Itim na Lobo

Sa harap ng simbahan, isang batang ayta ang nakatingin sa bawat batang naglalakad kasama ng kanilang mga magulang. Nagkalat roon ang mga nagtitinda ng mga sorbetes, manyika at lobo. Upang makakuha ng atensyon ang nagtitinda ng lobo na may iba’t-ibang kulay, nagpapalipad ito ng lobo, sa gayon ay nasisiyahan ang mga bata at pinipilit ang kanilang magulang na bumili.

Isang puting lobo ang una niyang pinakawalan, lumipad ito ng mataas, pinagmasdan iyon ng batang ayta.

Sa pagdaan ng masasayang pamilya patungo sa simbahan ay isa na namang dilaw na lobo ang kanyang pinakawalan at muli itong sinundan ng tingin ng batang ayta.

Sa ikatlong pagkakataon ay nagpakawala ang lalaki ng pulang lobo upang makatawag ng parating na mga bata.

Nang wala ng nagdaraan ay nilapitan ng batang ayta ang nagtitinda ng lobo.

“Kung pakakawalan po ba ninyo ang itim na loob, sintaas ba ng lipad nito ang mga naunang lobo?”

Napangiti ang tindero, pinawalaan ang itim na lobo, hinaplos ang ulo ng bata at saka nagwika

“Lilipad ito sintaas o higit pa sa mga naunang lobo dahil ang paglipad nito ay wala sa kanyang kulay, lumilipad ito dahil sa kung anong mayroon sa kanyang loob.”

Napangiti ang bata.

– sariling salin mula sa aklat ni Anthony De Mello, The Heart of the Enlightened

Advertisements

17 comments on “Itim na Lobo

  1. nice po… kailangan may positive outlook tayo sa life.. attitude lang lahat yan, pagsinabi natin mahirap at hindi kaya wala talaga tayong mararating. kahit sino ka kahit ano ka kung anung tingin mo sa sarili mo un ang mangyayari sau…

    blue : yeah, at syempre dapat iremind yung iba to always think positive. maraming hindi naa-unfold na potentials dahil hindi nila alam na meron sila noon.

  2. nyc. padalhan niyo naman aco every week ng mga magagandang maikling kwentong pambata sa e-mail co. salamat!. ;]

    blue : salamat. naku hindi ako makakapangako ah. hehe daan ka na lang ulit o kaya balikan mo yung iba kong naisulat under kwentong pambata na category. Marami- rami yan, meron naman na hindi ko maipost dahil hiningi ng mga kaibigan ko para sa assignment nila hehehe.

  3. nkaka touch. a beutiful story with a heart. sana madami pang magsulat ng mga ganyang klase ng mga kwento. wla sa panlabas na anyo o kulay ng balat masusukat ang maaari niyang marating sa buhay, nasa pag sisikap ito ng tao at kaniya mismong kagustuhan. ipapabasa ko ang kwentong ito sa mga kakilala ko.

    blue : salamat sa pagtangkilik. siyangapala, sinalin ko lang ito sa Filipino pero ang orihinal na gawa ay mula kay Fr. Anthony de Mello. Marami siyang mga akda gaya ng Song of the Bird, Awareness, The Heart of the Enlightend, Awakening at marami pang iba.

  4. what a nice short story… it says na walang descremination regarding color… kasi yung batang ayta, may inferiority complex sya ka ya hindi nya napigil ang sarili na mag tananong sa tindero ng lobo…. at nag bigay naman ng positive outlook sa bata yung sagot ng tindero. Hindi lang sa batang ayta but also tho evryone who reads this short story…. I can say im so lucky to read this….

    blue : hey thanks. i posted it para nga makainsipre.

  5. napaka makahulugang salita at ang ganda………………………

    Tama di kailangang maputi o ano man ang kulay kahit kaytaas ng pangarap ay walang ano man ang pipigil sayo abutin ito

    blue : 🙂 totoo yun.

  6. Hi ang galing namn ng mga kwento mo. Ano ba yong pooksasapot? I have just accidentally opened this and sobrang magaganda ang kwento mo. My teacher asked me to tell some stories from Philippines, at wala akong tanda na…Is it okey if i would choose one of your story and translate it in Swedish Language and read it in my class. I will be willing to read your stories to my kids during bedtime…
    Sobrang malalim ang tagalog di ko ma get minsan… Ang galing sobrang impressed ako.

    blue : hi Jen, pooksapot – website. Thanks. sokay lang na itranslate mo. email mo ko kung masyadong malalim, bigay ko sayo meaning and interpretation. Again, yung itim na lobo at sacada, translation ko lang yun, hindi ako ang gumawa. The rest, ako na nagsulat.

  7. mr. writer can i make a request……
    heheheheh…
    can you make a story bout ghost.. paranormal, ung tipong ganun. wag lang elemental, ok lng b pare? galing kc ng utak mo e.

    blue : ghost? di fo forte but again sige try ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s