Mr. Clean

Maaliwalas ang mukha niya, magaling manamit, mukhang mabango, vain, napakagentleman, minsan lang magsalita pero aabangan mo… there something about this guy. Sabi nila, Metrosexual daw ang tawag dun, yun bang isang metro na lang homosexual na. Mainit ang mata ng mga tao sa kanya. Syempre sa opisina pa namin na ang lahat ng bago ay subject for discussion, para bang telenovela na unti-unting inaabangan na mag unfold, public entertainment ang buhay ng bawat isa. Bihira ang lalaki kaya malas mo pag sa department ka namin napunta. Hehehe, malas niya.

Sa t’wing darating siya, ayan na… sinusuyod namin ng tingin ang damit niya, bag, gamit, sapatos, pagkilos… basta lahat ng galaw niya. Ang cubicle niya, ang linis, hindi siya makwento kaya panay silip lang kami sa gamit niya. Mukhang may sinabi sa buhay, makinis ang kutis ng mga kasama niya sa picture; kaibigan at family members na nasa picture frame.

Mag dadalawang linggo na at malinis pa rin ang desktop. Malinis ang table pati ang basurahan. Kung ano ayos niya pagpasok ay ganun din pag uwi. Akalain mong hindi nalulukot ang kanyang longsleeves.

Hindi ako susuko sa pustahan. There’s hope. Hindi siya bading.

Minsan, sa isang work activity, kailangan naming mag-usap, hmmm mag-usap palagi. Kinabahan ako na naeexcite, opportunity nga naman. Hindi ko naman kayang kumpetensiyahin si Cristy Fermin at wala akong career sa pagiging showbiz talkshow host pero parang gusto kong gampanan ang role na ito. Tuwang-tuwa ako pati na mga kaofficemate ko. Sabi nila, pagkakataon ko na daw ipagtanggol ang pusta ko. Ang work activity namin, mas pinaexcite ng bago kong task, ang alamin ang totoong gender ni Mr. Clean.

Siyempre marunong naman ako sa art of conversation, art of questioning at art of friendship. Unti-unti, walang personal talk, pakiramdaman at may respect of privacy. Nakakainip. Sinusubukan kong magcross ng boundary sa pagtatanong ng basic info kung manonood ba siya ng UAAP. Sabi niya, oo daw. Every year ay nasa Araneta siya. Kinakabahan ako, baka kasi isagot niya na present siya lagi sa cheering competition. Wagi! Basketball pala ang paborito niyang sport.

1 point!

Nagbabasketball siya? tanong agad ng mga kaopisina ko. Hindi ako umabot sa ganun kadetalyeng tanong, kaya may assignment na naman ako.

Dumaan ang araw na unti-unti ay lumalim ang pag-uusap namin. Hindi na basic profile. Alas! Ka-facebook ko na nga rin siya. Boring ang friendster para sa kanya. Madalas politics and social issues ang paborito niyang panghimagas. May puso sa mahihirap, nakikinig sa hinaing ng masa, galit sa byurokrasya, humihingi ng reporma, pwedeng ikampanya para sa pagkapangulo at saka ko naintindihan na mula pala siya sa angkan ng mga pulitiko sa kanilang probinsya – mala superman ang tingin sa angkan nila.

2 points – prim and proper dahil sa kanilang family reputation.

Nawala na ang point system. Matagal-tagal na rin naman kasi siya sa amin kaya hindi na siya ang topic. Pero sa akin, curios pa rin ako. Hindi na sa gender niya kundi sa buo niyang pagkatao. Basta iba – katulad ng sinabi ko, theres something… basta hindi ko maintindihan.

Araw-araw naaamaze ako sa mga kwento niya, shy type siya. Hindi siya makwento sa lahat. Sa akin lang. madalas ako pa ang nagdedeliver ng kanyang mga ideas and thoughts sa group. Sa akin pinadadaan ng mga kaofficemates ko ang gusto nilang itanong o ipasabi sa kanya. Siguro dahil nahihiya rin sila dahil nga hindi pala nila kalevel – hindi nila mareach si Mr. Clean.

