Ano ang kahulugan ng Pag-ulan?

Maglalabing isang taon ako noon nang mabalitaan kong namatay ang nanay ng kaibigan ko – sakit sa puso daw. Kaya pala ilang araw na siyang nawala. Pinuntahan namin siya – malayu-layo sa kanilang tinitirhan, naroon nakatanghod sa sulok. Iba ang kanyang mukha, hindi gaya ng dati na masayahin. Alam kong nagluluksa siya, masayahin at malikot siyang kaibigan. Panay lundag, takbo at kwento, pero hindi sa mga sandaling ito. Naroon ang tito niya, nagkukwento, binibida ang kababalaghan kung pa’no siya nakarating sa sulok na iyon. Kung paanong natunton niya ang pinaghihimlayan ng kanyang kapatid, sinundan niya lang daw ang amoy ng sampagita. Pinagmamasdan ko ang kaibigan ko, waring isang matandang nag-iisip.

Makalipas ang ilang araw, bumubuhos ang malakas na ulan. Pauwi ako galing sa klase. Alas dos ng hapon ng matanaw ko ang kaibigan ko, nakasilong sa may tindahan. Kinamusta ko siya. Maikling sagot lang ang nawika niya, lumipat na raw sila ng bahay. Doon  na sila nakatira sa pinagburulan ng kanyang ina. Kaya pala hindi ko siya madalas makita. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan, at nakita ko ang takot sa kanyang mata sa layo ng kanyang susuungin. Wala siyang payong at pihadong mababasa ang bag niya.

Kumaripas ako ng takbo pauwi. Napagalitan ako dahil nagpabasa daw ako sa ulan. Tuloy-tuloy ang sita ng aking nanay samantalang abala ako sa paghahanap ng payong upang ipahiram sa kaibigan ko. Sa wakas ay nakita ko ang isa pang payong, maliit na kulay pula. Pwede na ito, nawika ko sa sarili, agad akong tinanong kung saan ko dadalhin ang payong at sinabi kong ipapahiram ko sa kaibigan ko. Alam ko ba daw kung saan iyon nakatira, baka daw hindi na maisauli, hindi daw pinupulot ang payong at sa dami ng tango ko na waring nakikinig ay nakalabas din ako.

Malakas ang buhos ng ulan. Humahangos ako ng matapat sa tindahan subalit wala siya. Sinubukan kong abutin ng tanaw ang paligid marahil lumipat lang ng masisilungan sapagkat malakas na ang anggi ngunit hindi ko siya makita. Tumakbo ako patungong kanto, pagbabakasaling mahabol ang kaibigan ko, nabigo ako.

bumubuhos ang ulan, palakas ng palakas.

Iyon ang huli kong kita sa kanya.

Advertisements

3 comments on “Ano ang kahulugan ng Pag-ulan?

  1. Pasensya na… hindi ko alam kung masentimyento lang ako ngayon o sadyang malungkot ang kwento mo. Although, gustong-gusto ko basahin mga kwento mo.

    blue :hehehe aktwali hindi ko alam ang mood, depende siguro. sabi kasi ng officemate ko, yung masaya sa’kin madalas nakakaiyak sa kanya. depende daw ang impact nito sa karanasan ng nagbabasa, may katotohanan rin naman yun.

  2. gusto ko yung kwento.. ULAN. nagpapaalala sakin to ng “sign” na laging kong hinihiling sa Kanya kapag di ko mawari sa sarili kung mahal ko na nga ba ang taong kasama ko o hindi.

    kaya lang parang nabitin ako, gusto ko pa sana malaman kung san napunta o ano nang nangyari sa kaibigan nya matapos.

    blue : wala na ako ng balita sa kanya. sad di ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s