Ms. Conceited

Una ko siyang nakilala sa pahayagan namin. Hindi siya adviser o patnugot, usap-usapan lang na siya ang tinutukoy sa blind item na tumutuligsa sa sinasabing pagpa-powertrip niya sa klase. Siya lang ang magaling, lagi niyang binibida ang mga karangalang nakuha niya noong siya ay nasa kolehiyo pa at noong simulang hawakan niya ang aming pahayagan. Ngayong hindi na siya ang adviser, pana’y pukol ng masasakit na salita at paninira, wala raw kaming alam, pinasok na raw kami ng makakaliwang grupo, sinasayang raw namin ang aming oras at talino kung meron man daw kami noon. Nagpapagamit lang daw kami. Lahat ng iyan lagi niyang nilelecture sa klase niya. Kaya nga ngayon lang ako kinabahan ng ganito nang makita kong siya ang magiging guro ko.

Last subject ko na’to, ang totoo, twice ko ng kinukuha ang subject na’to. Bumagsak ako noong una at minsan lang nila inooffer ito. Isang beses sa isang taon. Ayoko nang umulit at mag stay pa ng isang taon kaya pagtyatyagaan ko na lang.

Magaling siya, hindi ko makakaila yun, madalas nga, sa pagitan naming dalawa, siya ang kinakampihan ng mga kaklase ko. Hindi naman ako nakikipagcompete sa kanya pero sa sobrang bias niya, madalas ay hindi na totoo ang mga akusasyon niya at dahil nga mahusay siyang magsalita, madali siyang paniwalaan.

Infairness, hindi niya ako masyadong pinatatamaan. Alam kong alam niyang nasa pahayagan ako pero alam niya ring ang madalas kong sinusulat ay mga tula at hindi yaong mga patama sa pamahalaan o sa pamunuaan ng aming paaralan.

Masarap siyang pagmasdan, masarap siyang pakinggan. May tama, may lalim, sa twing magsasalita siya, unti-unti ay nabubuo sa aking imahinasyon ang kanyang pagkatao; kung saan siya nanggaling, ang kwento ng kanyang buhay at mga sakit na dinanas niya.

Matapang siya, nagulat nga ako ng malaman kong aktibista rin pala siya noong una. Nakakapagtaka lang at ang lahat ng kanyang dating pinaniwalaan ay hindi tugma sa kanyang buhay sa kasalukuyan.

Noong una, inisip ko na kinain na siya ng sistema. Subalit ngayon, napag-isip-isip ako.

Ang mga istratehiya nila noong araw sa pakikibaka, ang tradisyong iyon na dinanas o dinaraan ng bawat mag-aaral sa kolehiyo ay unti-unti rin palang nawawala. Nagbabago pala ang pananaw at mga pinapahalagahan.

Ang mundo na gusto kong baguhin noon ay ibang-iba sa mundo ko ngayon. Ang mundo ko ay lumiit sa mga direktang tao na araw-araw kong nakakasalamuha. Mga munting problemang sinasagot ko at sinusolusyonan nang hindi kailangan ng pagsigaw, pagmartsa at paghahunger strike.

Nasa mundo ako na ang solusyon ay nakukuha sa pag-uusap, paglalahad ng datos, ng mga pananaliksik kasama ng karanasan at hindi puro karanasana t emosyon lamang.

Nagpacheck up ako dahil sa cyst na nakita ko sa likod ko. Sa corridor ng ospital, nakita ko siyang nasa wheelchair. Tuyot na tuyot ang mga buhok; puti at dinalaw na ng katandaan. Ang kanyang balat ay gayon rin, waring nagdanas ng hirap. Malalim ang mata subalit matalim pa rin. Napatingin siya sa akin. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung nangingilala subalit tila nga nakilala niya ako. Isang malamlam na ngiti ang pinukol niya.

Naalala ko ang kanyang tapang, galing sa pananalita at tibay ng loob batay sa kanyang mga kwento. Alam kong kaya niyang labanan ang sakit na iyon. Fighter si Maam, gayunman, sapat na rin siguro ang panahong iyon upang patunayan niyang hindi siya nagkulang bilang guro, ngayon ko siya mas naiintindihan – ginagalang ko ang mga pinaniwalaan niya.

Advertisements

One comment on “Ms. Conceited

  1. gus2 ko 2ng ms.conceited mo. it reminds me someone way back year___ di ko na babanggitin name nya. kung may doktor ng medisina, sya naman doktor sa edukasyon. terror kung ituring ng ibang estudyante si sir, mataas ang standard at minsan mapanglait pa.(220 un) sya ang kauna-unahang professor ko na nanlait sakin at nagpaiyak. hay! tawagin ba naman daw akong “self-conceited”? and i’m just tip of his finger? kasalanan ko bang mgtaas ng kamay everytime na alam ko ang sagot at gusto kong sumagot? 2 weeks nya kong pinag-initan, di nya ko tintawag kahit nagtataas ako ng kamay. ilang beses na rin nya ko pinahiya s mga clasm8s q. at tinititigan ng masama mula ulo hanggang paa pag pumapasok aq sa klase nya. mula nun di na ko nagre-recite sa klase nya. peo, hahah.. inaatake ko naman sya sa essay ko. hehehe.
    nakakatawa lang kasi biruin mo (d naman sa pagmamayabang) naka-uno pa q. hehehhe

    blue : baka chinachallenge ka lang niya. ang teacher kasi, gusto niya lahat ng paparticipate kaya minsan hindi niya tinatawag yung ilan na alam niyang may alam o madaling matuto.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s