Lumalim ang pagkakaibigan namin. Alam ko na inaabangan niya ako pagpasok at ganun din ako sa kanya. Magkawavelength kami sabi nga niya. Nagkakaintindihan kami at nagkakapalitan ng mga ideas whether the same arguments or contradicting sa opinion niya.

Ang mga oras sa opisina ay naextend sa mga pagkain sa labas, hanggang sa mga text messages, phonecalls at sa mga personal naming pamilya. Nadala ko siya sa bahay nung nagpahousewarming kami at umattend din ako sa surprise birthday party na binigay nila sa mom niya. Akala ko ma o-OP ako pero very warm sila sa akin. Madalas daw akong naikukuwento ni Mr. Clean sa Mom niya. Wala na siyang Dad by the way, na ambush ito nung height ng election campaign, years ago.

Pinakita niya ang room niya. Una, curious ako kung gaano ito kalinis. Sa kwarto mo daw makilala ang isang tao. Maliit lang, malinis, minimalist. Naglalaro sa kulay ng black, white and gray except for 1 painting na aagaw ng atensyon. May background naman ako sa humanities, kahit papaano nakakaapreciate ako ng paintings. Unique yung sa kanya. Mixed emotions, magulo na may harmony. Ironic pero yun ang interpretation ko.

Favorite painting niya yun. Ang bestfriend niya at siya ang gumawa nun. Hobby pala niya ang pagpaint at tinuturuan niya ang bestfriend niya – classmate niya from highschool to college na nasa ibang bansa na ngayon. Basketball player ang bestfriend niya – actually varsity sa school nila. Matagal na siya mula ng last na magpaint siya. Wala daw siyang paghugutan ng emosyon.

Wala sa itsura niya ang pagiging pintor. Ano nga ba ang itsura ng pintor, tanong ng mga officemate ko. Wala lang, kasi masyado siyang malinis para maging pintor. Ni patak ng pintura sa daliri, hindi ko siya nakitaan.

Si Mr. Clean – dati isang subject, pinag-uusapan, inaalam, ngayon isa na siyang object. Para akong nakakuha ng treasure. Araw-araw, palalim ng palalim, siya na ang bukambibig ko. Lahat sa kanya ay maganda. Ako na ata ang campaign manager niya pag kumandidato siya.

Nagstairs kami sa halip na mag elevator, mahaba-habang usapan bago umuwi. Tahimik siya, walang kibo. Kinakabahan ako. Hindi ko kaya, anticlimatic pero sinira ko ang episode na yun – nagtanong ako, anong problema?

Hindi siya makapagsalita, hindi siya makatingin. Hindi ko siya maintindihan. Sa pagkakataong ito, hindi ko naiintindihan si Mr. Clean. Sabi niya, magkita kami mamaya.

Umalis siya agad, nagmamadali. Iniwan niya ako.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganun. Ngayon lang ako nainsecure. Anong meron?

Papunta na ako nang magtext siya, sa starbucks na lang daw kami magkita. Mukhang seryoso nga ‘to.

Parang ayokong pumunta, natatakot ako.

Andun na siya. Palinga-linga. Hindi sanay na naghihintay.

Namumutla, namumula ang mata, mukhang kagagaling lang sa iyak. Nangingilid ang luha.

At ang gwapo, mabango, at banayad kumilos ay napayakap sa kin. Umiiyak. Ngayon ko lang siya nakita ng ganun. Hindi ako handa. Maraming nakatingin. Diyos ko Lord, ano bang nangyayari. Hindi siya makapagsalita.
Dinala ko siya may park. Buti na lang katabi nito ang chapel. doon kami nag-usap.

Booom! Sumabog sa mukha ko ang lahat. His bestfriend is getting married. Confirmed. Talo ako sa pustahan. He’s gay. He’s discrete, metrosexual – 1 meter away homosexual. Oh My God. Hihimatayin ako. Nakayakap siya sa akin at nakayakap na ako sa kanya. Umiiyak siya sa balikat ko at umiiyak ang puso ko. Hanggang sa sabay na kaming umiiyak. Mas malakas lang yung sa kanya dahil humahagulgol na siya at hindi ko pwedeng pantayan – this time he’s a loud gay!

