A Fairy Tale (in progress)

Ang mga Fairy Tale, pambabae lang daw.

Kaya nga sa bunso kong kapatid madalas ikinukwento ng tita ko ang mga kwento ng mga babae na nangangarap na magustuhan ng isang prinsipe. Ako naman, tahimik lang na nakikinig. Natanim na sa isip ko noon na ang bawat lalaking pinapangarap ng mga babae ay matipuno, mahusay makidigma, anak mayaman at nakatira sa kastilyo.

Alam kong simula noon, nakasama na sa listahan ng kapatid ko ang mga katangiang iyon sa pagpili ng mamahalin.

Ako naman, iniisip ko palagi, kailangan kong maging mayaman, maging magalang, matipuno, mukhang prinsipe upang mahalin at hangaan.

Ganun kasi mag-isip ang babae. Iyon ang nakamulatan ko.

Nakapag-asawa ang bunso namin. Gaya ng kanyang pangarap, gaya ng itinanim niya sa puso niya na may isang Fairy God Mother, ipagkakaloob sa kanya ang kanyang hiling basta taimtim niya itong hihilingin sa isa sa bitwing gagawin niyang gabay.

Bago matulog, walang patid ang pakikipag-usap ng bunso kong kapatid hanggang sa magdalaga na siya – hindi niya nakakalimutan ang munting hiling, ang tumingin sa kalawakan ng gabi at isamo ang nilalaman ng kanyang dibdib.

Fairy Tale do come true sa kapatid ko. Nakapag-asawa siya ng isang foreigner. Mayaman at may magandang trabaho. Nasa Scotland na siya ngayon kung saan matatagpuan ang ilang sa naglalakihang palasyo.

HIndi pa ko mayaman – ni sariling bahay ay wala pa kaya wala akong palasyong maibibigay sa mamahalin ko. Wala ring karwahe, motorsiklo lang.

Kaso minsan, nauuna ang true love kesa sa assets. Handa na ang puso ko pero hindi pa ang bulsa.

Gustong-gusto ko ng sabihin sa mahal ko ang mga katagang hinihintay niya – gusto ko na sanang maiparanas sa kanya ang paglakad sa dambana. Pero hindi pa ako prinsipe.

Sa Baguio, sa kinalakihan kong simbahan – malapalasyo, doon ko sana siya pakakasalan. Ihahatid ko siya sa aming lumang bahay, walang karwahe bagkus isasakay ko siya sa’king motorsiklo.

Yayakapin ko siya ng mahigpit, tatalunin ko ang lamig at ipapipikit ko ang kanyang mata, sasabihin kong ako man ang pinakamahirap na prinsipe, ituturing ko na naman siyang prinsesa – habambuhay.

Hindi pa naman huli ang lahat.

Ang Fairy Tale namin – hindi magwawakas sa happily ever after – kasi magsisimula pa lang.

Advertisements

2 comments on “A Fairy Tale (in progress)

  1. sooo sweet. i love fairy tales. wish ko nga sana dumating na magsusuot sakin ng glass slippers…kahit di na glass kahit goma lang na tsinelas ayos na basta ba ituturing akong prinsesa…

    blue : naks. oo nga, sabi nga sa pelikula ni regine, kahit tsinelas okay na, pag – uwi ng bahay, tinatanggal natin ang sapatos at tsinelas ang pinipili natin.

  2. gaya ng sinabi mo sky blue kadalasan o halos lahat ng mga babae minamulatan na ang mga kwentong fairy tale …
    every time may nabasa akong mga kwentong ganito…
    hindi talaga ako naniniwala sa umpisa oo pero ka la unan tulad ng tsenilas at panahon at ulan titila din ito at mawawala ng parang bula … bakit nga ba hindi din natin imulat ang mga bata sa murang edad kung ano nga ba tunay na realidad… palagi na lamang mga kwentong masasaya at happy ending ….sa tunay na realidad hindi naman lahat ay may happy ending ….
    minsa ki na kailangan imulat din natin ang ating mga mata sa katotohanan …..kung ano ang realidad hindi lahat ng kwento ay may happy ending.
    kadalasan ang magandang resulta ng isa ay hindi pangkalahatan …

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s