the week that was

Smart Connection

Bihira akong makipag away sa CSR dahil alam kong araw-araw ay nakakatanggap sila ng reklamo at ayoko ng dumagdag kaso hindi ako nakapagpigil ng malaman kong binabayaran ko pala ang internet connection na hindi ko naman nagagamit.

Mga 2 weeks ago ay sinubukan kong gamitin ang cellphone ko na naka 3G para makapag-internet. Sobrang bagal kasi ng PLDT DSL namin sa bahay; ang teorya 1. madalas ay sabay kaming magkapatid gumamit, 2. maraming gumagamit pag gabi 3. mahaba ang linya ko dahil nasa kwarto ako at 4. Php300++ lang naman kasi ang binabayaran namin so ano aasahan mo sa murang promo.

Nang ginamit ko ang smart phone ko as my modem, nakapag internet ako with 400+ kbps, not bad. Actually mabilis ang connection. Kaso after a day, bumagsak ito ng 112kbps at hindi na makaconnect. Kaya naman refresh, restart ako ng pc at on and off ako ng cell phone. Makailang ulit ito nangyari at paulit ulit ko itong ginagawa. Tsambahan na ngayon makaconnect.

Php10 per 30 minutes ang charging, mura ito kesa mag internet sa labas. Kaso nang sabihin sa akin na may charge kahit 112kbps kahit hindi ko magamit e nag panting na ang tenga ko. Nakailang ulit ako mag disconnect para subukan kung sa susunod na connection ay 400kbps na. In short kada subok ko ay Php10. Anak ng pating, mukhang libo aabutin ng bill ko. Sa init ng ulo ko ay pinaqualify ko kung ano ang kahulugan ng successful connection, sabi niya basta daw maconnect kahit 112kbps. At pinarealize ko sa kanya na hindi nga successful ang 112kbps kasi hindi ako makaconnect sa mga site. Inulit niyang itanong kung kelan ito nagsimula kaya tinaasan ko na siya ng boses at tinanong ko kung nakikinig ba siya sa complaint ko. Hinold nya ko for 2-3 minutes, aalamin daw niya ang sagot at pagbalik niya ay wala rin siyang bagong masabi maliban sa baka daw kasi congested dahil gabi, i try ko daw sa umaga mag internet at baka mahina ang signal ko. May gulay, pinagbawalan pa ako mag internet sa gabi!

Nawala ang init ng ulo ko kaya hindi ko na siya tinaasan ng boses. Diskarte rin siguro na i hold ka for 3 minutes at makinig sa music nila na pampakalma hehehe. Narealize ko na wala siyang kasalanan. Alam kong naging harsh ako sa CSR, pero syempre, sino ba ang una naming daingan kapag may ganitong problema – sila. Kaya I’m sure sanay na sila. In fairness naman sa kanya, hindi nagbago ang boses niya at nagpakaprofessional siya unlike dun sa PLDT CSR na kumakalat sa internet na nagmurahan at nag-iyakan. hehehehe.

Fitness First

Nabanggit ko na sa mga nakaraang blog na medyo nag gain ako ng weight sa work at lumaki ang tyan ko. Nakailang balik din ako sa Asian Hospital para ipacheck kung may problema at sabi nga ni Dok – beerbelly lang. Para magkaidea kayo kung gaano siya kalaki, minsan umuwi ako at ng makita ako ng pamangkin ko na 3 years old, hinalikan niya ang tummy ko at tinatanong nya ako ng “baby inside?”

What!?

Unti-unti ay naiilang din ako magdiscuss ng Professional Image Enhancement – integrated kasi sa Sales Funnel discussion sa mga attendees namin dahil sa laki ng tyan ko, parang ako muna ang nangangailangan ng enhancement.

So ang solution ay mag gym!

Nagsimulang akong mag Fitness First noong May 7 and so far nakaka 7 visits na ko. Target ko na lumiit ang tyan ko sa loob ng apat na buwan. Mahaba-habang panahon para magdiet at magwork out. 4 times a week and 1 hour per session with my personal trainer. Para akong bumalik sa masteral study na naghahabol ng klase from work, kaso ang subject PE. Iniisip ko nga minsan, bakit ko ba ‘to ginagawa. Kailangan kong magbayad para pagpawisan at pahirapan ang sarili. Unang Linggo, hindi ko maigalaw ang mga braso ko sa dami ng mga exercises na kailangan daw makasanayan ng katawan ko. Sa bagay, investment naman talaga ang health. Hindi ko maipakita ng laki ng tyan ko dahil nakakahiya, ipapakita ko na lang after 4 months ang result!


Social Gap

Sa twing papasok ako sa umaga at mapapadaan sa FTI Taguig, makikita ko ang haba ng pila sa NFA para bumili ng bigas. Huli kong nakita ang ganito kahabang pila noong 1989 – panahon ni Cory Aquino. Naghihirap nga ba ang Pilipinas? Kung naghihirap man o hindi gaya ng sinasabi ng ilan, na ito ay diskarte upang may maikubling usapin at maitago sa publiko, nakakalungkot isipin na ang unang nagiging biktima at kasangkapan ay ang mahihirap.

Sa opisina, May 15 – sunod-sunod ang text at tawag dahil nagkakagulo daw sa isa naming site. Open for selling na kasi ang isang midrise building na 2.7 million ang pinakamura. Nagkakagulo dahil nag-uunahan ang mga seller upang makapagpareserve dahil may mga client sila. Pagkatapos ng araw na iyon, ubos ang mga units facing amenities, in short more than half of the inventory ay naubos in just one day. Ito ang pinipilahan sa amin – ang property worth 2.7 million pesos and above while sa FTI pinipilahan ang bigas worth Php17 – 18 per kilo! Buti na lang diet ako at hindi ko kailangang pumila para sa bigas.

Advertisements

One comment on “the week that was

  1. on social gap – maraming pera ang pinoy, hindi lang nila alam kung saan nila gagastusin. dito sa alemanya, punta ka sa mga shopping malls at restos, mangilan ngilan ang mga tao tapos halos buwan buwan may nagsasarang tindahan. sa pinas kahit anong oras puno ang naglalakihang malls at bukas ng bukas ng bagong malls. may nabasa ako sa inquirer which i agree, hindi kulang ang bigas, kulang lang ang plano!

    sige ipagpatuloy mo ang iyong pag gym, ako din binubuno ko pa yung mga sisig at crispy pata na nginasab ko dyan sa pinas. pero mahal dito ang mag gym, hayyysss

    blue : on sisig and crispy pata. huhuhuhu, nagutom ako kaso diet. update sa inventory namin, magpaprice increase naman kami sa June but still pila pa rin ang nagpapareserve. saan kaya nila kinukuha ang ganung kalaking pera. tsk tsk tsk

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s