istranghero

Gigising ako sa umaga, kakain, tatakbo at makikipag-agawan sa taxi. T’wing umaga, parang patintero, iba’t-ibang mukha, lahat sila, lahat ng nakikita at nakakasalubong ko; ano man ang ayos, suot o itsura… pare-pareho sila – mga ordinaryong tao gaya ko na ginagawa ang aming trabaho, ang mga nakasanayan na namin, ang comfort. Lululan kami sa mga silid o cubicle at doon tatakbo ang buong magdamag. Sa silid na iyon binubuno ang buhay, kumikita at natututo. Hanggang sa hindi na namamalayan ang pagtakbo ng oras at ang pagkakataon ay nauna na sa ikot ng orasang nakakabit sa corkboard – nagdidikta, nakabantay sa maghapon – ang panahon, sumuko na sa routine ng buhay ko.

Summer outing, isa na namang routine ng kumpanya – pagkakataon para sa magkakatrabaho na magkausap, magkasiyahan at magkakilanlanan. Inisan at pikunan. Ito ang panahon na para sa ilan ay plastikan time.

At eto ka, isang istranghero…

sa alok na beer, kinilala natin ang isa’t-isa.

pumatak ang beer sa pulbos na dagat at nanuot patungo sa natutulog na tubig hanggang sa nalasing ang dagat.

Dumampi ang tubig na yaon sa ating mga paa, nag-utos na tayo’y sumayaw sa musika ng agos at hampas nito, sumisipol ang hanging nagpakilig sa atin, at ang mga bitwing may malumbay na liwanag, ngayo’y waring mga kwitis na nag-ilaw sa kalawakan ng langit, at tayo’y binububungan ng pag-ibig.

Yaon ang pinakamahabang gabi – malalim, nahimbing ang pagal nating katawan na sinanay sa lungsod ng trabaho.

Sa iisang kumot natin natagpuan ang mga katawang nakahanap ng kalinga,

napanatag ang puso – waring nakahanap ng kakilala

sa istranghero.

at aalis ang bus

babalik sa dati

sa nakasanayan

ngunit hindi ang buhay

na nakaranas ng pag-ibig.

Papasok upang makita ka

ang segundo’y sasabay sa tibok ng dibdib

ang silid ay may kung anong ihip

may bango, may lamyos ang ngiti,

saka matututunang

ang istrangherong dati’y di pinapansin,

na naglalakbay sa opisina

ay may tahanan nang inuuwian.

Advertisements

8 comments on “istranghero

  1. masarap at dapat talagang magkaron ng mga ganyang company outings kasi dun mo makikita at makikilala ang mga kasama mo sa trabaho.

    blue :yup, kaso patapos na summer wala pa kaming outing. huhuhu

  2. korek! agree ako kay mommy kengks… maganda ang company outing dahil dun mo makikita ang hindi dapat makita.. ako nga dun ko nakita ang lalaking balak kong pakasalan.. sa awa ng dyos till now umaasa pa rin ako…

    sa wala! 😆

    blue : hahahaha, why not. malay mo magcrossborder siya. keep on trying. hehehe

  3. pwede pero haayyy naku! ayokong iasa ang lahat sa kagandahan ko! i have to make way for something extraordinary! kelangan ko na ang gayuma for him 😆

    blue: hahaha, sige pag may natalisod akong ermitanyo, ihihingi kita ng gayuma.

  4. huy, salamat sa pakikinig at lalo na sa pagparticipate ha. next time ulit 😀

    blue : yeah, enjoy nga. nagkakaboses and blog. amazing.

  5. sayang hindi gumana ang windows media ko! hindi tuloy ako nakapag participate!

    blue: im sure may recorded copy yan, pakinggan mo na lang ulit sa website nila or kahit kay kengkay. winamp yung ginamit ko dahil nga nagloloko pag sa windows media.

  6. nice..
    pero sana mapagbigayn mo ako, yung hinahanap ko ung katulad din nung sa coffee talk mo. dramatic ending, may namatay na bida sa kwento na ang setting sa beach. sorry ha kung demanding dating ko nagustuhan ko lang ung konsepto ng ibang kwento mo. if you still remember, i was the one requested for tragedy genre. mas ramdam ko kasi ang ganong tema ng kwento. salamat BLUE

    blue: okay sige pag nainsipire ako subukan ko hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s