Daydream

Nakatitig ako sa monitor, hindi, ang totoo nakatitig ako sa’yo. Sa’yong alaala, hindi ko alam pero nagmarka sya dito sa isip ko, hindi siya makawala – ang totoo, nakulong siya sa puso ko, naiwan siya noong mahigpit kitang niyakap. Hindi na nakawala, naiwan ka dito.

Paano ko malilimutan ang araw na yun? Hawak ko ang kamay mo, pinayagan mo kong haplusin ang malalambot mong palad at nakipaglaro naman ang iyong mga daliri. Naglaro ang mga daliring iyon patungo sa iyong braso, nakiliti ka, hindi tayo nagsasalita nasundan iyon ng pagyakap ko sa’yo. Mainit, matagal ayaw nating kumawala sa init na yon na pumapatay sa lamig ng silid. Hawak ko ang pisngi mo, tinatandaan ng mga mata ko ang bawat sulok ng iyong mukha, hinalikan kita sa noo, sa pisngi at lalong naglagablab ang gabi sa mainit nating halik. Nakilala kita sa iyong halik. Alam kong ikaw ‘yon,  sa mga halik na iyon pumayapa ang puso ko… sinasabi ng halik na yon na ikaw ang matagal ko ng hinahanap,na ito ang araw na nagkatagpo ang dalawang pusong pagod na sa paghahanap, ng mga pusong muntik ng mawalan ng pag-asa, muntik ng hindi maniwala sa tadhana.

At ang mga halik, lalong lumalim, pumulupot at dumiin hanggang sa namalayan nating isa na lang tayo. Ang halik, ang yakap, ang higpit ng mga braso ang nagpatuloy sa akin sa iyong pagkatao. Tinanggap mo ko ng anong higpit, inangkin natin ang isa’t-isa, may kung anong hinanap at natagpuan ang mga sariling naghahabol ng mga hininga. Ng iisang hiningang pinagdugtong, waring iisa ang hibla ng ating buhay.

Hinawi ko ang iyong buhok, muling pinagmasdan, dinampi ang iyong pisngi, sinukat, kinikilala pagkat alam kong mula ngayon, kikilalanin natin ang isa’t-isa. Mula ngayon magkakasama tayo.

Hindi ka makawala sa isip ko, salamat sa unang gabi at sa mga susunod pa – asahan mong gagawin nating ang bawat sandali ay tulad ng mga unang araw – ang ating honeymoon.

Advertisements

3 comments on “Daydream

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s