Sabi ng tarot card, kailangan kong magpacheck up.
Bakit po?
Basta, magpacheck-up ka.
Huh? Mamamatay na po ba ako?
Hindi ako Diyos para pangunahan kung ano ang kagustuhan niya?
Grrrr… sa linyang yun, para ngang mamatay na ako at may malubha akong karamdaman. Hindi ba’t pinangunahan na nga niya ang Diyos sa pagsasabi na magpacheck up ako. Amf! (pahiram ng expression Princy)
Every after alcohol (yung iniinom), may humahapdi na parang gumuguhit sa left side ko. Minsan naman, mabigat pati sa pagwiwi.
OMG! Kailangan kong magpacheck.
Takbo sa Asian. (salamat sa medcard)
First Day
Taxi… Taxi…. Taxi…
San kayo?
Asian
Naku po traffic dun, Malayo, walang pasahero pabalik (20X times)
Taxi
(acting. sakay agad) sir dalin nyo po ako sa Ospital, sa Asian, masakit na po talaga
Sir Traffic po dun, mahirap kumuha ng sakay pabalik
Masakit na po talaga ang tiyan ko, baka pwedeng ihatid nyo na ako.
Naku po bumaba na kyo, lalo pong sasakit yan, matatagalan pa kayo. hindi ko kayo maihahatid. Traffic dun
Taxi
Kakaiinom siguro yan, nung kabataan ko ganyan din ako, buti na lang umiinom ako ng sabaw ng buko, ayun nawala agad. (UTI?)
Andyan ba si Doc?
Sir, 10:00AM pa lang, 2 PM pa po sked niya. balik na lang po kayo.
ATC – 11:00 AM pa magbubukas
SM Las Pinas – Lunch, net… net… you tube… friendster….
12:50 – watch movie, My Big Love
after 1 hour, kailangan ko ng bumalik, so di ko natapos. hanggang sa naghiwalay na si toni at Sam dahil pupunta sa Japan si Toni at sa Ilocos naman si Sam
Taxi pabalik
Text
Sir, take your time, 3:30 PM pa babalik si Doc.
Nakamp*cha, sayang ang My Big Love!
Ano bang nararamdaman mo
Sumasakit po ang tiyan ko blah blah blah
Twing kelan sumasakit?
Madalas po kapag nakakainom, minsan pag busog. Lumalaki nga po ang tyan ko.
Pinatayo, pinahiga, kinapa ang tiyan.
Masakit ba? (kapa sa tiyan sa likod sa tagiliran)
Hindi po
Mukha namang wala kang sakit.
Bakit po lumalaki ang tyan ko?
Malaki ba? Hindi naman. Beerbelly lang yan.
Ganun po?
Para makasiguro tayo, sige, pacheck ka ng stool at urine.
Laboratory
Sir may dala na po ba kayo?
Wala pa.
Eto yung container, balik po kayo, lagyan nyo muna, hanggang dito po dapat ang content.
Babalik pa ko?
Opo, wala po kasi kayong dala.
Pwede bang ngayon na lang?
Ganun? Kaya nyo po ba?
Saan ba CR nyo?
Dyan po.
Okay sige para di sayang oras.
10 minutes
Eto na po
Dyan nyo na lang po ilagay. ipatong nyo na lang.
Suplado ah. ayaw pang hawakan e nashoot ko naman ng tama.
Second Day
Doc, kamusta po result
Negative. Walang problema sa urine at stool.
Huh? as in wala?
sa liver kaya? o kidney?
Liver, sa right yan, sabi mo naman sa left sumasakit, okay naman ihi mo kaya di yan kidney, kung dyan sumasakit sa area na yan, colon area yan.
dub-dub, dub-dub, dub-dub
May problema po ako sa colon?
Tingnan natin. Isa pang test. Medyo mahirap at masakit ang proseso nito pero gawin na rin natin.
Barium Enema
Ano po ito?
Check natin ang bituka mo. X ray yan. Kilala rin sa tawag na labatiba!
HUwaaaat!?
Radiology
Balik po kayo sa Friday, 2 days ang preparation. All Liquid diet. Para malinis ang bituka. Kung ano lang ang nasa reseta, yan lang ang ilalagay nyo sa tubig.
Third Day
Cashier
(namumutla sa gutom. umiikot ang mata)
Sir kanina pa kayo dapat
Syensya na traffic
Punta po kayo sa cashier
Sir expired na po, dapat 3 days lang to
E ang sabi pwede na daw kasi naparegister ko agad yan
Pero sana po dinala nyo agad sa min. Kung gusto nyo iparedate nyo na lang po. Balik kayo sa taas para maredate yan.
Maaga pa po. Hindi pa kami nag eentertain. mamaya pa kaming alas dos.
Bka pwedeng pakiusapan kasi naka isked ako ngayong 8 am, may kasunod ba na aasikasuhin yung tech.
Pasyensya na talaga, gusto nyo hintayin nyo yung isang coordinator, sa baba po yun.