Natapos ang makasaysayang gabi. Umuwi siya at nagpapahinga.

Umuwi ako. Nagkulong sa kwarto – nakatanga. Bakit ako umiiyak? Hindi dahil sa pusta. Magkano lang ba yun? Lagi naman akong talo sa pustahan. Wala akong radar – nbsb rin ako- as in no boyfriend since birth so wala akong intimate interaction sa mga boys. Hindi ko alam kung sino ang totoo at kauri.

Nagtataka ako sa reaksyon ko, siguro siya rin. I feel betrayed. Magkaibigan kami pero hindi siya nagdisclose – agad. Pero so what? Hindi betrayal yun. At isa pang Oh My God!

Pumasok akong namamaga ang mata. Hindi siya pumasok. Tahimik ang mga kaopisina namin. Siguro may nabubuo na sa isip nila. Sa bawat pagbukas ng pinto, pinapakiramdaman ko kung siya na iyon, pero hindi pa rin. Walang text, walang tawag at hindi siya nagparamdam sa araw na iyon.

Gusto ko siyang kumustahin, alamin ang kalagayan niya – pero may pumipigil sa’kin. Bumalik sa alaala ko ang mga sandali na magkasama kami, masaya ako noon, tama, kinikilig na pala ako ng hindi ko namamalayan. Akala ko, paghanga lang. Akala ko, natutuwa lang ako dahil ang isang itinuring kong espesyal na katrabaho ay nag-uukol na ng pansin sa isang lihim na humahanga -unti-unti ay luminaw sa akin ang lahat. May nararamdaman ako para sa kanya – im dead.

The next day, parang walang nangyari. Pumasok siya, mabango, malinis, walang bakas ng paghihinagpis – in short wala pa ring bahid. Naging magaan ang approach niya sa akin – ganun din ako sa kanya. Parang walang nangyari, parang wala akong nalaman, – pretend na hindi ako nahulog, puro parang; parang hindi ako nasaktan at na inlove sa isang parang lalaki.

Bilang respeto sa isang kaibigan, inalagaan ko ang lihim ni Mr. Clean. Hindi ko pinahalata kahit alam kong naramdaman niya rin na may iba akong nararamdaman para sa kanya.

Naging magkaibigan pa rin kami. Sa ngayon, hindi na ako nbsb – isang tall, dark and handsome basketball player ang aking boyfriend. Hindi ko lang pinaalam muna kay Mr. Clean dahil baka malugmok na naman siya. Charing!

Advertisements

3 comments on “Mr. Clean

  1. hi! wala lang, i just came across your blog and decided to read it nung mbsa ko un tagline. aun, interesting. dami din xe ganon sa office namin at hinuhulaan din namin kung an0 sila, este kung straight ba sila, hehehe!Ü so in short, can relate, 🙂 aun, anyway, buti you have moved on na and you’re with someone na, that’s good. sana aq din, hahahaha!Ü
    aun ln, just want to say hi and thanks for your blog, interesting eh!:)

    blue : hey thanks. pero literature lang ‘to ha. hehehe

  2. hahaha.. pakxett. nakakarelate aq. hehe.. 4th yr h.s pln aq. hehe. mdyo gnyan un situation q naun e. hehe 🙂 stegg. tenks.

    blue : uy goodluck naman sa’yo hehehehe. wag mahuhulog ha, delikado.

  3. ahehehe…kakarelate dn aq!..
    kc ung crush n crush qng CI nmin s a gay!,nung una akala nming lhat lalaki talaga until nahanap q fb nya at nabasa q lahat ng wall nya,ayun, confirmed, .. sabgay, crush lng naman pwo sayang kc ung gwapo nya. tsk, heart broken dn xa, hnggang ngaun

    mga bakla nanlalalaki, mga lalaki nambabakla,,..ahaha, ilan nlng natira para sa babae?.ngee

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s