Third Eye

Tinatanong nila ako kung meron ba akong third eye, ang totoo, meron. Bata pa ako nung nadiskubre ko ito.

Di tulad ng ibang bata, hindi naging ordinaryo ang buhay ko. Gigising ng maaga, pag hindi bumangon ay mapipilitan sa palo. Kailangan kong magpa-igib ng tubig. Kailangan kong maglakad sa riles patungo sa patubigan. Ito ang bumuhay sa amin. Lahat kami – dumaan sa pagpapaigib ng tubig. Lahat din kami – napalo.
Pag-uwi naman, mabilis na maliligo dahil may pasok. Kung panghapon  ako ay madalas ala una y medya ang pasok. Kung pang-umaga naman ay ala sais. Kapag umaga ang pasok ko ay sa hapon ako nagpapaigib ng tubig.
Ilang taon yun. Iniisip ko kung kailan ako gagraduate sa trabahong ganun. Nasasayangan ako sa oras. Sa paglalakad sa riles patungo sa paigiban. Sayang ang oras na nakaupo ako sa bintana at nagbubukas ng gripo para sa mga sasahod. Naiinip ako sa buhay ng pagbubukas ng gripo – pagsahod ng barya.
Iba’t-ibang klase ng tao. May mababait pero mas maraming salbahe. Ayaw magbayad, bastos ang bibig, madalas ang away at suntukan, habulan, hampasan ng pingga.
Minsan ay naglalakad ako sa riles pauwi – tirik ang araw. Naisipan kong bilangin ang mga kahoy na kinapapatungan ng riles. Minsan naman ay mismong tren ang binibilang ko kung ilan ang magdaraan sa maghapon. Iyon ang pampatay oras ko.
Doon ko nakilala ang hirap. Siguro dahil sa karanasan na iyon ko nakilala ang pangarap.
Sa t’wing kukurap ako sa pagdaan ng tren, sa pagkakapuwing, parang ayaw ko ng dumilat. Minsan pumikit ako, lumiwanag ang paligid. Sa pagpikit kong iyon, nagbago ang paligid ko. Hanggang sa hinanap ko ang pangitaing iyon.
Natutunan ko ring makita iyon kahit nakadilat. May nakikita ako na hindi nakikita ng mata. May daigdig na buhay na buhay sa akin, kaya ko ng palitan ang lungkot at pagkainip, natutunan kong ipinta at tumigil sa mundong nagbibigay ng lihim na kasiyahan sa akin sa kabila ng daigdig na nakikita ng mata ko.
Pinagaan nito ang buhay sa akin. Pinakilala nito ang langit. Dito may katahimikan – payapa. Doon hindi hinihingi ang katarungan dahil nananaig ito. Sa daigdig na iyon ko natatagpuan ang langit.

Ito ang third eye. Madalas, mas totoo ang interpretasyon nito sa paligid, pinakikita nito ang tinatagong lihim na hindi napapansin ng aking mga mata. Dito ako sumasangguni kung nararamdaman kong hindi totoo ang mga tao sa paligid. Ito ang gabay ko.

Advertisements

9 comments on “Third Eye

  1. kahit ang nanay at tatay ko meron din ganyan kwneto. parati nila sinasabi samin na mabuti at hindi namin naranasan ang hirap na maglakad ng kilometro para mag-igib ng tubig o di kaya ang pumasok sa eskwelang naglalakad ng malayo….

    great story!

    blue : kaya nga noong nabasa ko ang kwento ni Rogelio Sikat na Impeng Negro – madali akong nakarelate. Marami akong nakasalamuhang mga Impeng Negro. Lumaban at nagwagi.

  2. natatakot at nati-thrill akong basahin ito nung una kasi akala ko may pagka-horror-suspense, iba pala hehehe.

    kaaliw naman ng istorya mo at maganda ang iyong ginawa. imbes na lunurin mo sa kalungkutan, eh hinanap mo ang iyong “Paraiso.” mas positive iyon at nagbibigay ng pag-asa. mabuhay!

    Blue : salamat! Yup. ang kasiyahan at kapayapaan ay nagmumula sa isip.

  3. galing nang pagkasulat mo ha, kathang isip ba ito or totoo? naiimagine ko tuloy yung bata na naglalakad sa riles at binibilang yung mga kahoy.. mabasa pa nga yung ibang entries mo…

    nga pala nag random blog lang at dito ako naabot ng tadhana

    blue : true to lie. este true to life pala. hahaha

  4. ang lalim naman.. Pero sobrang ganda. Sana marami pang ganitong mga entries..

    blue : salamat. basahin mo na lang ulit next time baka maunfold na ang message hehehe

  5. lahat ba ng tao my third eye? kailan 2 magpapakita?
    sabi sa akn ng nanay ko makikita mo daw ang lahat ng haindi natin kauri………katulad na lng ng engkanto,,,,,, katulad na lng ng kapitbahay namin dahil my nagsasabi dw sa kanya sa tuwing my problema, ng kng anoano,,,,,,kaya minsan wala siya sa kanyang sarili,,,,,,ga noon ba talaga yun?????

    blue : sabi nila. pero may ibang katangian ang third eye, hindi ito yung kakayahan na makakita ng ibang uring nilalang, ito ay makakita ng ibang bagay mula sa pangkaraniwan. 🙂

  6. about my opinion third eye and other dimention are really exist, like me, my spiritual sense was opened, and i’ll looking for some answers to inprove my spiritual sense,
    ……………..
    maraming pwedeng paggamitan ang third eye, depende sa lakas nito,
    kung mga multo at, laman lupa lang ang nakikita mo, ito ang pinakamahina,, pero kung mapasok mo ang astral reality, or astral projection.. isa ito sa malakas na katangian ng third eye, and kung mapunta ka naman sa 2nd and 3rd dimention, makikita mo dun ang mga anghel, ang others, depende pwede din, black angels, ang makita mo kya kung sobrang lakas ang energies or aura ng third eye mo, its better to carefull using it, baka hindi ka makabalik sa real world.( human world)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s