chowking

Hindi ko dati pinapansin ang chowking

isang pangkaraniwang kainan na hindi para sa’kin

hanggang sa tumatak sa isip ko ang patalastas

at hindi na mawala oras-oras

Nanay, nanay dont you cry

sa allowance ko pwede pang mabuhay…

tinikman ko, kinagat at nilasap

hinanap ang taglay na sarap.

Ang chowking,

may kung anung lambing.

Anu kayang pinakain

anong sangkap ang pinatikim?

Kung kailan hinanap-hanap

saka tinangay ng pangarap

ng pangako ng Japan

sa kanya tumahan

lasa’y naiba

nang mawala ka

kumakaing mag-isa

lahat ay naiwan sa alaala

Tila halohalong nanlamig

singkulay ng pag-ibig

sa simula’y may pula, dilaw at puti

pagkahalo’y ube ang namayani

kulay man ay may kalungkutan

lasa’y nagpapaalala ng pagmamahalan

sintamis at sinlamig

gaya ng iyong pag-ibig.

Sa chowking,

naaalala ka.

Advertisements

5 comments on “chowking

  1. Hay naku… sometimes ganun talaga kailangan mo maglet go para sa ikabubuti ng mahal mo… tsk tsk tsk..
    sabi nga nila un ang totoong love… masakit, malungkot, pero kailangan… ok lang na makaalala ka minsan, pero sa kahit anong sakit sana matutunan natin magpalaya ang tanggapin…

    blue : ows,maniwala ako hehehe nakalet go ka na nga ba o pre occupied ka lang sa makikipagdate ngayon kaya di mo pinapansin ang pagpapakasal ng ex mo. lol.

  2. Meron akong palaging kasama sa KFC naman. Lagi kaming nagaagawan sa Fries, tapos nung third year na kami… ginawang block sections na yung mga students… hindi na kami makapili ng prof or room or sked… alphabetically arranged na yung mga students. one and a half years nung magsama kami ulit na kumain ng lunch.. sa KFC. Sabi nya… “Tumabang ba ang lasa fries kaya di nako nasasarapan… o dahil hindi na tayo nagaagawan?”

    haaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy

    blue : haaay talaga, emote, sa bagay totoo nga na minsan napapasarap ang pagkain depende sa kasama.

  3. kahit sa carenderia lang kami noon (chozz), masarap pa rin ang samahan…

    tama ka. wala sa food yan.. nasa puso ng kasama 🙂

    blue : yup, nasa puso ng kasama, hanggang sa matuklasan nyong kayo na nag nagkakainan. lol.

  4. basta ang mga little kengkays solid liquid gas sa jollibee 😀

    blue : iba talaga ang hatak ng jollibee. sya lang nag nag-iisang mascot na hindi kinakatakutan! Cute kasi. FYI ( tsismis to) – yung mga bagong pics daw ni jollibee ay pattern na sa mukha ni aga, from dimples, pisngi to round shape ng mata – may similarity nga. Hindi nagkakalayo – pareho silang bilugan hehehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s