True Love

Kung babalikan ko lahat ng nagawa ko na, mga accomplishments at shortcomings – madalas nararationalize ko ang mga iyon. Laging no regrets at learning lessons ika nga. Hindi naman sa kinukumpara ko ang sarili ko sa iba; mga kamag-aral, kababata o mga nakilala, masasabi ko na naging successful naman ako sa buhay ko. Isang young urban professional. Magimik, makulit, mahilig magbyahe, palaging kasama ng mga kaibigan, nood dito, inom doon at iba pang happenings.

Kung maturity naman, masasabi ko na hindi naman ako napag-iwanan. Marami akong kakwentuhan – mga good conversationalist, may mga sense sa buhay.

May tiwala ang opisina sa akin at ilan sa mga nakakasalamuha ko. Modesty aside, sa tingin ko, dahil sa performance ko o contribution ay nakakuha na rin ako ng respeto mula sa kanila.

Minsan pag naglalakad ako pauwi, nakataas noo ako. Masarap ang pakiramdam. I’m a made man.

Pero saglit lang yun.

May mga bagay na hindi mo makukuha. Mararanasan mo, patikim, yun bang alam mo na na eto na yun, gusto mo ang pakiramdam pero hindi pwede.

Kahit anong galing mo sa trabaho o sa pag-aaral man yan, kahit ang daming humihiyaw sa’yo at nagkakagusto, nagbibigay ng number at nag-i- stalk, may irony ang buhay. May magugustuhan ka na hindi maibibigay sa’yo.

Kung simpleng hiling lang sana na magkaroon ng kotse, condo, new cellphone o anumang gadget, madali namang bumitaw at intindihan kung hindi ibigay ng Diyos. Pwede mong isipin na kaya ko namang pagtrabahuhan yan. Pero kung ang gusto mo ay ang pagmamahal na maibalik sana sa iyo – wala kang magagawa kundi maghintay at kung makapagdesisyon siya na hindi ka niya gusto – balewala ang lahat ng imaheng binuhay mo, lahat ng naipundar mo, lahat ng yabang sa katawan – kahit anong tigas at galing mo – iiyak ka rin.

Lalo na kung alam mong true love.

True Love kasi ilang taon na ang nakalipas. Sabi mo sa sarili mo, lilipas din iyon. Nasaktan ka, oo pero darating ang panahon na maghihilom ang sugat at matatanggap mo rin. Pero mahabang taon na ang nakaraan, parang kahapon lang ang hapdi.

Nakikita mo siya, naroon ka habang masaya siyang naglalakad patungo sa altar. Magkaibigan kasi kayo. Hiling niya na naroon ka sa kasal niya, kabahagi ka sa masayang araw na hiniling niya.

Parang pelikula, naroon ka, nagbukas ng pinto.

Lahat nakatingin sa kanyang pagpasok, dahan-dahan ang mga imahen sa iyong alaala, at dahan-dahang nananariwa ang kirot sa iyong dibdib. Kasi Mahal mo siya.

Iyon na sana ang huli ninyong pagkikita, nagawa mo na ang hiling niya. Siguro naman, sapat na iyon at panahon naman para harapin ang sarili mo – ang sakit na dulot nito. Magpapakalayu-layo ka.

blackout.

Pero maliit ang mundo at lalong pinaliit ng technology. Imposibleng cannot be reached ka. Kaya makakatanggap ka pa ng mga balita tungkol sa kanya and worst pag kinuha ka pa niyang maging ninong ng anak niya.

Naiimagine mo ba yung sugat na pinatakan ng alcohol? Ganun kasakit.

Magdadahilan ka, dahil ang totoo, magkaibigan man kayo, hindi nabawasan ang pagmamahal mo sa kabila ng sitwasyon niya ngayon.

Kaya nga masasabi mo sa sarili mo na walang rules sa love, hindi niya kayang unawain o intindihin ang mga salitang hindi pwede o tama na o nagmumukha ka ng tanga. True Love e. Umuusbong kahit hindi mo diligan.

Proof?

Mahabang taon ang nakalipas, masaya ka na, successful ka na nga e. Nakukuha mo ang gusto mo. Nakakagimik, pasyal, nakakabili ng kahit ano, tapos habang nasa mall, makikita mo siya, hawak-hawak ang anak kasama ng asawa niya. Masayang namamasyal – nagpa-family bonding, magkahawak-kamay. Iisipin mo, ano kaya ang pakiramdam kung ako ang kahawak-kamay niya.

At magtatago ka, iiwas ka ng daan. Ang kaninang masayang araw ay mapapalitan ng pangamba. Biglang titibok ang puso mo. Bigla kang maiinsecure. Distracted ka na.

