sa pagitan ng kawalang katiyakang relasyon

Hindi naman maikakaila na sa twing makikita kita, daraan ka, maaamoy ko ang pabangong nakasanayan ko mula sayo ay muling manunumbalik ang sandaling pinagsamahan natin. Noon na kasama pa kita, na malambing tayo sa isa’t-isa. Yun bang inaalala natin ang bawat isa, ang kapakanan mo. Hindi matatapos ang umaga, tanghali at gabi ng hindi kita tinitext kung nakakain ka na. Kung nakauwi ka na o magsasabay ba tayo pauwi. Kung tatambay muna tayo para magkape kung walang magandang palabas sa sinehan.

Kahit wala na tayo pwede mo pa rin naman akong tawagan o itext sakaling nalulungkot ka. Ako pa rin ‘to. Baka naman pwede tayong maging magkaibigan? Hindi naman siguro ibig sabihin nito ay hindi na tayo magpapansinan. Lalong hindi tayo pwedeng mag-iwasan. Maliit lang ang mundo at lalong pinaliliit ito ng tadhana sa mga taong nag-iiwasan. Alam kong hindi ka handang makita ako,
pero sakaling mangyari yun, sakaling makita kong umiwas ka ng tingin kung magkrus ang landas natin, igagalang ko iyon at hindi rin ako magtatangkang tawagin ka. Igagalang ko ang space na kailangan at hinihingi mo.

Sana lang sa pag-iisa o pag-iisip mo, manatili ang respeto natin sa isa’t-isa. Igalang natin ang mga taong nagmahal sa atin. Wala silang kasalanan sa mga pinili nating desisyon.

Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko. Hiling lang na huwag nating saktan at lalong pahirapan ang mga sarili natin. Totoong masakit ang mga nangyari at mahirap ang sitwasyong kinalalagyan natin, pero sana maunawaan mo ring pareho tayong nasasaktan. pareho tayong nahihirapan at nag aadjust.

Anuman ang desisyon natin, maging tayo man ulit o tuluyang magpaalam, pangako kong wala akong sasabihing masasakit tungkol sa iyo, na ang alaala mo ay mananatiling alaala ng pagmamahal gaya ng mga ginawa at ininvest natin.

Alam ko kakayanin mo rin gaya ng pagkaya ko, kahit masakit.

Kung sakali naman na handa ka ng makinig sa mga paliwanag ko at pag usapan kung anong nangyari, sabihin mo lang, subukan nating pag-usapan.

Ngunit kung magdesisyon kang tuluyan ng hindian ang pagkakataong ayusin ito, iginagalang ko iyon.

Ingat ka at sa huling sandali, hayaan mong sabihin kong minahal kita.

Advertisements

11 comments on “sa pagitan ng kawalang katiyakang relasyon

  1. nakaka touch naman tong post mo. at sana mabasa ito ng taong pinatutungkulan mo at malaman nya kung ano ang nasa loobin mo. at oo, kaya mo yan.

    blue : hehehe. salamat. may isang tao na ngang umiyak nang mabasa niyang naisatitik na ang kanyang saloobin.

  2. Hindi lang umiyak. Nasira ang paniniwala niyang OK na siya. Kinailangan niyang harapin ang sakit pagkatapos niyang basahin ang post na ito. Lekat!!!!

    blue : peace. hehehehe. sadista brutal ba?

  3. Peace, Kuya! I realized I was hiding behind the anger. I was using it so that I won’t feel the pain. Pero siguro it is time to feel the pain para pagkatapos nun, happiness na ulit! Bongga!!!

    blue :sabi na nga ba. masokista ka. hehehe

  4. its still makes me cry pag binabasa ko uli itong post na ito.. kasi minsan parang ang hirap balikan pag nasaktan ka nang sobra, ang hirap mag tanong kasi alam mong masasaktan ka sa mga isasagot… kaya minsan mas gugustuhin mo na lang tumahimik tiisin yun sakit kaysa marinig ang sagot na mas masakit pa sa nararamdaman mo ngayon.. whooo emo ! hahaha

    blue : pano naman kung ang inaakala mong sagot ay hindi iyon?

  5. Agree ako kay naglalambingnacute. Mas gugustuhin ko pang mag move on na hindi nalalaman ang mga sagot dahil mas masasaktan lang ako. Mas mabuti pang walang closure kesa sa magusap nga kayo eh sobrang sakit naman. Move on na lang!!! Kaya yun!!!

    blue : okies sabi mo eh. basta walang regrest and what if ha.

  6. Oo kuya. Walang regrets and what if. Kasi naman alam ko na ang mga sagot sa tanong ko kahit hindi ko na itanong pa.

    blue : hay. (sigh)

  7. ito yung pinaka ayoko sa pag ibig eh..!
    yung may sakit..!
    hay naku..!
    kung matuturuan lang sana kitang maging…
    BOMBERO eh di sana ginawa ko na..!
    hay..!
    BOMBA!!!

    blue : hi bombero. salamat sa pagdalaw.

  8. grabe! nakakaiyak naman to :((…pero pinaka paborito kong part eh un “Ingat ka at sa huling sandali, hayaan mong sabihin kong minahal kita” sobrang nakakaiyak…napapabuntunghininga ako habang binabasa ko ito. siguro mejo nakaka relate lang ako kaya ganun ung nararamdaman ko. hayyyz umiiyak a nga ata ako eh? hayyyzz talaga :((

    blue : tahan na 😉

  9. fan mo na koh!! hehe.. cute ng mga stories.. keep on publishing such stories.. daming nakaka-relate.. and i’m one of them..

    blue : hey thanks. sure. marami pang lalabas.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s