Singapore : the magic is there

After ng mahabang kalbaryo ng pananakit ng tyan at pabalik balik sa Asian Hospital para sa check up, isang naiibang karanasan na naman ang gusto kong ibahagi.

Kababalik ko lang mula sa Singapore para sa limang araw na trabaho. Medyo kabado dahil nga first trip abroad at the same time, business trip so may expectations.

Ang totoo, kahit medyo distracted at first, sinubukan kong maging relaxed. In fact sa sobrang seize the moment attitude ko, late ako sa check-in time namin. Hmmm, 2 director lang naman ang kasama ko. tsk. tsk. tsk. Buti na lang, beating the redlight ako. hehehe

Ibang experience ang Singapore sa kabuuan ng trip ko. Weird pero sunod-sunod ang lucky experiences ko.

luck 1. from fiesta, na upgrade kami sa business class papunta dun. Sarap!

luck 2. kahit nakaroaming ang ga cellphone ko, may nag-offer ng sim card na ready and registered na!

luck 3.nang mag top up ako (magpaload), sabi ng pinay na tindera ay scratch ko daw ang card kasi may raffle, at tsa–nan– nanalo ako ng electric kettle. Pero since matagal daw i claim yun at aabutin ng ilang araw, binigay ko na lang sa tindera.

luck 4.Papunta sa esplanade, kailangan ko pa lang bumili ng card (ezlink) para sa kanilang mrt, at dahil nasa machine na ako, pipila na naman ako sa ibang booth na bilihan pero hindi nangyari yun dahil may isang mabait na Pilipina na hindi nagpakilala ang nagtanong kung may card ako, sabi ko wala, kaya inabot niya ang isa pa nyang card sabay alis, ni hindi nga ata nya narining ang thank you ko. Mabuhay ang mga Pilipino sa Singapore!

luck 5. Pauwi, kabado sa bigat ng bag ko – syanga, 22.5 kgs ang maleta ko, but since 2.5 kgs lang naman ang sobra, nakuha sa charm.

Isang modern city ang Singapore. Malinis at mapuno, eco-friendly sila. Hindi ka rin maninibago dahil kahit saan ka lumingon, maraming Pinoy. Madaling makakuha ng trabaho rito, according sa mga kaibigan ko na nagtatrabaho na roon. Maliit lang ang bansang ‘to kaya hindi pwedeng ikumpara sa Pilipinas. Mas malaki ang populasyon, iba ang karanasan at lalong iba ang circumstances natin kaya hindi comparable ang dalawang bansa na ito.

Pogi Points ng Singapore :
1. Malinis
2. May customer service
3. Nagsusukli up to the last centavo
4. On time kahit pa taxi service
5. Mura ang gadget, ang 60k worth na laptop, makukuha mo doon sa 40K lang
6. Mararamdaman mo ang dignidad ng trabaho sa kikitain mo (ayon sa ilang kaibigan)

not so pogi about Singapore.
wala naman masyado maliban sa ilan;
1. medyo may hindi magandang amoy (sa mrt – wala naman magagawa na dun dahil iba-ibang nationality)
2. wala akong mapanood na movie sa cable.
3. Gadget lang ang mura pero mahal ang cost of living lalo na ang bahay.
4. into modernization, parang walang touch ng culture, ng preservation o sadyang wala nga silang history hehehe. (am not good in history, kaya ganito comment ko)
5. weird manamit angmga tao – very anime! Hala, tiri na tirik ang araw naka coat, at pito kulay ng buhok! High School students yun ah.
6. Sobrang anghang ng pagkain!
7. Mahal ng tsinelas (hahaha)

Kodakan – memories

Masarap magpresent sa mga Pinoy dito, no ego trip, mga bata at mukhang may disposisyon sa buhay (mukha lang hehehe)

Wala kong cam na dala hehehe kaya wala ako maipakitang picture. Salamat na lang at sinamahan ako ni Mark para ikutin nung Linggo ang Singapore. Gamit ang kanyang nokia phone, sinubukan naming gawan ng documentary ang Singapore – abangan!

Nag enjoy ako sa sentosa – syempre napanganga at bumalik sa pagkabata habang pinapanood ang songs of the sea. Mala walt disney sa tubig!

Enjoy rin ang china town. Sarap mamili.

Enjoy ang makita ang mga dating classmate na unti-unti ay nakahahanap ng espasyo sa maliit na lungsod ng Singapore.

Pinaka enjoy yung marinig ang ilang kwento ng buhay, survival stories, at dynamics lalo na ng mga Pinoy.

Sa huli, ang pinaka orgasm ng byahe na ‘to ay yung maramdaman mo na you earned 1 curriculum because of the experiences. Salamat kay Ms. CDY!

Advertisements

3 comments on “Singapore : the magic is there

  1. huwaw! SINGAPORE! matagal ko na gusto pumunta dyan!
    Mura ba kamo ang mga gadgets!! waaaH! Gusto ko rin dyan!!!
    Naks naman malaanime pala hayskul dyan!
    Wala rin akong lam na histry ng singapore. Ewan ko kung ndi lang ako nakikinig o baka sadyang wala nga tlg silang history. NYak!

    Yaong pictures po gusto ko makita!!!

    Post nyo po dito!!! hehehe!!!!

  2. masarap talaga ang kilit ng unang trip abroad, at sa yo e maraming kang lucky points – at tama ka, karamihan talaga e pinoy ang magiging tutulong sa yo sa ibang bansa. mabuhay ang pinoy! teka muna, asan na ang mga pikturs? hope ur better now! about food, masarap ang singapura ha, baka naman wrong lang yung napili mo sa menu.

    blue: masarap naman kahit sobrang anghang. pictures? wala, sira yung camera na nadala ko, anyway may video naman kami dun, ipopost ko nalang dito pag natapos na ng barkada ko. Okay na ko kahit malaki ang tyan gawa ng beer. –

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s