what is love?

Merong isang bahagi ng sarili na hindi mo kayang kontrolin. Hindi ito tungkol sa mga involuntary muscles natin. Tungkol ito sa sitwasyon ng buhay mo na hindi mo maipaliwanag kung bakit nagaganap.

Tinuruan tayo sa paaralan na ang tao may talino at kakayahang pumili, pinalaki tayo na para bang kasalanan ang magkamali. Para bang wala tayong lisensya na maging tanga dahil daw may utak tayo.

Pero kahit sabihin na rational being tayo at merong faculty dito sa atin na kayang magpaliwanag mula sa maliit na bagay gaya ng mga micro organism hanggang sa pagtuklas ng iba pang buhay sa ibang planeta, may isang bagay na walang sagot at siyentipikong paliwanag – ito yung hinihinging paliwanag kung ano yung nararamdaman mo sa t’wing nakikita mo siya, yun bang kabog ng dibdib at distraction, yung isang bagay na sumisira sa diskarte mo, sa composition o yung isang bagay na nasa loob mo na parang may sariling buhay – uncontrollable.

Amazing mainlove di ba? Para kang may ibang katauhan – hindi mo alam kung saan galing, basta nararamdaman mo na lang. At sasabihin ng isip mo na ito ang dapat gawin pero madalas mas sinusunod mo siya. Pag nagkataon, inaasa mo na sa puso mo ang mga mangyayari, at sa halip na takot ay mas naeexcite ka pa.

Siguro nga, sa mundo na puro matatalino ang nakakasalamuha mo, sa kaabalahan nating maghanap ng sagot sa lahat ng bagay, napapagod tayo at nagiging interesado o di kaya’y nasasabik sa mga pagkakataon na gaya nito – ang mapunta sa isang sitwasyon na walang kasagutan. Hinahayaan natin ang puso natin ang gumawa ng sarili niyang diskarte – aminin mo na kahit ayaw mo, unti-unti hinahayaan mo siya, sinisilip mo kung ano ang implikasyon pero pinapakawalan mo parin ng dahan-dahan. Para kang batang lumulusong sa dagat; unti-unti. Tinatanya mo ang temperatura, ang lalim kahit binabawalan ka ng magulang mo. Kasi curious ka kung saan ka dadalhin ng nararamdaman mo.

Tulad ngayon, napapatango ka o di kaya ay napapangiti, hindi dahil natutuklasan mo na ang binabasa mo ay isang sagot sa misteryong yan kundi dahil may nararamdaman ka, parang tibok ng puso, parang isang bahagi na naman ng pagkatao mo na hindi mo makontrol, parang may ibang tao sa loob mo na nakauunawa sa sinasabi ko.

Totoo, masarap sa simula at may pag-ibig na talagang masarap hanggang wakas. Pero may pag-ibig na masakit sa simula pa lang, maraming hadlang pero gusto mong ituloy – dahil may nadidiskubre ka, hindi lang sa nararamdaman mo kundi sa pagkatao mo.

Hindi dahil masakit ang pag-ibig na yan ay mali na ang kahulugan. Hindi lahat ng masakit ay mali at hindi lahat ng yan ay kasalanan gaya rin naman na hindi lahat ng maayos na pagsasama ay katumbas ng tama.

Ang pag-ibig, kanino mo man naramdaman, sabihin man nila na para sa iyo o di kaya naman ay maling ipagpatuloy – pag-ibig pa rin iyan.

Ang pag-ibig gaya ng lagi kong sinasabi ay mabuti. Nasaktan ka man o nakasakit – may mabuti itong naidulot sa iyo. May mabuti kang natutunan. At madalas, nagiging mabuti tayo dahil sa pag-ibig.

Laging nariyan ang pag-ibig. Nasa iyo yan kung iiwas ka, kung hahayaan mong balutin ka ng takot. Pero ano nga kaya ang kinalabasan kung sakaling hinayaan mo ang puso mo, at ano ang naging resulta naman nung hinayaan mo ang takot na mamayani – kung hinayaan mong ang isip mo ang nasunod? Choice mo rin ‘yan. Malamang ipapaliwanag sa iyo ng isip mo at bibigyan niya ng dahilan ang resulta ng kanyang desisyon – dyan magaling ang isip, ang maghanap ng sagot kahit hindi buo ang pakiramdam mo, kahit minsan, kahit ikaw ay hindi kumbinsido.

Sa mga umibig at nakararanas ng pag-aalinlangan sa pag-ibig,

walang mahahanap na sagot kung tama o mali, walang librong magsasabi ng dapat gawin, lalong walang paaralan na may kurikulum sa tamang pagmamahal – kasi lahat tayo, ano man ang IQ natin, may hangganan ang kasagutan. Pero lahat tayo, binigyan ng pusong walang hanggan kung magmahal. Pusong hindi napapagod at kayang pumasan kahit gaano kabigat o kahit gaano kasakit. Sa faculty ng pagmamahal, hindi uso ang sukatan ng kagalingan – pero dito, nasusukat ang pagkatao na siya namang hindi kayang ipaliwanag ng isip.