Iisipin mo, masaya ka ba talaga. Ito ba ang gusto mo. O may tinakbuhan ka lang.

Nagising muli ang puso mo.

Itutulog mo na lang, siguro ay makakalimutan mo ulit ang pakiramdam at magdadasal na hindi mo siya makita uli. Dahil ang totoo, naroon ang pakiramdam. Nagmahal ka – totoong pagmamahal at hindi ka niya pinili.

Sabihin mo mang walang regrets, minsan iniisip mo na ano kaya kung naging kayo.

Bagsak na naman ang emotion mo. Sensitive ka na naman at hindi ka mahihiyang ikwento, may topic na naman kaya kasama ng mga good conversationalist mong barkada bukod sa economy, politics at sports.

magpapakatao ka at magbubukas ng bagong topic –

True Love?

Advertisements

17 comments on “True Love

  1. Hindi ko alam kung makakatulong ito pero para sa akin, ang True Love kasi ay True Love makuha mo man o hindi. Masakit pag hindi natin nakuha but in the end, maiintindihan natin na hindi nga kasi yun ang para sa’yo. Ikaw man talaga o hindi ang bida ng essay na to, ang payo ko lang e eto : Live on what you have right now. Life is not really that short but even if it ended without you having the things that you craved for, at least yung dream na yun ang nagbigay ng essence sau to live d ba? Sabi nga – hindi naman lahat makukuha natin. Yun lang po. Bow!

    blue : how sad hehehe hindi ata tungkol sa’kin to. lol pero totoo yun, pwede rin naman kasing isipin na kung naging sila ba, nasa same situation din kaya siya or in short magiging successful din kaya siya. another what if 😉

  2. Korek, kuya. Diba nga tinanong mo ako noon: sa palagay mo ba kung nagkatuluyan kayo eh masaya ka? Kasi just because you want something or somebody does not mean you need that thing or person.

    blue : ang galing no? kahit para tayong magkakaibang pisi at magkabuhol-buhol man, sa dulo iisa ang ating lalabasan… pantay-pantay pa rin tayo, walang naiwan, iisa ang naranasan at saka tayo magtatawanan. Ang aral sa akin… aral din sa’yo. lol

  3. haiz. nakakalungkot pero ganyan talaga ang buhay. totoo, napakahapdi kapag hindi ka minahal ng TRU LOVE mo… pero ano ba naman ang magagawa mo. at least naging parte ka na lang siguro ng buhay niya no … kahit kaibigan lang.

    blue : huhuhuhu. napapakanta ata ako, kaibigan lang pala, kaibigan lang pala…

  4. hmmm ayan ka nanaman kuya pinaiiyak mo nanaman ako… talagang natotouched mo ako sa entry mo..

    ang hirap isipin na yun true love mo hindi mapapasayo.. walang araw na hinihiling mo sa Panginoon na sya ang ibigay sayo.. pero wala talaga tayo magagawa.. hindi natin hawak ang damdamin nino man.. tanging panlaban nalang natin eh.. minsan may dumating sa buhay natin.. nagpasaya… lahat nalang yun puro memories..

    kaya ang tamang gawin do not dwell on the past..

    pero masakit yun kaibigan???? hahaha patawa yun kung may malalim kayong pinagsamahan tapos kaibgan?
    talagang parang sugat yun na nilagyan ng alcohol…
    thumbs up kuya… galing galing 😉

    blue : uy posible rin naman na ang true love e magkatotoo, nagkataon lang na sa sitwasyon na ito ay hindi pwede, baka isipin mo laging ganun. hehehe oo masakit yun, nawawalan tuloy ng value ang pagiging kaibigan? parang ganun lang yun? hehehe tenks!

  5. minsan nalilito, naguguluhan pa rin ako. kelan ba talaga masasabi kung ang love ay true? nasusukat ba ito ng tagal ng pagsasama? ng sayang nararamdaman kapag kayo ay nasa piling ng isat isa? o kapag handa kang magsakripisyo para sa kaligayahan nya kahit kapalit nito ay ang kaligayahan mo? ang pagpaparaya ba ay totoong pagmamahal?

    blue : hala, pahirap ng pahirap ang tanong. ang sagot ko sa mga tanong mo – puso mo ang makapagsasabi. hahaha ang jologs ng sagot ko!