E kayo po ba saan company kayo?
Maaga lang po ako pumasok pero mamaya pa talaga ako so hindi ko kayo maaasikaso (sabay harap sa pc)
Report sa Card Customer Service
Paano po to ayaw akong asikasuhin nung staff nyo dito, maaga lang daw syang pumasok, e hindi naman pwedeng paghintayin to dahil 2 days ang preparation nito. kailangan magawa na ngayon ang examination… yung babaeng maitim,… hindi ko alam pangalan niya, basta yung hindi maganda…. wala siyang customer service, gusto nyo siya kausapin niyo, hindi ako babalik sa kanya para makipag-usap…… e wala rin yung isang staff dito, late daw…. Anong oras pa siya darating? Ay hindi pwede, hindi ko na mahihintay yun, gawan niyo ng paraan (magbiro ka na sa lasing wag lang sa gutom na hindi pa nakakakain)
Cashier
Okay na po sir, tumawag na sila pwede na nating iprocess
RadTech
i x-ray po muna namin kayo. paghindi maganda ang preparation nyo, uulit kayo
Hindi ako ulit kakain?
Ganun nga po.
Okay po ang preparation so tuloy po tayo. medyo uncomfortable lang po, may ipapasok lang po kami sa inyo. hinga lang po sa bibig, medyo masakit po. kailangan lang nating maipasok ito sa bituka at saka natin i x-ray
Doc
explain. explain. explain
Pagpasok Waaaaaahhhh !!!OMG! (8 times na ikot ng mata, may kasamang mga bitwing umiikot sa ulo) Patay na ba ako?
Itaas po ang kamay, ilagay sa ulo, itagilid ang paa
parang pictorial lang sabay tatak ng BFAD sa katawan.
Mas masakit po ito. Lalagyan natin ng hangin. Parang kabag po ang pakiramdam
Waaaaaahhh ubo ubo ubo
Okay na po. Tihaya po ulit. Tagalid. Talikod. Angat ang braso. Ilagay sa ulo.
Okay na po. Medyo na po kayong mag CR
4th Day
Ano pong ibig sabihin ng redundant sigmoid and transverse colon
dub-dub, dub-dub, dub-dub, dub-dub pabilis ng pabilis
ah, may kahabaan ng konti ang colon pero normal lang yan for some. Negative ang result so wala talaga kayong sakit. Pwede nating sabihin na irritable bowel syndrome lang yan. Baka may nakakain kayo na hindi kayo hiyang so iregulate nyo. Alamin nyo kung saan o ano ang kinakaain nyo bago nyo maramdaman yan
Tapos po, pag alam ko na ang cause?
E di iregulate nyo na ang pagkain nun. Ganun lang naman yun.
Ganun?
Meron ka pa bang sasabihin o nararamdaman
E doc, panay ang sakit ng batok ko. High Blood ata ako.
Kelan ka ba huling nakaramdam niyan
kumain po ako ng 12 quail eggs in less than 10 minutes tapos sumakit na ang ulo ko.
Kumain ka lang nun sumakit na? Nag pa BP ka ba
Hindi po, pero sumakit talaga, nahihilo ako at hindi nga ako nakapasok the next day (actually pumasok ako – drama lang)
check ang BP
E maganda naman ah, 110 over 70. Alam mo, stress lang yan. Head ache lang. Napapagod ka kasi siguro sa pagharap sa computer, dapat kasi tama ang level ng monitor.
Ganun? So bakit po sumasakit ang batok ko ngayon
Masyado ka lang stress. Tensionado ka e. Relax lang. Pamassage kapaminsan minsan sa leeg. Tapos sa ulo.
So wala ako iinumin kahit anong gamot?
Headache lang yan. Kahit paracetamol okay na
Paracetamol?
Oo, o kaya Biogesic. Sa twing sasakit yan, take ka lang ng biogesic ha.
Ah ok. So wala naman pala akong sakit so okay na. Done na tayo.
Okay sige. Ingat
AMF!
– ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili!
uy, buhay ka pa 😀 yan ang kakainis sa pinas e, ang mga lintek na taxi namimili ng pupuntahan, edi mag jeep na lang sila para isang biyaheng ikot na lang sila, hmp.
uy ha, pero mas mabuti na rin yung sigurado.. Kaya lang grabe naman nagtiis ka pa ng gutom.. Okay lang yan.. 🙂
hindi pa ba tapos yung mga check ups mo? sige, isama na rin kita sa dasal ko.. pagaling ka agad!
Okay lang yaan. Mabuti na yung maagap kesa naman magsisi pag nalaman mo na may sakit ka pala di ba? Salamat sa health card hehe.
Pingback: Singapore : the magic is there « hibang
wahahahaha nice one pare naniniwala ka kasi sa sabi sabi yan tuloy nhirapan ka pa hahahaha!!
Blue : hehehe okay lang. ngayon nag gygym na ko para lumiit ang beerbelly. hehehe