Paano mo nasabing mabuti siya? Hindi dahil sa nagawa niya o nakamit niya, nasabi mong mabuti siya dahil naramdaman mo iyon.

Ang pag-ibig kahit anong sakit, sa dulo mapapatango ka, makakatayo ka at masasabi mo na – no regrets, at least nagmahal ako.

Iyon ang kaibahan ng pag-ibig -lagi itong nakahahanap ng kabutihan.

Dahil ang pag-ibig – mabuti.

Advertisements

27 comments on “what is love?

  1. Found some answers here.Well written blog,however, made me realized how stupid i am to feel what i am feeling now. hehehehehe. OMG!

    blue : oh well little, just enjoy the feeling hehehe kunsintidor Lol.

  2. Nice post, Bro!

    Love is beyond feeling; it’s a gift from God. And true love is always rooted in the love of God.

    Kayang magmahal ng tao dahil ang Diyos ang unang nagmahal at patuloy na nagmamahal sa kanya.

    As I grow old, I realize that love is not really being consoled by the other. Rather, love is to accept and endure pain- to love DESPITE everything.

    Nowadays, the secular world’s view on love is vain: Kisses here, hugs there, flowers, roses, chocolates, etc. Much worse, the view of love is “the bed” thing. This is not true love.

    But again, true love is a gift from Jesus Christ. Take away Christ, take away love. That’s just as simple as that.

    Anyway, thanks for your inspiring reflection. GOD BLESS!

    blue : hey thanks!

  3. Minsan ko ng pinairal ang puso ko pero nasaktan ako. Siguro nga, once in a liftime eh pairalin naman ang puso. Pero ako, tama na. Next time, utak na ang paiiralin. Lalo na kung ang taong mamahalin mo ay hindi naman worth it at hindi ka kayang ipaglaban.
    Tama ka. No regrets. At least, marami akong natutunan. At least ngayon, alam ko na kakayanin ko ang pagkakataong mawala na siya ng tuluyan. At oleast natutunan ko na kaya ko rin palang kumawala sa pagkalugmok.

    blue : ah ok. i understand. saksi ata ako dito. lols

  4. also, after all this time, I’ve realized that no matter how you try to be strong, love can make you weak…no matter how you try to be intelligent and use your head…love can make you stupid….and love, like death, comes like a thief in the night….geeee.

    blue : and love makes us poetic. hehehe

  5. nako, twice na kong nasaktan kaya iwas iwas muna ako sa mga ganyan. concentrate nalang muna ko sa studies. 🙂

    blue : cool. good for you. u know ur priorities.

  6. “Hindi dahil masakit ang pag-ibig na yan ay mali na ang kahulugan. Hindi lahat ng masakit ay mali at hindi lahat ng yan ay kasalanan gaya rin naman na hindi lahat ng maayos na pagsasama ay katumbas ng tama.”

    tama… akala ko dati,nagmamahal ka para sumaya.. at kapag nasasaktan ka na… ibig sabihin tama na..

    salamat!

    blue : walang anuman!

  7. kuya… henyo…

    mahirap ipahiwatig pero naisulat mo ng malinaw… meron ka bang love life now?

    mahirap explain, pero desisyon talaga ang love… nasa kamay natin kung hahayain natin masaktan at kung willing tayo magrisk… pero katulad ng sinabi mo at least nagmahal ka…at naranasan mo magmahal…

    malamang nito kailangan strong muna me at wala na baggage bago ulit magdecide na ready na me magmahal.. at ready na ulit sumaya, at masaktan…

    blue : what? e ano mo si ano? hindi pa ba love yun? bakit kayo nagkikita lagi? anong meron? hmmm….

  8. hay pag ibig, kapag pumasok sa puso ninoman… masarap ang umibig, at kasama na rin sa pag ibig ang ma-basted, ma-linlang, magpakatanga, at ma-iwan — pero sa ganitong bagay nga nagiging masarap ang pag ibig e, dahil sa mysteryo nito

    blue : actually, totoo. parang ikaw di ba? ang misteryo ng pag-ibig mo sa lalaking hindi pantay? Buti na lang pantay! hehehe

  9. maraming salamat po sa isinulat nyo!
    19years old pa lng po ako at marami pa akong pagdadaanan at mararanasan sa buhay. dahil po sa blog na ito medyo lumiwanag na ang pananaw ko sa pag-ibig at marami akong natutunan–ang pag-ibig mabuti. dahil ho dito nalaman ko na hindi ka dapat matakot na umibig at sa lahat ng mga pagsubok na dala nito. sa huli, kahit gaano kasakit meron itong mabuting idudulot. thank u po talaga. ^.^

    blue : salamat din. btw, hindi ako ganun katanda kaya kahit walang ho, okay na. hehehe

