Celebration of Life

At last, nakakita na naman ako ng sandali para mag update, magsulat at buuin ang nasa sa isip ko. Bihira ito mangyari, madaling mag-isip at magsulat subalit mahirap maghanap ng oras. Marahil sa sobrang kaabalahan. Gusto kong magsulat ng positibo sa pagkakataong ito. Yun bang celebration ang feeling. Magaan.

Customer Service

Mga munting sandali, hindi inaasahan pero nagbibigay kasiyahan.

Bakit lumilipat ang kliyente : 15% dahil may nakitang mas magandang produkto at 15% dahil may nakitang mas mura. Sa madaling salita, kung susumahin, ang 30% ay tungkol sa produkto. 20% naman ay dahil hindi nabigyan ng atensyon at 49% dahil hindi maganda ang naranasan sa nagbenta. In short, 69% ay may kinalaman sa serbisyo at hindi dahil sa produkto. (customer focus research study forum corporation)

Sa kabuuan, ibig sabihin lang ay ang isyu ay wala sa produkto bagkus sa serbisyo. Kilala ito sa tinatawag na Service Economy.

Naisip kong isulat ang mga kumpanyang nakaranas ako ng hindi maganda subalit naisip kong isulat na lang ang mga kumpanya na masaya ako. Gayundin,dinagdag ko ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ngayon.

Sun cellular – Hindi ako madalas makapagbayad on time. Madalas ay may mga text messages na ako, paalala na magbayad na. Pagpumupunta ako sa service station nila, lagi akong umuuwing nakangiti. Pakiramdam mo nakamenos ako. Ang isang libo ko, may sukli pa! Kahit Ilang tawag na ang ginawa ko – madalas sa ibang network pa. Mura na, gamit na gamit pa sa opisina.

Eastwest and HSBC – di tulad ng ibang credit card, hindi ko nararanasang maharass. Maayos makipag-usap ang mga agent. Hindi rin nakakabigla ang interes. Marunong gumamit ng salita.

Pizzahut Bistro – dahil nga pizza and pasta person kami, astig na tambayan ‘to. Samahan pa ng wine. Swak sa food choices namin, hindi rin butas sa bulsa pagbayaran na.

Fitness First – From 28% body fats na kailangan kong i-lowerdown sa 17%, in just 1 month nag 17.2% ako kahit nakadesign ang training ko sa 2 months. Astig sa customer service, medyo makulit nga lang dahil sa mga calls na marereceive mo para sa training schedule, atleast mararamdaman mo ang sincerity nila – kahit pwede ng pigain ang damit mo sa pawis, uuwi kang nakangiti at umaalingawngaw sa tenga mo ang mga katangang start your healthy living today!

Sunday programming – I love watching tv pag Sunday. Kapamilya po ako. Sa morning, marathon ng myx. Then shift sa National geographic, balik agad sa ASAP then go to gym, eat out, tambay sa powerbooks baka may public forum ulit then balik sa bahay to watch rated K – I lovit, okay yung concept ng pagiging thematic. PDA. Napapaaga ang uwi ko dahil sa PDA. Fraustrated singer kasi ako, hindi lang halata. Actually pag napakinggan mo, mahahalata mong fraustrated. Then Sharon, kung okay ang topic, very short pero inspiring naman – News, Sundays Best at syempre Urban Zone. Marathon talaga!

Human Resource – may mga taong magaan ang loob mo. May mga department na dependable. Before medyo isolated ang office namin kaya bihira kaming maki- mingle sa ibang department pero ngayon na bagong building, unti-unti ay bumubukas ang aming mundo. Consistent na maganda nag impression ko sa Project Dev. – Intelligent people and very passionate – no sugarcoating, all FF. Okay rin ang HR, syempre compensation and benefit, madaling lapitan, madaling magprocess… ika nga – may puso lalo na sa oras ng pangangailangan hehehe. Customer care, astig ‘to, isang department na ang trabaho ay mangalaga sa kapakan ng mga client. Totoong may care bears! Astig di ba? Sales Admin / Support, maingay, humble, no pretentious, maligalig at masaya! Marketing Research – importante sa amin ang mga inputs nila. Nakakaexcite sa t’wing ay bagong datos. Alam mong may basis, pinaghirapan at pinagpuyatan Ganun din, very generous sa datos. International and Broker Coordinators, manalo matalo – team pa rin kami! Marami pang department na astig, nagkataon lang na ang mga nabanggit ko ang lagi naming kasama. Astig talaga ang mga FF – for the firm.

Wine – weird di ba, pero iba ‘to. Alcoholic in training ata ako. Kapalit ng beer, napapangiti ako sa wine. Walang tama,malinis, healthy – perfect! Sa lahat ng nagbigay ng wine nung birthday ko – Big Thank You!

Ipod shuffle – small gadget pero cant live without it lalo na kung tinatapos ko ang assignment ko sa gym. Hindi ko naiinda ang pagod sa pagbuno ng 600-800kcal in 1 hour sa twing nakikinig ako ng music ni Yanni, Josh Groban, Bert Nievera, the Company, at mga Bossa n’ Beatles, Bossa n’ Marley, Bossa n’Rosses

Multitasking / project-oriented work – sa loob ng isang lingo, 5 activities ang kailangan naming matapos. Halos araw-araw except nung Wednesday. Gayunman naging successful naman halos lahat. Astig ang team namin. Modesty aside, very creative, resourceful, dynamic, talented, and focused. Hindi ko naman inabuso ang phrase na modesty aside. 5 lang kami sa department kaya nakakatuwang nagagawa namin ang lahat ng ito. Yun nga lang, sa sobrang kaabalahan ay may mga gawain na hindi ko na naaalala. Tulad ng pagbablog at alalahanin na birthday ko pala.

