya kamahal. Yun bang pinupugpog ka ng halik.

May halik na mabilis, madalas pag paalis na siya o nagmamadali. Okay rin lang, atleast ipinapaalala niya sayo na kahit may hinahabol siya, bitbit niya ang puso mo.

May halik na nananabik. Yun bang sa simula, madiin agad. Malikot ang mga labi at magalaw ang mga dila. May kung anong hinahanap, saka pag bumigay na siya, magkakapalagayang-loob. Parang magbubuhol at magkakakilanlanan. Mauuwi kayo sa kama, tiyak yan!

May halik na basta mailapat lang. Halik na kailangan niyong gawin sa harap ng ibang tao, sa harap ng kaibigan niyo, halik kahit may di kayo pinagkasunduan – kahit nagkakainisan pa kayo.

May halik rin na libog lang. Alam mong may pupuntahan.

Minsan nahuli ako ng ex ko dahil sa halik. May iba. Basta ramdam niya agad na yung halik na yun ay kasinungalingan. Kinabahan ako pagkadampi. Alam kong may bistado niya ko – at siya ngang tunay! Kalaboso ako sa daan habang dinudurog niya ko sa kahihiyan sa harap ng maraming tao.

Ilang halik rin ang hindi ko malilimutan. Yung halik noong muli kaming nagkabalikan. Mas matimyas at mas malalim. Halik na may papapatawad.

Siyempre, masarap ang halik matapos naming gawin iyon. Yung ano- alam mo na. Pagpapaalala na mahal namin ang isat-isa. Na ginagawa namin iyon dahil may nararadaman kami. Pinag-iisa namin ang aming mga sarili.

Isang halik rin ang nagpabago sa amin, ito yung halik kung saan kami sumumpa na magsasama bilang mag-asawa. Ito yung halik na hindi lang ekspresyon ng pagmamahal bagkus pagsumpa sa lahat ng naroroon na hindi na kami hahalik sa iba! Harinawa.

Advertisements

5 comments on “halik

  1. Bakit ako na-depress? Siguro dahil hindi maganda ang estado na puso ko ngayon. Or siguro dahil hindi ko maalala ang una kong halik….mwahahahaha!!!! Ganun ka-forgettable.

    Or siguro dahil nangangarap pa rin ako na darating ang araw na may magmamahal sakin ng higit sa pagmamahal ko sa kanya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s