  10. sobrang matalinghaga ang salitang pag-ibig. minsan nakakapagod, nakakatakot. masarap ung feeling ng inlove eh. kaso minsan nakaka praning! pero sa dami ng napag daanan ko, sa lahat ng kabiguan eh di pa rin ako sumusuko. kasi naniniwala ako na my taong nakalaan talaga para sa akin. di man ngaun siguro eh coming soon na sya hehe. thanks po sa pagsulat! ganda :))

    blue : salamat. harinawang dumating na ang iyong kapalaran.

  11. 22o naman talaga lahat ng tao masasaktan pag umiibig d,ba? gaya sa akin inlove ako sa kanya…binigay ko lahat ang gus2 niya dahil mahal ko sya pwe hindi p nya sapat dahil nghanap sya ng iba..isa lang ang hindi ko kayang ibigay kasi mhalaga para sa akin..pwe hindi ako ngkulang sa kanya minahal ko sya..but ganon may mgmahal pwe ayaw kang mahalin…

    blue : uy wait hindi ko rin alam ang sagot. Siguro dapat, magtitira sa sarili. wag buhos. lalo na’t hindi ka pa sigurado. Para pag nawala siya, marunong ka pa ring magmahal, may naiiwan pa kahit konti.

  12. hays! grabe sapul na sapul po sa kundisyon ng puso ko ngaun ah..
    kaso nauna ng nagdisisyon si isip eh.. kaya eto..
    mukang magsa-suffer si puso.. hahaha! wag naman sana..
    God bless.. idol!

    blue : atleast isip ang nagdesisyon. minsan mas tama yun di ba? i dunno sa kaso mo. sana hapy ka

  13. hahayyyy. . .pag-ibig nga nman. . .
    sabih niLa love conquers aLL. . .maaring totoo ito ngunit di lahat ay succesfuL. . . TOINKZ!hehe, sah ngaun ay masaya aq khit ala akung bf. . .

    blue : yeah, pwede naman maging masaya kahit wlang bf. toinks. sabaw na naman ako.

  14. anu po ba ang salitang trust sa pag.ibig? bakit minsan meron tayung na feel na parang niloloko na tayu o nag ccnungaling ang partner natin… kaya mo ba ibalik yung trust mo 1 tao na mhal mo kahit ones kana po niloko?

    blue : i guess oo, basta pag-usapan nyo muna at iclear mo ang effect nito sa’yo para naman sensitive din siya sa nararamdaman mo.

  15. how can we say na meron tayu trust sa love ones natin.. kc gani2 po yan, i hav dis feeling na may tinatago secre2 sakin.. she’s a intelligent woman, anytime she can find a way to lie or 2 hide somthing.. cguro im just imagining things negative sa kanya pro kahit anu gawin ko 2 stop it der has the feeling na i dont trust her.. she hav ben lie to me ones.. do i belive na hndi nya uulitin yun?

    blue: ano ba ang magnitude ng ginawa niya at hindi mo maibalik ang trust mo? medyo mahirap atang sagutin yan dahil hindi ko alam ang details pero base sa sinabi mo definitely wala kang trust sa kasama mo, siguro maganda pag-usapan mo ang nararamdaman mo o doubt mo sa kanya para maclarify mo sa kanya ang pinanggagalingan ng doubts mo. sa gayun, possible na hindi niya gagawin ang mga bagay na ayaw mo. medyo unfair din naman sa part nya di ba.

  16. tama tlga lahat ng cnbi mo, minsan na akong dumaan s love of my life.. minsn nasasabi ko sa sarili ko na ayaw kunang magmahal ulit kc tama ng nasaktan ako,. pero gusto ko parin magmahal..

    blue : oh well ganun ata talaga, madalas nasa boundary tayo ng pagiging masokista at tanga lol.

  17. “Hindi dahil masakit ang pag-ibig na yan ay mali na ang kahulugan. Hindi lahat ng masakit ay mali at hindi lahat ng yan ay kasalanan gaya rin naman na hindi lahat ng maayos na pagsasama ay katumbas ng tama.

    Ang pag-ibig, kanino mo man naramdaman, sabihin man nila na para sa iyo o di kaya naman ay maling ipagpatuloy – pag-ibig pa rin iyan.”

    — ang dami kong realizations sa mga linya mong ito. Regardless ng sino ang mahal mo, o dapat bang ipagpatuloy ang relasyon o para sa iyo ito… ang mahalaga ay maramdaman mo ang pag-ibig. pero sa isang relasyong walang katiyakan, hanggang kelan kaya pwedeng maramdaman ito? haaaay!!!! 😦

    blue: hey salamat, ako rin minsan pag binabalikan ko to, natatawa na lang ako, parang hindi na ako natuto.