Something Serious (but still positive, I hope)

Mas naging abala kami sa kakaisip kung paano mapapabuti ang kalidad ng aming serbisyo. Gaya ng ilang kumpanya at karanasan ng iba, wala naman talagang perpektong grupo. Sabi ni Rom Zemke, quality is what the customer says it is. PERIOD. Masaklap pero yun ang ideya niya.

May mga internal client kami – ito yung mga hindi namin direktang kliyente, sila ang aming mga business partners, sellers, even employees etc. Ang mga sellers bagamat hindi tuwirang empleyado ay pinapahalagan ng kumpanya dahil sa kanilang kontribusyon. Walang mas mababa at walang nakatataas maging empleyado man o mga sellers. Wala dapat makaranas na second rate sila o discriminated.

May mga bulong na ika nga ay bulung-bulungan subalit maingay pa sa hiyaw. Umaalingawngaw, naririnig, walang pumanpansin hanggang sa sumabog at kumalat gamit ang technology ng email. Hindi naging maganda ang paraan; narinig, pinaniwalaan, hinusgahan, binalewala, kinatakutan, naging source ng entertainment at kung anu-ano pa. Ano man ang motibo, mamahiya ba ng tao o departamento o sadyang helpless at desperado, walang makapagsasabi. Kung may nakuha man siya – ito ay yung kahit papaano ay napakinggan siya

Nag-aabang ang ilan. Whats next? Kung ako ang tatanungin, sa point of view ng isang trainer – isa itong datos na magagamit bilang training needs analysis. May nasaktan kaya may umaray. Hindi ko sinasabing tama. Ang totoo, sa tingin ko ay mali ang paraan. Sana nilagay sa tamang forum.

Next – isang text ang natanggap ko. May kumakalat na naman na email, nakaaddress daw sa akin. Aaminin ko, kinabahan ako kung ako naman ang nirereklamo. Nung mabasa ko, weird. Hindi ako ang nirereklamo. Hindi ko rin pangalan ang nasa address, nagkataon lang na parang ako at sa akin iyon. Sigh.gayunman, hindi ko nababasa ang sinasabi niya bagkus may nababasa akong iba. Sinasang-ayunan niya ang unang sulat subalit sadyang may-iba, hindi ko maramdaman ang damdamin. Walang lalim. Parang inuugnay nya ako at tama nga ang hinala ko nang may makausap ako, pinagdududahan pala ako ng ilan na may kinalaman sa pagpapalabas ng mga hinaing na iyon. Kakaiba. Parang nagbabasa ako ng iskrip. Kung iskrip man ito, hindi maganda ang plot. Oh well, willing naman akong magbigay ng lecture on how to create a good plot. Yun bang mala-deconstructivist ang approach. Hindi obvious at hindi madaling mahuli.

Masyado na akong nag-iisip at nalilimutan kong nagdaan pala ang birthday ko at until now ay wala akong birthday wish. Gaya ng sinabi ko sa mga blog ko dati, ang birthday wish ko laging nagkakatotoo!

Paano ako magwiwish at magcecelebrate kung ang dami ko ngang ginagawa. Sa dami niyon, isang pangyayari ang nagmarka nung linggong iyon.

Justice.

Marami ng umaaray at marami ng nasasaktan. May nagsalita, may nakinig subalit walang gumawa o kumilos.

Sinubukan rin akong saktan ngunit hindi ako masyadong naapektuhan. Madali akong makabasa, marunong akong tumingin, nakasaliw ako sa galaw ng hangin. Sadyang hindi nababalutan ng palamuti, ng pera at pangalan ang kakulangan sa sarili – ang insecurities. Patatabain kalang ng pera pero hindi ng respeto, totoong kaibigan, at lalong hindi ng kaligtasan. Hinihintay lang nila ang araw mo at iiwan ka rin nila. Iyan ang kulturang nilikha mo at iyan ang gagamitin nila sa iyo. Natakot ako hindi dahil sa sakit na magagawa sa akin bagkus dahil sa nakaambang balik sa nagtangka nito. Naipon na. Lahat ng maliliit na sakit, mga injustices na isinisigaw ng mga munting taong ginamit at nilamangan; anu’t nagkumpul-kumpol at unti-unti sasaboy sa iyo. Walang masamang espiritu, lahat ng iyon, nagmula sa iyo… nilikha ng pagiging ganid. Ang masakit, yung maranasan ang lahat ng iyon unti-unti habang pinapaalala nito ang kasakiman at kasamaang ginawa mo sa kapwa mo, ang sakit na iindahin mo at pagkabagabag kung mapapakinggan ka pa ba o mapapatawad ng mga taong kinasangkapan at niloko mo – sa pagitan ng purgatoryo at impyerno. Malapit na iyon.

Om Shanti – damhin mo.

Mane Thecel Phares.

Ang buhay parang soap opera…. ang drama!

Advertisements

One comment on “Celebration of Life

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s