Lupa

(2003)

Ako ang lupa, ako ang biyaya

ako at ang lupa ay kanyang pinagpala

iisang pinagmulan at ang patutunguhan

iisa ang pusod ng ating kasaysayan.

Lupa akong tigang na sa’yong pawis ay matitinag

hahagurin hanggang sa tuluyang matibag

papawiin yaring uhaw sa buhos ng ulan

siyang magpupunla sa aking sinapupunan.

Kasuyo ang ulap, hinahagkan ng araw

nakatanod sa buwan, bitwi’y nakatanaw.

kukumutan ng hangin, sila ang aking kasiping,

babatiin ng hamog mula sa pagkakahimbing.

Butil ay gigising, tatalupan ang katawan,

sisisirin ang lupa’t uusbong paibabaw

pipiglas ang punla sa hanging nagbabadya

sa kanya’y titingala’t mananambit ng pagpapala.

Ang bunga ng bunga ko’y akin na ring bunga

ang ugat ng bunga ko’y ang kanyang ibubunga

sapagkat ang binhi ay binhi magpakailanman

pinausbong man ng panahon ay iisa ang katawan.

Ako at ang tao ay pinagniig ng kalikasan

ako at ang lupa sa isang hibla nananahan.

ang lupa ay ang tao, ang tao ay ang lupa,

magkayapos, magkasuyo sa piging ni Bathala.

Advertisements

5 comments on “Lupa

  1. mainam, ngunit wala talaga akong kaamor-amor sa mga tulang wlang restriksyon

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    blue : 🙂 ako naman, tapos na sa tulang may restriksyon hehehe. ang tingin ko, kasama ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin ang kalayaan sa pagbungkos ng mga salita 🙂 gayunman, naniniwala rin ako na magandang sa mga nagsisimula pa lang sa paglikha ng tula ang pagsunod sa karaniwang patakaran nito – disiplina 🙂

  2. May nakaaway kasi ako nung sabihin kong suicidal ang blog nya. Sobrang narcissist nung nagsulat ayaw ng negative comments. Nagsulat sya ng isang post na eight paragraphs ang haba kung gaano sya kagalit sakin. hay

    blue : hahahaha, oh well baka naman hindi ka pumereno o nagpasintabi. Ang blog kasi – kanya-kanyang entablado yan, nagkataon lang siguro na hindi siya handa para sa isang audience na iba ang taste. Before open for comment din ang blog ko kaso may isang reader na nagbadword, so kinailangan kong screen. Okay lang naman yung negative comment wag lang magmumura at below the belt.
    Ako naman pag hindi ko gusto, hindi na lang ako nagcocomment 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s