  18. hmhmmm..
    love??
    madami na ko napgdaanan jan..massakit..nung una wala lang sakin kun anu man un love,,bsta mrunong ako magmahl..peo ngkmali ako ng mnsang may pmasok sa buhay ko..

    mdami na ko nging past bf..
    may time na ako un naghbol kc mahl ko..
    peo may time nah cla un nghahabol dhil d nla kya mwala ako peo d ko na mkaya laht ng sakit..

    may time nman na nag sacrifice ako para sa iba..uhmm tniis ko laht ng sakit bsta msaya yun taong mahl ko..peo may time pla na dpat ipglaban un dapt na sau..uhmm..

    ang mssbi ko lng sa love,,its so amazing…

    and klangan lahat ng trials na dadtng dapt lgpasan.,and be strong..

    hais khit msakit pngdaanan ko atleast di ako nag give up..hehehhe..

    ge..thanks!!

    blue : hey, mukha kang dami mo ng experiences sa love ah. Ganun tlga pag love, di laging masaya, may time na you need to sacrifice, actually choice sya, hindi lang puso. its a decision. Ang congrats nga pala kasi di ka nag give up 🙂

  19. love??

    jan minsan na kong sumuko..
    nagawa ko na ngang mglaslas dhil sa akla ko ktapusan nrin ng buhay ko ng minsan syang mwala skin..dhil lhat ng kaya kong ibigay ay ibnigay ko para ln sya mkuntento skin at di na mghanp ng iba..

    pero ng sya’y bmalik na sakin im so thankful..
    dhil mahl na mahl ko sya..

    dati.,i dont care about love..kc d aman ako mrunong nun..peo ng mlaman ko kun anu man un..

    ngng msaya nman ako..pero marming pgsubok muna ang dmating bgo man un..hmmm..marming time na lgi akong nsasaktn..peo kinkya ko laht un..

    uhmm..neun..nkatagpo ako ng lalaki na alm kong mahl na mahal ako at di ako iiwan..alm ko mhirap ngana umsa sa pngako peo ako umaasa kc alm kong di nia ako iiwan..at lhat kkyanin nmin pra kmi mgtagl..

    umh ge,,salamy

    blue :wow buti nakita mo na nag love mo, congrats sa yo. At least kinaya mo di ba. Hindi talaga ganun kadali hanapin ‘to, by the way hindi natin alam ang mangyayari, kung sakaling hindi naging maganda, please do not commit suicide. wag mo ng ulitin yun. hindiniya masasagot ang problema and in fact mas mahahassle pa ang mga love mo sa buhay.

  20. totoo nga sabi mo uncontrollable talaga.. ako kahit di niya pinapansin at kahit i’m in a relationship right now, can’t help it,may mga pagkakataon na naiisip ko pa din siya at nangingiti sa tuwing nakikita ko siya, sama ko ba? basta alam ko gusto ko sya at nahihiya ako pag nakikita ko sya.alam mo yun pinipigilan ko na nga minsan e na di sya pansinin at kalimutan sya pero anu naman gagawin ko? gusto ko talaga sya..di ko alam kung bakit para syang magnet sakin.ewan ko ba dun kung anu nakita ko sa kanya.. haizt! ngayon lang nangyari sakin 2 e. basta… isa 2 sa mga nagustuhan kong ginawa mo blue. mula ngayon tawag ko na sau Mr. tagos. heheheheh ok b?

    blue : hahaha mr. tagos? parang iba naiisip ko dun. ganun talaga. pag may tama ka, madalas, duguan wahahahaha!

  21. hehehehe… bilis u sumagot ha.. unlike kahapon. masama ba q pare kung ganun feelings ko ngaun?

    blue : hindi naman. Bakit naman masama? may blog ka rin ba?

  22. kasi po komited ako..

    wala.. nawiwili lang ako s pagbabasa at sa nababasa ko.. tulad ng sayo. parang ikaw ang savior ko pag maaga pa lang badtrip na ko. sana wag ka magsawa. masaya ako sa ganito.

    pero sana may magturo sakin gumawa ng sarili ko blog. :)thanks blue!

    blue : madali lang magblog. Parang friendster lang yan. punta ka sa http://www.tl.wordpress.com. gawa ka ng account mo. user friendly naman to.

  23. ganun talaga ang pag ibig!!!minsan kahit ko na rin dinanas yun,,ang lupit!!!nakakapraning,,and the worse is ….minahal ko di ko pa natikman ng totohanan,,,,lol magkaganun pa man ,salamat kase tao pa pala ako may nararamdaman…jejejeje!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s