Huling Gabi ng Munting Prinsipe

Para sa rosas na aking nakilala,

Isang umaga, isang bagong umaga, binago nito ang buhay ko nang makita kita. Sa aking bakuran, sumibol ka’t nagising. Marahan, maingat ka’t tumingala, naghikab at bumati sa daigdig. Nasisilaw ka sa liwanag at giniginaw sa hamog. Binantayan kita, inalagaan at sa huli nga’y napaibig.

Iyon ang pinakamagandang umagang bumati sa aking maliit na daigdig.

Ang pag-ibig na iyon ang nagdala sa akin sa iba’t-ibang daigdig.

Pabalik na ako, nakatingala’t nag-aabang kung may susundo, naghihintay ng pagkakataong makabalik. Mabigat ang talampaka’t nag-aalangan; marumi ako, may bahid ng malisya, may luhang tumutulo tanda ng pagkakapunit ng kawalang malay. Nakilala ko ang daigdig, hindi na buo ang loob kong humarap pagkat nabatid ko na ang lihim mo, ang lihim ng pag-ibig.
Inaabot kita ng tanaw, kumusta ka na? Abutin nawa ng pag-ibig na ito’t yakapin ka ng hindi mo maranasan ang nakamamatay na lamig. Sa kinatatayuan ko, may lumbay na kumikitil, hindi man muling magkatagpo, ang huling hininga’y ipaaabot para sa iyong katiwasayan.

Ngayong gabi, mahabang gabi; naunawaan ko ang pag-ibig.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s