  6. Opo nga. Ung tipong sasabihin mo sa sarili m0ng “dapat ako ang kayakap nyang matulog, ako ung nag aalaga sa kanya, ako ung ipinaghahain nya” kaso ganun talaga me pagkakataong hanggang dun nalang talaga. But d0nt worry, sasaya ka din.

    blue : at marami pang dapat. btw, masaya naman ako. huhuhu

  7. basta ako iba ang aking true love iba ang aking soul mate 🙂 at oo, kahit na hindi sila ang nakatuluyan ko, feel na feel ko pa rin yung tunay na damdamin namin sa isat isa — pero sempre, kasama ko si kengkoy pang habang buhay at ibang klaseng love naman yon, everlasting love 😀

    blue : uy how sweet! paburger ka naman, kengs, burger, burger, burger!

  8. thank you poh sa true love nyo kung d po dahil sa ginawa nyo wala po akong project thank you po sa maganda mong kwento

    blue : what? hehehe no problem. sana lang hindi mo ko sisihin pag hindi nagustuhan ng teacher mo. 🙂 may umaway na kasi sa’kin dito sa blog, hindi daw maganda yung ginawa kong kwento dahil hindi daw gusto ng teacher nya. nyak! kasalanan ko pa hehehe

  9. bgo plang ako dito sa site na pro nang mabasa q ag kwento wow talaga.mahirap talgang ei define kung ano ang tinatawag na true love.but for me kasi ung true love na tinatawag ay ung handang magparaya para sa ikallgaya ng mahal niya.hapines kac is a very subjective factors in ones life.being hapy it doesnt mean na nasau na lahat ng bagy.ung tunay na kaligayahan ay yong kuntento ka sa kung ano ang meron ka.like wat u kol true love.be contented on wat u have.yan ung tunay na kaligayahn.

    blue : natutuwa ako dahil kahit bata ka pa, nabigyan mo agad ng kahulugan ng true love 🙂

  10. ngaun lang ako nagawi sa site na ito. at ito pa ang una kong nabasa. swak na swak sa sitwasyon ko ngaun. mahirap nga idefine ang true love. kasi para sa akin, pag nagmamahal, i can’t find any reasons kung baket ko mahal ang isang tao. basta ang alam ko mahal ko siya. parang katangahan noh. pero kahit papano, nakakagaan ng loob ang sinulat mo. lalong lalo na at demo ang pakiramdam ko ngaun… salamat..

    blue : hehehe marami ngang nakakarelate pag ang topic ay about love. pero sadyang ganun wala talaga atang eksaktong sagot dito.

  11. “May mga bagay na hindi mo makukuha. Mararanasan mo, patikim, yun bang alam mo na na eto na yun, gusto mo ang pakiramdam pero hindi pwede.”
    — grabe, galing mo. 🙂 kakaiba. wala lang.. as in binasa ko talaga yung buong post. hehee.. grabe.. x) SUPER!!

    “May magugustuhan ka na hindi maibibigay sa’yo.”
    — SUPER. x)

    ge po. ingat!

    blue: hehehe salamat. sana ay may natututunan ka.

  12. Mahabang taon ang nakalipas, masaya ka na, successful ka na nga e. Nakukuha mo ang gusto mo. Nakakagimik, pasyal, nakakabili ng kahit ano, tapos mababalitaan mu n masaya xa sa piling ng iba pero hindi ikaw taz maaalala mu n nman n sana ikaw n lng un maiisip mo n masaya kb tlga? dahil khit anu p man ang nasayo parang malungkot kp rin parang may kulang sa buhay mu huhuhuh tama na lolz well… ganun tlga…

    blue : on the contrary, may darating din naman sa buhay mo na pwedeng tumulong para makalimot ka or para matuto, magmature at maunawaan mo na sadyang may nakalaan para sa’yo. darating ang panahon na when u look back, matatawa ka na lang at iisipin mong naranasan mo pala yun, naging engot ka pala minsan, ang mahalaga naman ay hindi yung nangyari sa yo, mas mahalaga yung natutunan mo pagkatapos.

  13. Ganyan talaga ang buhay… Meron tayong mga nararanasan na sakit dahil sa true love. Pero sino nga ba ang mga taong dumarating s buhay natin para ipaglaanan ng totoong pagmamahal. God knows what is the best for us. Ang mga taong ito ay tumutulong para maging better person tayo. Isipin nalang natin na may nakalaan para sa atin. Kung sakaling naging kayo naman ng mahal mo. Sa tingin mo kaya eh magiging maganda ang relationship nyo for the reason na HINDI KA NYA MAHAL NA TUNAY. Pangit yun. ikaw lang ang nagbibigay ng tunay na pagmamahal. Hindi ka laruan para paikutin ka lang nya sa kung ano ang gusto nya. Mas maganda na habang maaga eh ganun na ang nangyari…

    ahrens

    blue: nice one. yup, pag hindi para sayo learn to give up

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s